Panlipunan Pagsasapin-sapin: Yaman at Kapangyarihan
Isang Sintesis sa Dulang ‘Ang Paglilitis Kay Mang Serapio’ ni Paul Dumol
(Chariza F. Genon)
“Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad namin.”
“Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. Tandaan ninyo ‘yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyo’y isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag sumali ka sa federaciong ito.”
- Mula sa ‘Ang Paglilitis Kay Mang Serapio’
Bilang isang indibidwal, hindi na bago na makita ang iba’t ibang imahe ng lipunan mayroon ang bansa. Marahil, ang lipunan ay pinapatakbo ng yaman at kapangyarihan o karamihan ay nabubulag sa kinang ng ginto at pilak. Ang ganitong sitema sa lipunan ay nakapagdudulot nang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao, kaya karamihan sa mga ordinaryong Pilipino ay napipilitang ibaon ang kanilang sarili sa putik habang tinatapakan ng mga taong may kapangyarihan. Napipilitang sumunod sa kagustuhan ng nakaaangat, kahit kapalit nito ay ang sariling kalayaang iangat at ipagtanggol ang sarili o maging ang pagtanggap ng nararapat na serbisyo.
Mooney at Durkheim, ipinaliwanag na “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nangmaayos ang kanilang tungkulin.”Ngunit ayon naman sa panulat ni Panoppio, “ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ang pag-aagawan ng mga tao dulot ng limitadong pinag-kukunang yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ay nakakapagdulot ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” Dito na papasok ang konsepto ng panlipunan pagsasapin-sapin.
Ayon sa pananaliksik ng New York Times, “ang panlipunan pagsasapin-sapin ay isang konsepto na kinasasangkutan ng pag-uuri ng mga tao batay sa sosyo-pang-ekonomiya na maaring naapektuhan ng iba’t ibang salik gaya ng yaman at kapangyarihan (Wealth and Power). Ang tagpong ito ay makikita sa iba’t ibang parte ng mundo gaya ng Estados Unidos, Africa, at iba pang bansa na yaman at kapangyarihan ang siyang batayan sa pag-uuri ng mga tao. “Bagamat ang ganitong sistema ay hindi lantarang nakikita sa lipunang Pilipino, ito ay nasasalamin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong tao habang nakikisalamuha sa mga may kapangyarihan.
Sa pagpapaliwanag nina Myers at Schaffer sa kanilang pananaliksik (The Relationship Between Social Class and Psychiatric Practice ), “ang estado ng tao sa lipunan batay sa kanyang yaman ay mayroong kaugnayan sa medikasyong matatanggap ng pasyente. Bilang pagpapalawig, sa kanilang pananaliksik, nagkaroon sila ng isang eksperimento kung saan tinitingnan nila ang mga pasyenteng may neurosis na lalapatan ng psychotherapy. Isa nang argumento sa kanila, na ang mga taong nasa mababang antas ng pamumuhay ay hindi ang nararapat na lunas ang natatanggap (psychotherapy), ngunit custodial care o organic therapy lamang dahil sa walang kakayahang magbayad. Ang karapatang makakuha ng nararapat na lunas ay ipinagkakait sa mga kapus-palad, na kahit sa mga klinika ay hindi nabibigyang atensyon dahil sa umiiral na klasipikasyon ng mga tao batay sa yamang mayroon ito”. (p 307)
Ang ganitong pangyayari ay maihahalintulad din dito sa Pilipinas, kung saan mga mayayaman ang palaging nauuna sa pagtanggap ng mga serbisyo kagaya ng medikasyon o kaya iba ang pakikitungo ng mga medical personnel sa mga pasyenteng nasa mababang antas ng pamumuhay. Sa katunayan, ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Carisma, Lazaro et.al, kahit sa patuloy na pagtaas ng satisfaction rate ng healthcare sa Pilipinas, hindi parin pantay ang kalidad ng serbisyo na naibibigay. Dagdag pa nila, 21 porsyento na nakakakuha ng sapat na serbisyong medikal ay ang mga mahihirap samantalang umabot sa 65 porsyento ng populasyon ng mga mayayaman ay nakakakuha ng serbisyo. (xiii).
Ang panlipunan pagsasapin-sapin ay hindi lamang tungkol sa yaman ng tao kundi pati narin ang kapangyarihan taglay ang tao. Maaring ang makapangyarihang tao ay nakalalamang sa maraming aspeto. Una, maaring sa usaping hustisya o hindi kaya sa usaping political. Ayon kay Sison , “hindi isang kuwestiyon ang pagdakip kay Arroyo dahil sa non-biable offense dahil sa pagsabotahe o pandaraya noong eleksyon 2007 ngunit, ang tanong na bumabalot sa mga tao ay ang kulungan ng dating Pilipino. Iba sa karaniwang kulungan ng mga napatunayang may kasalanan sa batas ang kulungan ni Arroyo dahil lamang sa siya ay dating pangulo ng Pilipinas. Dagdag pa niya na, ang nangyari kay dating Pangulong Erap noong 2001 ay nauulit lamang. Nagpapatunay lamang ito na ang Philippine Justice System , ang mga nakatataas sa buhay at ang mga may impluwensya ay may espesyal na pagtrato kahit napatunayan na sila ay nagkasala. Samantala, ang mga karaniwang pilipino, o ang mga lowly ay agarang nilalagay sa mga kulungan kasama ang ibang preso kahit ang kanilang kalusugan ay hindi maganda.”
Dagdag pa nito, ayon sa GMA News, “maging ang dating gobernador ng Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., na kinulong sa Camp Bagong Diwa dahil sa koneksyon nito sa masaker na naganap noong 2009 sa kanyang probinsya, at ang dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol, ay iknulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kasabwat siya sa naganap na pandaraya noong eleksyon 2007 kasama ni dating Pangulo Arroyo.” Sa pagpapatuloy na paliwanag ni Sison, “ may pagkakaiba talaga sa pagtrato kay dating pangulong Arroyo at iba pang may kapangyarihan sa pagtrato sa mga ordinaryong pilipino na nakukulong kahit pa sa mga presong may mababang antas ng kasalanan. Ayon pa sa kanya, kung si Arroyo nga ay nakahiga sa mgandang kama at may maraming pagkain pa, nararapat lamang na ang mga ibang preso ay bigyan ng sapat na espasyo para sa maayos na tulog gabi-gabi.”
Ayon pa kay Sison, “ang ating Justice System ay dapat nang mareporma at bigyan ng pantay na atensyon ang lahat ng mga nagksala sa batas, ito man ay dating opisyal ng gobyerno o ordinaryong pilipino, dahi sa huli ang batas ay batas. Walang sino-sino o ano-ano, kapag nagkasala nararapat na panagutan.” Ang pahayag ng abogadong si Sison ay ang dapat gawing batayan ng mga nasa hukuman upang ang paglilitis sa lahat ng mga nagkasala ay nararapat at naayon sa naisagawang batas.
Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, hindi maitatanggi na karaniwang napaprusahan dahil sa krimen ay ang mga walang kapangyarihan o mga mahihirap. Sa nakasaad sa tesis ni Lopez, “karamihan sa mga krimen ay nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Kung susuriin, malalaman na ang unang limang deathrow inmates ay hindi gaanong nakakalamang sa buhay. Ang unang naparusahan gamit ang lethal injection ay isang mangingisda (Leo Pilo Echagaray), at ang apat pa ay walang permanenteng trabaho. Ayon pa nga niya, ang isang preso ay sumagot sa sa isang interbyu, “ang tanging kasalanan namin ay ipinanganak kaming mahirap at walang kapangyarihan.”. Dagdag pa niya, kaya humantong ang mga preso sa ganoong sitwasyon, ay dahil hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili at walang pambayad sa mga abogadong magtatanggol sa kanila. Hindi kagaya ng mga mayayamang nagkasala, o ang mga impluwensyang tao, na kahit gaano kabigat ng kasalanan ay nagagawa paring lusutan.”
Mayroon pang iba’t ibang salik ang panlipunan pagsasapin-sapin katulad ng edukasyon, kita, lahi at iba pa. Ngunit ang pagpokus sa dalawa ang mas karaniwang napapansin natin sa lipunan ngayon lalo na ang baluktot na sistema ng hustisya. Sa pangkalahatan, maaring ipagsama ang yaman at kapangyarihan bilang magkaugnay na salik, dahil kadalasang nagiging pamantayan ng kapangyarihan ang yaman. Kapag ang tao ay mayaman o nasa mataas na antas ng pamumuhay, maaring magtaglay ng kapangyarihan upang makalamang sa iba, lalo na sa mga mahihirap.
Labis kong pinaniniwalaan na, hindi ang pera ang nagpapatakbo ng mundo, ngunit dahil sa umiiral na paniniwala ng mga mamamayan, nagmumukhang ang yaman at kapangyarihan na ang nagpapagalaw sa mundong ating ginagalawan. Ang yaman at kapangyarihan ng mga mapanlinlang kapwa ang kumukontrol sa nakatakdang pamantayan na dapat sana ay pantay-pantay ang lahat bilang isang pilipino.
Hustisya ay Dapat sa Lahat
Ang Paglilitis ni
Mang Serapio
Ni Paul Dumol
(Carol Jane Apawan)
Ang hustisya ay para sa lahat. Wala itong
pinipili kahit anong estado ng buhay ngunit sa panahon ngayon iilan na lamang
ang nakakakuha nito kasi ito ay mahirap ng abutin ng kahit sino man tulad ng
mga mahihirap at kontrolado ng may mga kapangyarihan sa lipunan. Sa nangyari sa
buhay ni Mang Serapio, hindi niya nakuha ang tamang pagtrato sa kanya sa
paglilitis. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang sarili
sa hukuman na siya ay hindi nagkasala, na iyon ay isang kasinungalingan lamang
at walang katotohanan. Sa paglilitis kay Mang Serapio makikita ang korapsyon,
na kahit anong mangyari sa kanyang paglilitis ay sa huli siya ay mapaparusahan
pa rin. Hindi siya mabibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili dahil sa
kanyang estado sa buhay. Minsan ang mga taong tulad ni Mang Serapio ay
natatapaktapakan ng may mga kapangyarihan sa lipunan.
Ayon kay Raffy Tulfo, nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas
ay sadyang mabagal at marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang
isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at
paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung
mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman
at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Tulad ng sa kaso
ni Mang Serapio na hindi niya nabigyan ang sarili ng katarungan dahil
makapangyarihan ang nasa hukoman.
Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao
at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ang pinakanagpapabagal sa proseso ng katarungan sa Pilipinas ay ang
makalumang metodo at paraan nito. Habang maraming bansa sa mundo ang kumikilala
sa “jury system”, dahil ‘di hamak na mas mabilis ito, ang Pilipinas ay nakapako
pa rin sa tradisyunal na metodo, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat
ng katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala. Sa dami ng krimen at
mga kasong isinasampa sa korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa
Pilipinas, nagpapatung-patong lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon
lamang sa limot dagdag pa ni Tulfo.
Ayon sa sinabi ni de Gurman, marami ang humihiling, humihingi, at
sumisigaw ng kanilang hustisya .Lalung-lalo na sa mga taong nakakulong na wala
naman talagang kasalanan na sila ang nagdurusa sas madilim at mabahong
kulungan.Na merong naghihintayat mas nangangailangan sa kanya dahil siya lang
anh naghahanap buhay para sa kanilang pamilya.Siguro nga hindi nila
maipagtanggol ang sarili marahil walang pambayad sa manananggol. Marahil isa pa
dito ang kakulangan ng pangangasiwa ng pamahalaan para sa mga hakbang sa kaso
.Minsan nangyayari pa nga ang hindi pantay na pagtingin sa mahirap at
mayaman.Ngayon nga kapag marami kang salapi ikaw ang unang pakikinggan at higit
sa lahat ika'y makapangyarihan. Sa naging paglilitis kay Mang Serapio hindi
pinakinggan ang mga sinabi niya dahil ang nasa isip ng nasa hukoman ay si Mang
Serapio ay isang pulubi na mangmang lamang.
Dagdag ni Gurman, hustiya na ang ibig sabihin
ay pagkakapantay pantay o pagkakaroon ng katarungan sa bawat tao sa lipunan.
Hindi ito basehan kung ikaw man ay maimpluwensya, Mayaman o Mahirap,sa nationalida ng tao puti man o
itim ay walang pinipili sa larangan ng Hustisya. Ngunit ngayon ay
napapahalagahan pa ba ang hustisya. Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa
dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong
nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan
pa nga ay humahantong sa kamatayan.
Sa larangan ng antas ng pamumuhay hindi dyan
mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong
hindi pagkakapantay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga
katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka
bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon
ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng
hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot
nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng
pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon
ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na
mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.
Ayon sa inilahad ni Ryu, ang
hustisya ay pantay para sa lahat. Iyan daw ang pamantayan ng isang malayang
bansang demokratiko. Pero tunay nga kayang pantay ang hustisya sa ating bansang
Pilipinas? Sa palagay ko ay hindi. Maging ang karamihan sa mga Pilipino ay
kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Kung
ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan,
awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis,
pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang
dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung
anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala
kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa .
Kahit ang mga nakakapanood sa
tv ng balitang tungkol sa gayung krimen ay masasambit lang ang mga salitang
“buti nga”! Ang snatcher ba ay pwedeng magrequest ng laptop o cellphone?
Palagay ko ay hindi, wala pang ganoong pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa.
Ang tanong ngayon ay kung bakit? Simple lang ang kasagutan…ang kriminal ay
mahirap kaya ang pagtrato sa kanya ng tao at pagpataw ng hustisya ay talaga
namang masasabing malupit at walang pagdadalawang-isip. Ngayon, siyempre hindi
lang naman mahirap ang mga kriminal sa Pilipinas, sa palagay ko nga’y mas
marami pa ang mayayaman, maiimpluwensiya, at mga pulitikong masahol pa ang
krimeng ginagawa kaysa sa mga simpleng snatcher. Ito ang mga tinatawag na mga
“DISENTENG KRIMINAL” na dahil sa kanilang katayuan sa buhay ay
masasabi na ring mga untouchables. Ang iba sa kanila ay malayang
nakakalabas-masok sa selda at naka-aircondition pa.
Ayon kay Rolloque, noon,
maugong ang usapin hinggil sa magiging kulungan ni CGMA. Kung titingnan natin
sa tamang kaisipan, dapat pa ba natin itong pagdebatehan? Malinaw namang
nagsasakit-sakitan na lang para makaiwas sa kulong pero bakit patuloy pa ring
kinukunsinti ang lantarang panlolokong ito sa taumbayan? Simple lang ang
kasagutan, iyan ay dahil sa umiiral na double standard justice system ng ating
bansa. Iba ang trato sa mayaman at sa mahirap ng ating hustisya. Sa mga
ganitong katwiran ay para atang tinanggap na talaga ng ating mga kababayan ang
hindi pantay na pag-iral ng hustisya para sa lahat. Ano ba ang pinagkaiba ng
magnakaw ng marami at kaunti?
Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa
upang maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan para sa hinaharap ay masagot
natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na henerasyon kung bakit iba ang trato
sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa bahay at paaralan ay
pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay
manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang
kultura ng walang pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa.
Itigil na ang pagpapaloko at pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang
ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang pangsariling interes.
Ayon sa pilosopong Pranses na si Michel
Foucault, ang kapangyarihan (power) sa lipunan ay hindi lamang nakasalalay sa
lantarang pamimilit at dahas. Sa sistemang demokratiko, lalong nagbabago at
nagiging mas mahiwaga ang mga anyo at pamamaraan ng kapangyarihan. Sa kanyang
tingin, nakatago ang istruktura at instrumento ng kapangyarihan sa loob ng wika
(language) at usapin o diskurso (discourse). Sa pamamagitan ng wika, ang mga
pamamaraan at hangganan ng kaalaman (knowledge) ay naitatalaga at naisasa-ayos.
Kasama rito ang mga batayang kaisipan na humahaligi sa mga mas malalaki at mas
kumplikadong konsepto na siyang nagsasaad ng kabuuan ng ating kaalaman tungkol
sa ating sarili at lipunan.
Ang katarungang panlipunan o social justice ay ang polisiya ng
ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa, mahihirap, may kapansanan,
mangmang o maliliit, ay ginagawang makatao at sinusubukang pantayin ang
pagkakaiba nang estadong panlipunan nang mga mangagawa at mga kapitalista, para
ang makatuwirang layunin nang katarungan ay kahit papaano ay maipatupad nang
maayos.
Pero ang layunin ng pagkakapantay pantay ng mga mayaman at
mahirap, manggagawa at kapitalista ay hindi kagaya nang prinsipiyo nang mga
komunista o diktatorya, ang pagkakapantay-pantay ay hindi sa lubusang
pagpaparte nang mga yaman sa bansa sa lahat ng mga Pilipino, kundi ang
kahit papaano ay mabawasan ang pagkakaiba ng estado sa lipunan
partikular na sa pagbibigay ng mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara
sa mga mayayaman at kapitalista. Ang sabi nga ni Pangulong Ramon
Magsaysay, kung sino ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan ng mas
maraming benipisyo sa batas. (mula sa kasong Calalang vs. Williams na sinulat
ni Justice Jose P. Laurel)
Ang polisiya ng Katarungang Panlipunan ay makikita mismo sa
Saligang Batas, “The Congress shall give highest priority to the enactment of
measures that protect and enhance the right of all the people to
human dignity, reduce social, economic, and political inequalities, and
remove cultural inequities by equitably diffusing wealth and political power for
the common good.” Ito ang dahilan kung kaya nga ang lahat nang batas
at mga desisyon ng korte para sa mangagawa, mahihirap, may kapansanan o
maliliit ay dapat laging naayon sa katarungan panlipunan.
Sa kasalukuyang panahon, tumataas ng tumataas
ang bilang ng mga krimen at pangaalipusta sa mga kapwa tao. Ang pangunahing
rason ay pera at kayamanan na kumakain sa dignidad at moralidad ng mga tao,
maparelihiyoso man o hindi. Walang pinipili ang temptasiyon. Gaya ng tinuturo
ng simbahang Katoliko, ang kasakiman ng tao ang magdudulot sa kaniyang gumawa
ng desisiyong ikasisisi o ikapapahamak niya. Isa itong babala sa ating huwag
magpadala sa hinanakit at galit. Sasakyan tayo nito hanggang sa tayo ay
makakasala katulad ni Kabesang Tales na isa sa mga karakter ng El Filibusterismo
ni Dr. Jose P. Rizal na lumabag sa kautusan ng Diyos upang bigyang hustisya ang
nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya na kinunan ng karapatan hanggang sila
ay lumuhod sa pighati.
Ang hustisya ay dapat nakukuha ng lahat. Ang
mga tagapaglitis ay kailangan na walang pinapanigan na kahit ano. Ibang tao nang dahil sa
kahirapan hindi nabigbigyan ng tamang pagtrato o pagkakataon na ipagtanggol ang
sarili. Sa ganitong sistema ng pamamalakad sa pagpapatupad o pagkamit ng
hustisya, ang mga katulad ni Mang Serapio o mahihirap na tao ay kawawa dahil
natatapakan na lamang ng mga taong may kapangyarihan. Ang hustisya ay dapat
nakakamit n bawat isa ngunit sa panhon ngayon mas kontrolado na ito ng mga
taong mayayaman o may kapangyarihan.
Basahing Tinutukoy:
Tulfo,R..BulokNaSistemaNgHustisya.2015.PinoyParazzi.12September12,2017.https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjDndmJ3WAhUHnBoKHZp1BUUQFggkMAA&url=http%3A%2F%2Fwww.pinoyparazzi.com%2Fbulok-na-sistema-ng
hustisya%2F&usg=AFQjCNGqUolV3Ba08GU17qlu_y4ak5yl7w.
Gurman,D..MahirapKamanOMayaman.2008.12September2017.http://diakaraig.blogspot.com/2008/10/mahirap-ka-man-o-ayaman.html
Mamales,R..HustisyaParaSaLahat.2008.12September2017.http://diamondpaulitagomez.blogspot.com/2008/10/hustisya-para-sa-lahat.html
Rolloque,M..KatarunganParaSaMAhihirap.2017.KarapatanAtKayamanan.12September2017. http://rolloquesblog.blogspot.com/2017/02/katarungan-para-sa-mahihirap.html
Ryu,T..PairalinAngPantayNaHstisyaSaPilipinas.2011.SulongPilipinas.12September2017. http://sulongpilipinas.blogspot.com
Ang Paglilitis kay Mang Serapio: Salamin
ng Pilipinas
(Synthesis)
Regine Lace A. Panuncia ABM Pounds
(Synthesis)
Regine Lace A. Panuncia ABM Pounds
Isa
sa mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan na naisasalamin sa dulang
Ang Paglilitis kay Mang Serapio ni Paul Dumol ay ang pang-aabuso ng mga
nakatataas o opisyales ng pamahalaan sa kanilang kapangyarihan na siyang
nag-uudyok sa paglitaw ng korupsyon sa bansa.
Sa
333 taong sinakop ang bansa ng mga Kastila, 333 taon rin nagdusa ang mga
Pilipino sa pamamalupit ng mga Kastila tungo sa mga Indio lalong lalo na sa mga
taong napapabilang sa mababang uri ng lipunan. Sa tanyag na akda ni Jose Rizal
na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, naitala ang
kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Kastila.
Ito
rin ay naipapakita sa binasang iskrip ng dulang Ang Paglilitis kay Mang Serapio
na malupit ang mga nasa kinauukulan sa mga walang kapangyarihan. Mula sa
pagmamaliit ng mga Kastila sa kakayahan ng mga Pilipino, sa paglabag ng mga
Kastila sa karapatang pantao, sa pagwawalang-bahala ng mga Kastila sa
kalagayang pangkabuhayan at pang-edukasyon ng mga Pilipino, hanggang sa
pagpaparusa sa mga Indiong hindi makabayad ng sobrang taas na buwis, hindi
masusukat ang kaapihan ng mga may kapangyarihan sa mga Pilipino.
Maliban
rito, tuluyan ring nangingibabaw sa panahong ito ang pangunguwalta at korupsyon
sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ilang administrasyon na lamang ang
dumaan, ilang pangulo na ang naglingkod sa pamahalaan, subalit sadyang hindi pa
rin tuluyang naiwawaglis ang ng korupsyon sa bansa. Ito maaari ay dahil hindi
marangal ang mga nailuloklok na politiko sa posisyon sa gobyerno o kaya naman
ay nabulag ang taumbayan sa pagpili ng lumalansad na politiko dahil sa kanyang
ipinapakitang pangmadaliang magandang imahe sa madla.
“Ang pag-usbong ng pangunguwalta at korupsyon sa burukrasya ng Pilipinas ay maibabakas sa kolonyal na karanasan ng Pilpinas, lalong lalo na sa panahon ng mga Kastila, ngunit may ibang tiyak na katangian sa kultura bago nagsimula ang mga kolonya na maaaring nagkaroon ng masamang gawi sa pamahalaan” (Endriga, 241).
Sa katunayan, noon lamang 2013 ay naging patok muli ang isyung Priority Development Assistance Fund Scam o mas kilala sa katawagang Pork Barrel Scam. Ayon kay Junizza Escalante:
“Ang pag-usbong ng pangunguwalta at korupsyon sa burukrasya ng Pilipinas ay maibabakas sa kolonyal na karanasan ng Pilpinas, lalong lalo na sa panahon ng mga Kastila, ngunit may ibang tiyak na katangian sa kultura bago nagsimula ang mga kolonya na maaaring nagkaroon ng masamang gawi sa pamahalaan” (Endriga, 241).
Sa katunayan, noon lamang 2013 ay naging patok muli ang isyung Priority Development Assistance Fund Scam o mas kilala sa katawagang Pork Barrel Scam. Ayon kay Junizza Escalante:
“Sa teknikalidad, ang
‘pork barrel’ ay literal na bariles ng karneng baboy, isang derogatoryong
salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing
kinuha sa kabang-yaman ng bansa upang magpasok ng salapi sa distrito ng isang
mambabatas para sa lokal na proyekto. Sa madaling sabi, ang pondo ay
nanggagaling sa taumbayan, ngunit ang desisyon kung paano at kung saan ito
gagastusin ay tanging nakatalaga sa president at mga mambabatas” (3).
Ang
pinaniniwalaang utak ng Pork Barrel scam ay si Janet Lim Napoles, isang
napakamatagumpay na negosyante, na siyang tinawag na Pork Barrel Queen ng
bansa. Ayon kay Leonel Abasola:
“Ayon sa mga ulat, mayroong P495.1 milyong
halaga ng mga ari-arian si Napoles sa United States. Nagmamay-ari rin siya ng 30
mamahaling sasakyan, 28 residential properties sa Metro Manila, Laguna, Cavite,
at Batangas. Ang lahat ng ito ay katas diumano ng anomalya sa PDAF”
(Balita.net).
Bukod
pa rito, kahit na ang mga senador ng bansa ay pinaniniwalaan ring sangkot sa
pagkakamal ng limpak na limpak na salapi ng Sandiganbayan. Lubhang
nakakadismaya na isa sa mga pinaratangan ay nasa katauhan ni Juan Ponce Enrile
na noo’y nakapaglingkod bilang Justice Secretary at Minister of Defense sa
panunungkulan ni Pangulong Marcos. Isa lamang ito sa daan-daang maaaring
patunay na kahit ang mga inaasahang mararangal na taong may kakayahang
maglingkod sa bansa ay hindi pala talagang mapagkakatiwalaan. Bagkus, sila pa
nga ang nangunguna sa paglalagay ng posisyon sa bansa sa alanganin.
Sa
kabilang banda, malinaw ring naipapakita sa dula ang pagkakaroon ng social stratification sa panahon ng mga
Kastila. Ayon kay Afifa Hashmi Karachi:
“Ang social stratification ay isa sa mga
dahilan sa pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiks, sosyal,
politikal, at ideolohikal na larangan. Ito ay isang sistema kung saan ang mga
mamamayan ay iniuuri at sinusuri kung sino ang dapat magawaran ng lubos na
kayamanan, awtoridad, kapangyarihan at karangalan” (Dawn.com).
Ang
mga prayle naman at mga naglilingkod sa pamahalaan ay kinatatakutan at lubos na
ginagalang ng mga mamamayan sapagkat maaaring maituturing na sila mismo ang
batas. Ang tanging may kaya lamang ang nakakapag-aral at ginagalang ng mga
Kastila habang ang mga mahihirap at walang maimbabayad sa buwis ay inaabuso at
itinuturing na walang silbi sa lipunan katulad na lamang ng ginawa ng dalawang
tagapagtanong ni Mang Serapio.
At
tsaka, tanging ang mga kalalakihan lamang ang pinapayuhang makapag-aral at
tanging ang mga may kaya na kababaihan lamang ang may oportunidad na
makapag-aral dahil inaasahang ang mga kababaihan ay may responsibilidad lamang
sa mga gawaing bahay at hindi makialam sa politika at isyung pang-edukasyon.
Pinatutunayan na ang social stratification ay lubos na nakakaapekto sa kalagayan ng bansa sapagkat ito ay
Pinatutunayan na ang social stratification ay lubos na nakakaapekto sa kalagayan ng bansa sapagkat ito ay
“…nanghihimok na makagawa ng malaking agwat sa
pagitan ng mga mamamayan sa kani-kanilang kita at ng kanilang katayuan sa
lipunan, edukasyon, kalusugan, at pisyolohikal na kapakanan. Lubos na
pinaniniwalaang ang paghahati ng katayuan sa lipunan ay nakakagawa ng hindi
pagkakaintindihan sa lipunan. Ito ay maituturing na hadlang sa pag-unlad at
pagsulong ng bansa” (Karachi, Dawn.com).
Mula
sa pag-usbong ng social stratification, makikilala
rito kung sino ang mga taong napapabilang sa mataas na uri ng lipunan, gitnang
uri ng lipunan at mababang uri ng lipunan.
Bagkus, matutukoy rin dito kung sino ang mga nasa mataas na uri ng lipunan
ang maabuso sa kapangyarihan at sino ang mga may kapangyarihang manipulahin ang
mata ng katarungan. At sa usaping ito susulpot ang pagkabaluktot na sistemang
panghukuman ng bansa.
“The biggest criminals wear ties not
tattoos.”
Ang
katagang ito ay parati nang naririnig sa madla kung saan ipinapahayag na ang
mga kriminal ay maaaring nasa mataas na uri ng lipunan na may kapangyarihan at
kayang saliwain ang dikta ng katarungan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga
sinasabing kriminal ay naitatapon sa kulungan. Maaaring hindi naimbestigahan
nang maigi ang isang kaso kaya kahit ang mga walang sala ay napaparatangan ng
hukuman na nagkasala nang hindi man lang dinidinig o hindi pinagtutuunan ng
pansin ang sabi ng pinag-aakusahan.
Ang
isyung ito ay karaniwang makikita sa mga pelikula at telenobela kung saan
mayroong mga karakter na napaparatangang nagkasala dahil walang sapat na
ebidensya na makapapatunay sa pagkawalang-sala ng karakter o dahil sa kahirapan
na makakuha ng mahusay na abogado. Naipapakita rin ang usaping ito sa walang
kabitarang pagpaparusa kay Mang Serapio sa kasalanang wala naman lubos na
makatwiran at tanging ang mga opisyales lamang ng hukuman ang may
kapangyarihang magsalita at kung ano man ang ididikta ay siyang ihahatol sa
sinasabing nagkasala. Subalit, hindi lamang ito naipapalabas sa mga pelikula o
mga dula-dulaan sapagkat ito rin ay nangyayari sa totoong buhay.
Sa
katunayan, hindi na natatakot ang mga kriminal na gumawa ng krimen hangga’t
alam nilang makasesentensiya lamang sila sa pamamagitan ng pera o kaya nama’y suhol
sa mga opisyales sa hukuman. Dahil sa panahon ngayon, hindi na balanse ang
iskala ng katarungan, kung sino ang may kapangyarihan ay siyang mas may bentaha
kaysa sa mga walang kapangyarihan.
“Mas tumaas ang bilang ng mga grafters at mga
kriminal mula noong People Power. Sino nga ba ang matatakot sa batas kung alam
naman nila na kahit pa sila ay mahuhuli, maari naman silang makalabas sa
kulungan at gawin ‘yung nais nilang gawin o ipagpatuloy ‘yung ginagawa nila?
Ang krimen at korupsyon kailanman ay hindi mapupuksa, o kaya’y mapababagal,
maliban na lamang kung may mabilis na sistemang panghukuman” (Cruz,
Inquirer.net).
Sa medaling sabi, masasabing hindi na gumagana ang sistemang panghukuman kapag ang mga miyembro mismo nito ay hindi sumusunod sa daang makatarungan. Hindi mabibigyang hustisya ang iba’t ibang kaso kapag ang mga opisyales sa gobyerno ay hindi baluktot ang pag-iisip.
Sa medaling sabi, masasabing hindi na gumagana ang sistemang panghukuman kapag ang mga miyembro mismo nito ay hindi sumusunod sa daang makatarungan. Hindi mabibigyang hustisya ang iba’t ibang kaso kapag ang mga opisyales sa gobyerno ay hindi baluktot ang pag-iisip.
Sa
pangkalahatan, maraming taon man ang lumipas, maraming administrasyon man ang
naglingkod sa bayan, hindi pa rin uunlad ang bansa kapag ang mismong mga
opisyales sa pamahalaan ang siyang hindi sumusunod sa batas. Sa huli, ang
korupsyon ay hindi kailanman mapupuksa kapag ang iniluklok sa pamahalaan ay
hindi mapagkakatiwalaan. Ang social stratification ay maglalayo sa mga
mamamayan sa isa’t isa. At ang mga biktima ng krimen ay hindi mabibigyan ng
katarungan kapag ang mismong sistemang panghukuman ay baluktot sa mga
nagpapatakbo nito.
Basahing
Tinukoy:
Abasola,
Leonel. “De Lima kay Napoles: Ibalik ang pera ng bayan.” Balita.net.ph. 19 May. 2017.
Web. 10 September. 2017.
Web. 10 September. 2017.
Cruz,
Neal H. “PH has slowest justice system in the world.” Inquirer.com. 24
November. 2014.
Web. 12 September. 2017.
Web. 12 September. 2017.
Endriga,
Jose. “Historical Notes on Graft and Corruption in the Philippines.”
Philippine
Journal of
Public Administration. N.p. October. 1979. Web. 13 September. 2017.
Public Administration. N.p. October. 1979. Web. 13 September. 2017.
Escalante,
Junizza. “Pambansang Pork.” The Searcher
N.p., September. 2013. Web. 10
September. 2017.
September. 2017.
Karachi,
Afifa Hashmi. “Social stratification: negative impacts.” Dawn.com. 09 May. 2011. Web.
12 September. 2017.
12 September. 2017.
Si
Mang Serapio at ang Extrajudicial Killing
(Isang
Synthesis sa dulang “Ang Paglilitis kay Mang Serapio”)
Hindi
lahat ng nakakulong sa bilangguan ay ang mga nagkasala sa batas. Ang
iba ay mga napagbintangan o kaya nama'y biktima lamang ng baluktot
na sistema ng hustisya sa ating pamahalaan. Kabaliktaran naman ito
para sa mga taong may kasalanan talaga ngunit hindi nahatulan ng
pagkakabilanggo. Tayong lahat ay may karapatang pantao. Bawat isa ay
dapat pantay-pantay na tinatrato mapa ang isang tao man ay may kaya o
mahirap lang, at kung magkasala man ay dapat paring pinapahalagahan
ang kani-kanilang mga karapatan. Sa dulang isinulat ni Paul Dumol na
pinamagatang Ang Paglilitis kay Mang Serapio,
nakapaloob ang paksang maaring maikabit o maiugnay sa isyu patungkol
sa Extrajudicial Killing.
Ang
dula ay patungkol sa isang pulubing nagngangalang Serapio. Siya ay
isang miyembro ng isang federasyon ng mga pulubi at napag-akusahan na
lumabag sa kanilang patakarang hindi maaaring mag-alaga ng isang
bata, na humantong sa kanyang pagdudurusa hanggang sa huli ng dula.
Ito ay dahil mawawalan daw ng taunang kita ang federasyon sapagkat
napupunta sa bata ang kita imbes na sa kanila. Mapapansin sa dula ang
katangiang pagkagahaman ng tao sa pera dahil mas inuuna pa nila ang
pera o kita kaysa sa kapakanan at ikakaayos ng isang bata. Mas
binibigyang importansya pa nila ang mga materyal na bagay kaysa sa
kapwa nila taong nangangailangan ng tulong.
Ayon
kay Kayee, 2013, nag-umpisa ang dula sa loob ng isang hukom kung saan
mayroong dalawang tagapagtanong na kinukuwestiyon si Mang Serapio
hindi lang sa
kasalanang binibintang sa kanya kung hindi pati na rin sa kaalaman
niya sa batas ng ffederasyon. Sa
loob ng federasyon ay
may kanya-kanyang klasipikasyon ang bawat miyembro.
Tinaguriang
karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang talento o
kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makuha ang awa
ng iba, ni hindi rin siya tumutugtog ng kahit anong instrumento para
maaliw ang madla, hindi rin siya nagkukunwariang pipi, bulag o
bingi at wala rin siyang totoong kapansanan.
Pinapakita ng parte ng dula na ito ang pagiging pagkamadaya ng isang
tao. Hindi dahil si Serapio ay isang pulubi lamang at ang mga hukom
at tagapagtanong ay makapangyarihan ay maaari na nilang itrato si
Serapio na parang tauhan lang nila. Mas mababa man ang posisyon ni
Serapio kaysa sa kanilang mga nasa taas, dapat parin nilang
tratuhing maayos si Serapio. Dapat nilang pag-isipan ang kanilang mga
ginagawa at kung ano ang karapatan ni Serapio bilang tao. Dito rin
maipapaliwanag ang pagiging makasarili ng tao ng dahil lang sa
mababaw na rason. Naipapakita rin dito kung paano maaring masaktan ng
isang tao ang kapwa tao nang dahil lang sa katayuan at kasakiman
nito. Nang dahil sa iba't ibang impluwensiya ng kasamaan, mas
unti-unting nang nalalamon ng mga negatibong pangyayari o solusyon
ang mga isip ng tao.
Pinagkaila
ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa
pagtutol na ito ni Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong
saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio.
Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari
ni Serapio bilang ebidensya. Sa loob daw ng baul makikita ang lahat
ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang
anak.
Sa
pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa
isang lumang manika na tinatawag ni Serapio na "Sol". Sa
bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang
kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay
nasagasaan ng dyip (Ocities.org). Sa parteng ito ng dula
maipapaliwanag ang kahirapan sa buhay na kahit anong gawin mong
kabutihan o makatarungan ay mayroon at mayroon paring hihila sa iyo
pababa pag nakita ka nilang umaangat. Maipapakita rin sa parte ng
dula na ito ang katotohanan, na kung minsan ay mas hindi pa
pinaniniwalaan.
Nang
malaman ang katotohanan, mas lalo pang kinutya ng buong federasyon si
Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak ni Serpio. Walang
tigil na nagmakaawa si Serpio na ibigay na sa kanya ang manika kaya
sa bandang huli, ang hatol ng hukom kay Serpio ay ang bulagin siya
upang ang kanyang posisyon sa federasyon ay tumaas na (Ocities.org).
Kung iisiping mabuti, hindi makatarungan ang pagpataw ng kaparusahan
kay Serpio. Ginawa lamang ito upang dumami rin ang kanilang kita.
Hindi naman pinag-isipan ng hukom kung ano o sino ang mas may
matimbang na kasalanan dahil ang pinagtuonan nila ng pansin ay ang
kamalian lang daw ni Serpio na hindi naman napakabigat. Sa
pagdesisyoong bulagin si Serpio ay naipapaliwanang na nalilimutan ng
ibang tao na ang bawat isa ay may pantay-pantay na karapatan bilang
isang tao. Dahil akala nila'y makapangyarihan sila ay dapat na tayong
magpatalo, ngunit, lahat ng iyon ay hindi tama. Hindi porket ibang
iba ang estado ng buhay ng tao, ay hindi na igagalang, ngunit,
respeto parin sa kapwa ang dapat nating pagtuonan ng pansin.
Nagtatapos
ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapag tanong sa mga manonood at
kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio sapagkat
tinuruan niya ang mga kasapi ng federasyon na
mangarap at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong
pamumuhay (Hearing of Man Serapio Summary). Sa kahirapan ng buhay,
mahirap nading tumira ng matiwasay. Sa pangarap na kay imposibleng
maabot, maniwala lang at ito ay matutupad lalo na't pag ikaw ay
pursigido. Wag na wag makinig sa iba't ibang kutya ng mga taong
gustong manghila pababa. Dapat lang na mayroong tiwala sa sarili
upang umangat at hindi nakadepende sa iba na maaring makapatatagal sa
iyo. Dapat na tayong lahat ay marunong tumayo sa ating mga sariling
paa at wag hayaang may kumutya sa iyo. Ang paglaban para sa ating mga
sarili ay isang magandang paunang hakbang upang makapagsimula at
hindi mabiktima ng hindi patas na batas. Karapatan nating ipaglaban
at ipagtanggol ang ating mga sarili kaya ang mga tao ay hindi dapat
magpabulag sa mga mabulaklaking salita ng kahit sino.
Sa
kwento ni Mang Serapio, malinaw ang paksang patungkol sa baluktot na
sistema ng hustisya ng pamahalaan. Naipapakita sa dula na ang
sinasabing pantay-pantay na karapatan ay dumepende na sa estado ng
buhay ng isang tao. Naipakita sa dula ang hindi makatarungang
paghatol kay Serapio ng kaparusahan. Sa pagbigay ng hatol,
nakaligtaan o sadyang nilimot ang karapang pantao ni Serapio.
Hinatulan siya ng hukom ng kaparusahang bubulagin ng walang sapat at
tamang dahilan. Katulad ng kwento ni Mang Serapio, paano nga ba
maiuugnay ang panibagong isyu ngayon patungkol sa Extrajudicial
Killings? Sa anong paraan maikukumpara ang Extrajudicial
Killings sa sitwasyon ni Mang Serapio?
Ayon
kay Lanfer, 2010 , The
term ‘extrajudicial killing’ in its original meaning refers to
homicides that are committed outside the legal system with no prior
judgement of a court.
Kasabay ng pagkabuo ng kampanya ni Pangulong Duterte patungkol sa
kanyang War
on Drugs
ay umusbong rin ang bilang ng mga bikitima ng Extrajudicial
killings.
Nagsimula ito noong sinabi ni Duterte na sa bawat mapatay na drug
dealers
o drug
pusher
ay mabibigyan ng pera. Napag-alaman na mahigit kumulang 37 ka-tao ang
namamatay kada-araw sa pamamagitan ng Extrajudicial
Killings
nang pinayagan ito ng Pangulo at naalarma naman ang International
Human Rights Group
( Iyengar, 2016). Sabi pa nga ni Duterte, I
don't care about Human Rights, believe me.
Sa
dulang pinamagatang “Ang Paglilitis kay Mang Serapio”, maiuugnay
ang isyung Extrajudicial
Killings,
lalo na ang patungkol sa karahasan. Hindi man pinatay Si Serapio sa
dula, nakaranas parin siya ng kawalang-katarungan na galing pa sa mga
hukom. Sa pagkuha palang sa kanya ng wala siyang alam kung ano ang
kasalanan niya, hanggang sa binulag siya, ay isang malaking
pagkakamali na. Ang karahasan ay hindi sagot upang makuha ang
hustisyang inaasam. Upang makamit ang tamang hustisya, dadaan ito sa
isang masinsinang proseso at hindi sa santong paspasan. Ang batas ay
dapat para sa ikakabuti ng lahat at hindi ito dapat ipa-ikot sa mga
palad ng may hangad na masama. Sa isyu ng Extrajudicial
Killings, maari
ring maiugnay ang karapatang pantao sa kwento ni Serapio.
Ipinagkakait sa mga biktima ng Extrajudicial
Killings
at kay Mang Serapio ang kanilang karapatang pantao. Kung lahat nga ay
magkatumbas ang karapatan, bakit hindi natutukan ng maayos at
nabigyang pansin ang mga kaso ng Extrajudicial
Killing Victims noong
ito'y maaga at kayang agapan pa? Ito ay dahil sa baluktok na sistema
ng hustisya sa ating pamahalaan. Ang kanilang pagkilos patungkol sa
mainit na isyu ay naka depende sa estado ng buhay ng biktima.
Kung
sa kwento ni Mang Serapio ay napagbintangan lang siya ngunit binulag
parin, paano kung ang isang pinatay sa pamamagitan ng Extrajudicial
Killing
ay hindi pala talaga nagkasala sa batas? Mahirap ibalik ang buhay ng
isang tao. Sa isang maliit na pagkakamali na dulot ng Extrajudicial
Killings,
maaaring ang isang buhay o higit pa ay matapos na lang bigla-bigla.
Maaring hindi na nito mababago ang kanyang buhay at makapagsimula ng
mabuti.
Sumisimbolo
si Mang Serapio sa mga biktima ng Extrajudicial
Killings kahit
hindi man siya pinatay sa dula. Sumisimbolo siya sa mga biktima na
nakaranas ng Extrajudicial
Killings
na sana ay nabigyan ng pangalawang pagkakataon upang magbago.
Sumisimbolo naman ang hukom at ang tagapagtanong sa ating pamahalaan
na walang-awang pumayag sa mga ganitong gawain. Hindi nila tinimbang
kung ano talaga ang makakabuti sa lahat at padalos-dalos nilang
ginawa ang kampanya laban sa droga. Sumisimbolo naman ang mga testigo
o saksi, sa ating mga Pilipino. Hindi man talaga tayong lahat ay
nagsumbong o nagpahamak sa isang tao ngunit, sa tuwing mayroon tayong
nababalitaang napatay ng dahil napag akusahang gumagamit o nagbebenta
ng droga, ang sinasabi natin ay “tama lang iyon sa kanya” o kaya
nama'y “bakit kasi nagdroga pa” kahit hindi naman natin alam ang
katotohanan. Katulad lang tayo sa mga saksi sa kwento ni Mang Serapio
dahil minsan, tayong mga Pilipino ay mahilig sa tsimis at madaling
naniniwala sa sabi-sabi. Tayo ay agad-agad nagpapabulag sa mga
magagandang imahe ng pamahalaan at tayo ay nagbibingihan sa kanilang
mga mabulaklaking salita. Kung mayroon man tayong mga hinanaing,
hindi natin ito pinaglalaban at mananahimik nalang sa sulok. Ang
ganitong pag-uugali natin ay hindi rin tama. Tayo nga ay may kalayaan
sa pagsasalita at pantay-pantay na karapatan kaya dapat natin itong
ipalabas. Hindi tayo dapat matakot sa kung ano ang mangyari katulad
ni Mang Serapio na dinepensahan ang kanyang sarili dahil alam niyang
tama at nagsasabi siya ng katotohanan.
Katotohanan
ang parating mananig sa huli. Ito ang katotohanang di maipagkakaila
at di maipagkakait ng ating mga sarili. Kung alam nating tama tayo,
magpakatatag tayo na ipaglaban ang ating nalalaman. Kung mayroon mang
kasalanan o wala, aksidente man o hindi, tayong lahat ay may
pantay-pantay na katarungan. Wala tayong karapatan upang tumapos sa
isang buhay ng tao kahit gaano man kalaki ang kanyang kasalanan.
Nakasaad nga sa sampung utos ng Diyos, Huwag
kang pumatay. Hindi
tayo dapat ang humuhusga sa kapwa natin tao dahil tayong lahat ay
nagkakamali. Lahat nga tayo ay dapat na mabigyan ng pagkakataon. Mapa
ito man ay ikalawa, ikatlo, ika-apat o hanggang nabubuhay pa, dapat
tayong mabigyan ng pagkakataon upang mabago ang ating sarili at
mabuhay ng walang galit at mamuhay ilalim ng isang pamahalaan na
patas, makatarungan ang pagbibigay ng mga batas at maayos ang
pamamalakad sa nasasakupan.
- Fuentes, Junisa Rose D.
Alam naman nating lahat diba na Kahirapan ang napakalaking problema na kinakaharap n g ating bansa. Ito ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga taong nasa langsangan. Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw. Ang mga makapangyarihan ay ginagamit ang mahihirap para sa sariling kapakanan upang magkaroon ng mas malaking kita. kadalasang sanhi ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga patakarang kasalukuyang ipinatutupad ng mga gobyerno at mga nakataasang opisyal. Mga patakarang tumitiyak na ang mga benepisyo ng pandaigdigang kalakalan ay m apunta sa mga mayayaman, hindi sa mahihirap na tao. Ating hinihikayat ang mga nagbubuo ng mga kapasiyahan na baguhin ang mga patakaran na nagpapanatili sa mga tao sa pagiging mahirap.
Sa mga mayayamang bansa kagaya ng Britanya, ang mga desisyon na ginagawa ay pwedeng bumuo o magwasak ng buhay ng mga mahihirap. Pwede nating impluwensyahan ang mga desisyon na ganon. K ung kaya, ang ating pagkilos ay labis na napakahalaga. Sa pagsasama-sama, tayo ay magiging makapangyarihan at makakamtan ang pagbabago para sa mga dukhang nabubuhay sa daigdig. Sinasabi nila ito umano’y kayang isakatuparan kung bibigyang diin ang pagsasagawa.
Ang mga polisya o patakaran ng mga pamahalaan at mga kumpanya o korporasyon ang siyang nagpapahirap sa mga tao kagaya na lamang ng kuwento na Ang paglilitis ni mang Serapio.
Pinapakita sa dulang ito ang kahayupan at paglalapastangan ng tao sa kapwa niya tao at ang pag asang nagtatago sa bawat pangyayari maging ito man ay masama o nakadudurog-puso. Ang dulang ito ay umiikot sa paglilitis ng isang pulubing nagngangalang Serapio.Ang kanyang pagkakasala: Pagaalaga sa isang bata, na tinaguriang isang paglabag sa isa sa mga batas ng federacion ng mga pulubi. Bawat sa atin ay may kanya-kanyang kasalanan pero hindi dapat tayo mang langpastangan sa ating kapwa kahit na siya'y nagkasala dapat bigyan ng pantay na hustiya dahil bawat tao may karapatan sa kanilang sarili. Halimbawa, kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa.
Ang ginawang ito ni Mang Serapio ay isang napakalaking pagkakasala sapagkat ayon sa batas ng federacion, nawawalan ng taunang kita ang federacion sa tuwing may inaalagaang bata ang isa sa mga kasapi nito sapagkat sa bata napupunta ang kita imbes na sa kanila. Isa lang ang masasabi ko sa mga bagay na iyan. Hindi malupit ang Diyos para magparusa lalo na sa mga taong wala namang masasabing napakabigat na kasalanan. Sabi nga sa aklat ng mga Awit, “Ang Diyos ay maawain at mapagbigay, banayad sa pagkagalit.” Hindi mangyayari ang mga ganyang hula, pero dapat din naman magsisi tayo sa ating mga kasalanan,
Nagsisimula ang dula sa loob ng isang hukom kung saan may dalawang tagapagtanong na kinukwestyon si Mang Serpio hindi lang sa kasalanang binibintang sa kanya kungdi pati na rin sa kaalaman niya sa batas ng federacion. Sa loob ng federacion ay may kanya-kanyang klasipikasyon ang bawat miyembro. Ayon sa (Revised Penal Code, Article 353 Libel) ang isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o dinaanang mga pagsubok kung saan ito ay pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon.
Tinaguriang karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang telento o kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makuha ang awa ng iba, ni hindi rin siya tumutugtog ng kahit anong instrumento para maaliw ang madla, hindi rin siya nagkukunwariang pipi, bulag o bingi at wala rin siyang totoong kapansanan.
Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa pagtutuol na ito ni Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio. Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio bilang ebidensya. Sa lood daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Hindi tayo basta basta na lamang mag sumbong sa inauukulan kong hindi naman natin alam ang buong nangyari dahil ito'y magdudulot ng masama sa taong iyong ininumbong.
Sa pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa isang lumang manika na tinatawag ni Serapio na "Sol". Sa bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay nasagasaan ng dyip. .
Nang malaman ito ng lahat, ay lalo pang kinutya ng buong federacion si Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak ni Serpio. nagmamakaawang hinihingi ni Serapio ang manika. Sa bandang huli, hinatulan ng hukom na bulagin si Serapio upang tumaas ang kanyang rango sa federacion. Ayon sa (Pinoy Parazzi) ay napakabrutal ang paraan ng pagbulag ng mata sa isang tao. Ipinakikita lamang dito kung gaano kataas ang tingin ng mga gumawa nito sa kanilang mga sarili. Tila nga nag-aastang mga Diyos ang may gawa dahil wala silang takot at pakialam sa pamahalaan, batas, at hustisya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa ring nagagawa ang hudikatura kundi maghintay sa mabagal na proseso ng kanilang hustisya. Kailangan pa yatang mamatay lahat ng akusado sa katandaan at pati na rin ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima.
Nagtatapos ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapagtanong sa mga manonood at kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio spagkat tinuruan niya ang mga kasapi ng federacion na mangarap - at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong pamumuhay. Ayon sa (Bible) ay mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.” Kahit na dinisiplina ang isang federacion ay hindi parin umaabot sa ganyang pangyayari dahil hindi naman tayo diyos, tao lamang tayo na namumuhay dito sa mundo kaya makikisama tayo sa iba at huwag gumawa ng nakakasama sa ating kapwa.
Ang hinihiling ay hindi baguhing anyo ng sistemang ito na gaya ng hiling ng World Development Movement, Christian Aid at iba pa, kundi ang paggiba o pagbuwag sa sistemang ito at palitan ng isang sistema na doon ang mga likas na kayamanan ng daigdig ay magiging pare-parehong pamana sa sangkatauhan. Sa ganitong basehan lamang, na ang mga likas na yamang ito ay mapakilos para lipulin ang kahirapan sa mundo at tiyakin ang isang marangal na buhay para sa bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata sa ibabaw ng planetang ito. Oo nga, ang daigdig ay nagtataglay ng mga kayamanan at kapamaraanan upang wakasan ang kahirapang pandaigdig. At siya nga rin, ito ang pinakatamang panahon na bunuin natin ang suliraning ito.
Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan, Sa larangan naman ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapatay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.
Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa upang maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan para sa hinaharap ay masagot natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na henerasyon kung bakit iba ang trato sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa bahay at paaralan ay pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang kultura ng walang pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa. Itigil na ang pagpapaloko at pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang pangsariling interes. Ito na ang tamang panahon para ang bawat Pilipino ay manindigan sa pagpapairal ng makatwiran at totoong pantay na hustisya sa ating bayan ng sa gayon ay magdalawang-isip na ang mga gumawa ng kamalian sa taumbayan.
Basahing Tinukoy:
- Fuentes, Junisa Rose D.
Ang Paglilitis ni Mang Serapio: Hustisya Sa Mga Taong Mahihirap
Vanessa Y. MenguitoAlam naman nating lahat diba na Kahirapan ang napakalaking problema na kinakaharap n g ating bansa. Ito ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga taong nasa langsangan. Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw. Ang mga makapangyarihan ay ginagamit ang mahihirap para sa sariling kapakanan upang magkaroon ng mas malaking kita. kadalasang sanhi ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga patakarang kasalukuyang ipinatutupad ng mga gobyerno at mga nakataasang opisyal. Mga patakarang tumitiyak na ang mga benepisyo ng pandaigdigang kalakalan ay m apunta sa mga mayayaman, hindi sa mahihirap na tao. Ating hinihikayat ang mga nagbubuo ng mga kapasiyahan na baguhin ang mga patakaran na nagpapanatili sa mga tao sa pagiging mahirap.
Sa mga mayayamang bansa kagaya ng Britanya, ang mga desisyon na ginagawa ay pwedeng bumuo o magwasak ng buhay ng mga mahihirap. Pwede nating impluwensyahan ang mga desisyon na ganon. K ung kaya, ang ating pagkilos ay labis na napakahalaga. Sa pagsasama-sama, tayo ay magiging makapangyarihan at makakamtan ang pagbabago para sa mga dukhang nabubuhay sa daigdig. Sinasabi nila ito umano’y kayang isakatuparan kung bibigyang diin ang pagsasagawa.
Ang mga polisya o patakaran ng mga pamahalaan at mga kumpanya o korporasyon ang siyang nagpapahirap sa mga tao kagaya na lamang ng kuwento na Ang paglilitis ni mang Serapio.
Pinapakita sa dulang ito ang kahayupan at paglalapastangan ng tao sa kapwa niya tao at ang pag asang nagtatago sa bawat pangyayari maging ito man ay masama o nakadudurog-puso. Ang dulang ito ay umiikot sa paglilitis ng isang pulubing nagngangalang Serapio.Ang kanyang pagkakasala: Pagaalaga sa isang bata, na tinaguriang isang paglabag sa isa sa mga batas ng federacion ng mga pulubi. Bawat sa atin ay may kanya-kanyang kasalanan pero hindi dapat tayo mang langpastangan sa ating kapwa kahit na siya'y nagkasala dapat bigyan ng pantay na hustiya dahil bawat tao may karapatan sa kanilang sarili. Halimbawa, kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa.
Ang ginawang ito ni Mang Serapio ay isang napakalaking pagkakasala sapagkat ayon sa batas ng federacion, nawawalan ng taunang kita ang federacion sa tuwing may inaalagaang bata ang isa sa mga kasapi nito sapagkat sa bata napupunta ang kita imbes na sa kanila. Isa lang ang masasabi ko sa mga bagay na iyan. Hindi malupit ang Diyos para magparusa lalo na sa mga taong wala namang masasabing napakabigat na kasalanan. Sabi nga sa aklat ng mga Awit, “Ang Diyos ay maawain at mapagbigay, banayad sa pagkagalit.” Hindi mangyayari ang mga ganyang hula, pero dapat din naman magsisi tayo sa ating mga kasalanan,
Nagsisimula ang dula sa loob ng isang hukom kung saan may dalawang tagapagtanong na kinukwestyon si Mang Serpio hindi lang sa kasalanang binibintang sa kanya kungdi pati na rin sa kaalaman niya sa batas ng federacion. Sa loob ng federacion ay may kanya-kanyang klasipikasyon ang bawat miyembro. Ayon sa (Revised Penal Code, Article 353 Libel) ang isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o dinaanang mga pagsubok kung saan ito ay pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon.
Tinaguriang karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang telento o kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makuha ang awa ng iba, ni hindi rin siya tumutugtog ng kahit anong instrumento para maaliw ang madla, hindi rin siya nagkukunwariang pipi, bulag o bingi at wala rin siyang totoong kapansanan.
Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa pagtutuol na ito ni Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio. Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio bilang ebidensya. Sa lood daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Hindi tayo basta basta na lamang mag sumbong sa inauukulan kong hindi naman natin alam ang buong nangyari dahil ito'y magdudulot ng masama sa taong iyong ininumbong.
Sa pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa isang lumang manika na tinatawag ni Serapio na "Sol". Sa bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay nasagasaan ng dyip. .
Nang malaman ito ng lahat, ay lalo pang kinutya ng buong federacion si Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak ni Serpio. nagmamakaawang hinihingi ni Serapio ang manika. Sa bandang huli, hinatulan ng hukom na bulagin si Serapio upang tumaas ang kanyang rango sa federacion. Ayon sa (Pinoy Parazzi) ay napakabrutal ang paraan ng pagbulag ng mata sa isang tao. Ipinakikita lamang dito kung gaano kataas ang tingin ng mga gumawa nito sa kanilang mga sarili. Tila nga nag-aastang mga Diyos ang may gawa dahil wala silang takot at pakialam sa pamahalaan, batas, at hustisya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa ring nagagawa ang hudikatura kundi maghintay sa mabagal na proseso ng kanilang hustisya. Kailangan pa yatang mamatay lahat ng akusado sa katandaan at pati na rin ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima.
Nagtatapos ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapagtanong sa mga manonood at kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio spagkat tinuruan niya ang mga kasapi ng federacion na mangarap - at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong pamumuhay. Ayon sa (Bible) ay mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.” Kahit na dinisiplina ang isang federacion ay hindi parin umaabot sa ganyang pangyayari dahil hindi naman tayo diyos, tao lamang tayo na namumuhay dito sa mundo kaya makikisama tayo sa iba at huwag gumawa ng nakakasama sa ating kapwa.
Ang hinihiling ay hindi baguhing anyo ng sistemang ito na gaya ng hiling ng World Development Movement, Christian Aid at iba pa, kundi ang paggiba o pagbuwag sa sistemang ito at palitan ng isang sistema na doon ang mga likas na kayamanan ng daigdig ay magiging pare-parehong pamana sa sangkatauhan. Sa ganitong basehan lamang, na ang mga likas na yamang ito ay mapakilos para lipulin ang kahirapan sa mundo at tiyakin ang isang marangal na buhay para sa bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata sa ibabaw ng planetang ito. Oo nga, ang daigdig ay nagtataglay ng mga kayamanan at kapamaraanan upang wakasan ang kahirapang pandaigdig. At siya nga rin, ito ang pinakatamang panahon na bunuin natin ang suliraning ito.
Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan, Sa larangan naman ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapatay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.
Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa upang maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan para sa hinaharap ay masagot natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na henerasyon kung bakit iba ang trato sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa bahay at paaralan ay pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang kultura ng walang pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa. Itigil na ang pagpapaloko at pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang pangsariling interes. Ito na ang tamang panahon para ang bawat Pilipino ay manindigan sa pagpapairal ng makatwiran at totoong pantay na hustisya sa ating bayan ng sa gayon ay magdalawang-isip na ang mga gumawa ng kamalian sa taumbayan.
Basahing Tinukoy:
Tulfo, Raffy, "Bulok na sistema ng hustisya"www.pinoyparazzi.com. 25 November.2015.
Web. 14 September.2017
Guam, Pedelyn Joy, "kahirapan-sa-pilipinas" chinee-blogkoto.blogspot.com.ph. 16.
October. 2016. Web. 16 November. 2017.
Penaflor, Philip Emmanuel, "Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?"
ph.linkedin.com › pulse › 12 October.2015. Web. 7 September. 2016
Cruz, Neal. H, "PH has slowest Injustice in the World" Inquirers.com 24 November. 2014.
Web. 12 September. 2017.
Pedroche. Ang hinaharap ng mga batang-lansangan. Philippines:
Pilipino Star Ngayon. 2009. Print.
Arsobispo. Pork Barrel Scam. Philippines: Tapat na
Balita. 2006. Print.
Kayejaye. Kahirapan sa Bansa. Philippines:
Blogspot. 2010. Print.
Tulfo. Bulok na
Systema ng Bansa. Philippines: Pinoy Paparazzi. 2015. Print
KAHIRAPAN: Naging Ugat
sa iba pang Suliranin
(Amrafe Marata)
Kahirapan ito ang tawag
sa kalagayan ng isang tao na walang ano mang pag-aari na materyales. Ito ag isa
sa mga pinakamatinding dahilan kung bakit ang tao ay nakakagawa ng isang
kasalanan, dahilan kung bakit ang
taong may ganito ang kalagayan ay inaabuso ng may kapangyarihan o may mas kaya
sa buhay na tao, at ito rin ang dahilan kung bakit ang hindi tayo
magkakapantay-pantay sa buhay. Maraming dahilan kung bakit ang isang bansa ay
nakakaranas ng ganitong sitwasyon at isa na rito ang pangakong palaging
napapako ng mga politico sa isang bansa at ito ang paunlarin ang bansang
kanilang pinagsilbihan.
Ayon kay Pedroche
(blogspot), ilang saling-leader na ang lumabas-masok sa
eksena pero ang kahirapan ay nagdudumilat pa rin. Nasasalamin sa dami ng mga
taong sa bangketa natutulog. Sa tingin ko’y lumulobo imbes na nababawasan ang
bilang nila sa paglipas ng mga araw. Lalung nakalulunos ang mga batang-paslit
na gumagala at halos makipag-patintero sa mga humaharurot na sasakyan para
humingi ng limos.
Batay sa ulat niya , masasabi na maraming
leader na ang nagdaan sa bansa pero hindi parin nasusolusyonan ang matagal na problema ng bansa bagkus ang
kahirapan ay mas luamla pa at ang mga taong nasa kalsada ay mas dumarami pa ng
maigi.
Sa
dulang Ang Paglilitis kay Mang Serapio makikita natin ang problemang ito. Ang
bida na si Mang Serapio ay napagbintangan ng isang krimen na kahit anong gawin
niyang pagdadahilan ay hindi niya ito matatakasan dahil ang kaniyang mga
kalaban ay ang mga taong mataas ang antas sa buhay kaysa sa kaniya. Ito ang mga
taong nandadaya sa systema ng isang
bansa o mas kilala natin ang mga ito bilang taong Corrupt.
Ang korupsyon ay ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan
na inilaan sana sa mga proyektong makakatulong a pag-unlad ng isang bansa. Ito
ay laganap na sa ating bansa isang halimbawa na rito ang pinakapinag-usapan na
pork barrel scam.
Ayon sa Arsobispo (
Tapat sa Balita), matapos man o hindi ng senado ang imbestigasyon sa pork
barrel scam, matatagalan pa rin mapanagot sa batas ang mga nagkasala o
makalilimutan na ng taong bayan ang eskandalo dahil sa katagalan at usad pagong
na kaso sa korte.
Sa kaniyang
linya na pagong na usad ng korte, mahihinuha na ang korte ay matagal kong
kumilos sa pagliliis ng kasong ito. Isa ito sa mga problema na kinakaharap ng
isang bansa lalong-lalo na sa Pilipinas. Dahil hindi lahat ng mga autorisadong
tao sa gobyerno ay mabubuti , hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon .
Isang kadahilanan nito ay ang nasasangkot sa isyung ito ay mga malalaking tao
na kung saan konektado sa gobyerno. Maraming mga
paraan ang pwede nilang gawin gamit ang kanilang koneksyon sa pamahalaan at ang
perang pondo nila noong nangungurakot pa sila sa gobyerno.
Buti nalang may bagong
ipinatupad na batas ang pamahalaan ukol dito, hindi naman talaga ito bago pero
mas pinapalala lang ang parusa sa mga taong gumagawa ng kuropsyon. At ito ang Republic
Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption na mas
pinahaba na ang panahon para mapatawan ng sentensya ang mga makakasuhan ng
graft and corruption. Ang dating 15 taon
ay ginawa nang 20 taon.
Subalit sa kabila
nito dapat hindi parin magpabaya
sapagkat may iba pang rason kung bakit naghihirap ang isang abnsa at angmga tao
sa loob ng bansa. Ayon kay Kayejaye (blogspot), ang ibang rason kung bakit
naghihirap ang isang bansa o mas dumarami ang mahirap na tao sa isang bansa ay
ang pyudalismo, ito ang pagmamay ari ng
iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan.Nang ipatupad ang Agrarian Reform
program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay
ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa
lipunan at gobyerno.
Mahihinuha natin dito
ang pagiging hindi makatarungan ng mayayamang tao dahil sa pag-angkin ng lupa n
asana para sa mga mahihirap para naman may pagsakahan o may mapagkukunan ng
hanap buahy ngunit nang dahil sa kasakiman ng mga mayayamang tao gusto nilang
angkinin lahat ng ari-arian na pwedeng maging kanila para mas magiging mayaman
at makapangyarihan.
Sa tekstong Ang
Paglilitis kay Mang Serapio makukuha nito ang pagiging hindi makatarungan dahil
sa pinagbintangan na nga siya ng krimen na hindi naman totoo ngunit nagging
guilty parin siya sa huli dahil sa kakulian sa hukuman at ang sinabing rason ng mga taong kumalaban sa kaniya ay ang
pagasta ng pera para sa kaniyang anak na si Sol na siya naming patay na pala.
Dito kahit na ang pinuno ng isang federacion ay marami ng nakokolektang pera
mula sa iba’t ibang kasapi ng federacion ay gusto parin ng pinuno na mabigyang
hustisiya ang maliit na barya na para sa kaniya ay naubos ni Mang Serapio para
sa anak nito. Kung ating titingnan pwede naman itong pabayaan na lamang dahil barya lang naman ito kumpara
sa nakokolekta nila na pera pero dahil sa kanilang aksakiman sa pera ay inuusig
pa rin nila ito.
Sa hindi
makatarungang batas o pamumuno, dito na papasok ang salitang hustisiya.
Hustisiya, ito ang inaasam-asam ng lahat ng mga taong nakaranas ng hindi
makatarungang Gawain. Kung pagbabatayan natin ang Wikipedia, ang katarungan o
hustisya ay tumutukoy sa katuwiran pagiging wasto o kawastuhan, katumpakan, at
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang
hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang
parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o
trato, o kaya ng karampatang pagkilala. Para sa iyo, makatarungan ba ang
pagpaparusa kay Mang Serapio? Ang systema ba ng batas ng Pilipinas ay
makatarungan para sa lahat o makatarungan lamang ito sa mga taong mayayaman?
Kung pagbabasehan ang mga
nangayayari sa palgid ang hustisiyang inaasam-asam ng karamihan ay hindi
natutupad halimbawa na lamang ngayon, maugong ang usapin hinggil sa magiging
kulungan ni CGMA. Kung titingnan natin sa tamang kaisipan, dapat pa ba natin
itong pagdebatehan? Malinaw namang nagsasakit-sakitan na lang para makaiwas sa
kulong pero bakit patuloy pa ring kinukunsinti ang lantarang panlolokong ito sa
taumbayan? Simple lang ang kasagutan, iyan ay dahil sa umiiral na double
standard justice system ng ating bansa. Iba ang trato sa mayaman at sa mahirap
ng ating hustisya. Sa mga ganitong katwiran ay para atang tinanggap na talaga
ng ating mga kababayan ang hindi pantay na pag-iral ng hustisya para sa lahat.
Ano ba ang pinagkaiba ng magnakaw ng marami at kaunti? Kung mahirap ang
nagkakasakit sinasabi ban g pamahalaan na dapat house arrest ang isang criminal
di ba hindi. Kahit sino ang tatanungin wala pang taong nakarinig ng ganitong
usapin.
Ayon sa inilahad ni Ryu, ang
hustisya ay pantay para sa lahat. Iyan daw ang pamantayan ng isang malayang
bansang demokratiko. Pero tunay nga kayang pantay ang hustisya sa ating bansang
Pilipinas? Sa palagay ko ay hindi. Maging ang karamihan sa mga Pilipino ay
kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Kung
ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan,
awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis,
pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang
dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung
anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala
kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa .
Kahit ang mga nakakapanood sa
tv ng balitang tungkol sa gayung krimen ay masasambit lang ang mga salitang
“buti nga”! Ang snatcher ba ay pwedeng magrequest ng laptop o cellphone?
Palagay ko ay hindi, wala pang ganoong pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa.
Ang tanong ngayon ay kung bakit? Simple lang ang kasagutan…ang kriminal ay
mahirap kaya ang pagtrato sa kanya ng tao at pagpataw ng hustisya ay talaga
namang masasabing malupit at walang pagdadalawang-isip. Ngayon, siyempre hindi
lang naman mahirap ang mga kriminal sa Pilipinas, sa palagay ko nga’y mas
marami pa ang mayayaman, maiimpluwensiya, at mga pulitikong masahol pa ang
krimeng ginagawa kaysa sa mga simpleng snatcher. Ito ang mga tinatawag na mga
“DISENTENG KRIMINAL” na dahil sa kanilang katayuan sa buhay ay masasabi
na ring mga untouchables. Ang iba sa kanila ay malayang nakakalabas-masok sa
selda at naka-aircondition pa at ang pinakatumpak na halimbawa nito ay si CGMA.
Ayon kay Raffy Tulfo, nakalulungkot isipin na ang hustisya sa
Pilipinas ay sadyang mabagal at marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong
kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang
kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang
mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi
pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na
balakid para sa katarungan. Tulad ng sa kaso ni Mang Serapio na hindi niya
nabigyan ang sarili ng katarungan dahil makapangyarihan ang nasa hukoman.
Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng
ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ang
pinakanagpapabagal sa proseso ng katarungan sa Pilipinas ay ang makalumang
metodo at paraan nito. Habang maraming bansa sa mundo ang kumikilala sa “jury
system”, dahil ‘di hamak na mas mabilis ito, ang Pilipinas ay nakapako pa rin
sa tradisyunal na metodo, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat ng
katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala.
Sa dami ng krimen at mga kasong isinasampa sa
korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa Pilipinas, nagpapatung-patong
lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon lamang sa limot dagdag pa ni
Tulfo.
Hindi pagkakapantay –pantay
ang pinakatumpak na salitang pwedeng iugnay natin sa mga sinabi ng dalawang
taong nagbabahagi ng kanilang salooin patungkol sa hustisiya. Sigurong mas
kilala ito na Social Inequality. Kung sasabhin nating Social Inequality ang mga
paksang kaugnay dito ay ang race, kultura, tradisyon at amrami pang iba na
nagpapakilanlan ng isang tao. Ang usaping ito ay hindi lamang sikat sa bansang
Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. Katulad nalang sa South Africa yung
racism na nagyari doon na binigyang diin
ni Nelson Mandela. Kung sa kanila ang problema ay ang kulay ng kanilang balat
na kung saan tinitingnan ng balat ang isyung pinag-usapan dahil mas mababa ang
tingin ng mga white americans sa mga black na americans. Dito naman sa
Pilipinas ang pagiging mahirapa t mayaman ang nagkakaroon ng hindi
pagkakapantay-pantay ng trato ng hukuman o batas.
Batay sa 1987 Constitution of
the Republic of the Philippines Article XIII Social Injustice and Human Rights,
“Section 1. The Congress shall give highest priority to the enactment of
measures that protect and enhance the right of all the people to human dignity,
reduce social, economic, and political inequalities, and remove cultural
inequities by equitably diffusing wealth and political power for the common
good.”
Kung
maipatupad ang mga batas ng maayos ,siguradong hindi tayo magkakaroon ng mga
isyu tulad ng mga ito. Siguro kailangan lang ng mahigpit na pagpapatupad ng mga
batas dahil sa dami ng batas siguradong wala ng kakuliang mangyayari sa isang
bansa.
MGA BABASAHING TINUKOY
Pedroche. Ang hinaharap ng mga batang-lansangan. Philippines:
Pilipino Star Ngayon. 2009. Print.
Arsobispo. Pork Barrel Scam. Philippines: Tapat na
Balita. 2006. Print.
Kayejaye. Kahirapan sa Bansa. Philippines:
Blogspot. 2010. Print.
Tulfo. Bulok na
Systema ng Bansa. Philippines: Pinoy Paparazzi. 2015. Print
Sintesis
sa: “Ang Paglilitis kay Mang Serapio” ni Paul Dumol
Ang Paglilitis kay Mang Serapio ay isang
dula nagpapakita sa kung ano ang kayang gawin ng isang tao para lang sa katayuan,
kapangyarihan at dignidad, kahit ito ay nagdudulot pa ng kasakiman. Ang dula ay
napapatungkol ito sa isang lalaking pulubi na si Mang Serapio na naakusahan ng
isang krimen na hindi naman nya nagawa kung saan naghantong sa kanyang
paghihirap sa kanyang pagiging membro ng federasyon.
Hindi
lahat ng nakulong may kasalanan at hindi lahat ng may kasalanan nakulong. Ang
Paglilitis kay Mang Serapio ay maihahantulad natin sa kasalukuyang nangyayari
sa ating bansa ngayon, ang pagpatay sa mga taong gumugamit, nag bibinta at mga
tulak ng druga o mas kilalang Extra
Judicial Killing. Sa panahon ngayon laganap ang patay sa bansa dahil sa “war on drugs” o kontra druga na
nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. At ang nakakalumo pa ay ang
karamihan sa napatay ay hindi man lang nabigyan ng katarungan ang kanilang
pagkamatay, hindi nagbigyang linaw ang tunay na dahilan sa kanilang pagpatay at
ang pinakamasaklap pa hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag
ang kanilang sarili ayon sa ipinaparatang. Sa isang pagsisiyasat at pag-aaral
kung sang-ayon nga ba ang mga tao sa Extra
Judicial Killing na nagaganap sa ating bansa ngayon, karamihan sa mga tao ang
hindi sapagkat ito ay labag sa karapatang pantao at sa kabaliktaran meron din naman
ang sang-ayon dahil daw sa kanilang seguridad, kung saan wala nang tao ang
pagala-gala at tambay sa gabi.
Ang
kanyang mga kasamang pulubi ay nagbulag-bulagan at naglumpo-lumpoan para
makakuha at makahingi ng maraming pera sa mga tao, subalit si Mang Serapio ay
walang ganitong mga talento para magpanggap, sapagkat isa lang ang kanyang
naisipang gawin. Ang magdala ng isang batang manika sa kanyang likuran na
parang may sakit, na tela bang iniisip niya na ang kanyang dinadala na manika
ay ang kanyang babaeng anak. Ang asawa at ang anak ni Mang Serapio ay namatay
dahil sa isang aksidente at siya ay nangungulila sa kanyang anak kaya
inihahantulad nya ang manika sa kanyang anak kung saan ito ay kanyang
dinadamitan, pinapakain at kahit ano pa ang kanyang ginagawa sa manika. At
dahil dun siya ay naakusahan ng kasalanan na siya ay lumabag sa isa sa mga sa
batas sa kanilang federasyon, siya raw ay nagdala ng isang bata upang makuha
ang awa ng mga tao upang siya ay bigyan ng pera,inaakusahan at pinaratangan
siya ng walang sapat at tamang ebidensya na nagpapatunay sa nasabing kasalanan.
Pinaratangan
siya na imbis sa kanila mapupunta ang pera na nakuha nya sa panglilimos ay
napupunta na sa bata na akala nila. Inakyat nila sa Kurte ang kasong ito
sapagkat alam na nila na hinding-hindi mananalo si Mang Serapio nito, siya ay
nag-aalaga lamang ng isang manika at hindi niya kayang mapapatunayan ang
kanyang sarili upang ipaglaban at makamit ang hustisya.
Ayon
sa ABS-CBN News Online “Police said they arrested almost 85,000
drug suspects and killed 3,000 others who resisted arrest during the one-year
period.” Dagdag pa nila “July 1, 2016 to June 13, 2017: 1,306,389 –
surrenderers 84,467 – drug personalities arrested 3,151 – drug personalities
who died in anti-drug operations 9 clandestine laboratories dismantled 150 drug
dens dismantled 2,429.09 kilos of seized shabu worth 12.49 billion pesos.“ Sa
kabila ng maraming mga tao na sangkot dito, wala silang sapat na ebidensya at
katunayan na nanagpapatunay na nga ang mga tao nga ito ay sangkot sa illegal
drugs. Ayon sa isang
artikulo sa GMA News Online ni Bam Alegre, “Dahil din sa mga tila dumaraming
mga patay na nakahandusay sa lansangan, marami ang nababahala. Ang
masklap pa nito, may ilang napapatay raw na wala naman palang kinalaman sa
droga o hindi kaya mga napagkamalan lang.”
Nang
dahil sa patuloy na pagpatay, marami ang nangangamba sa mga nangyayari. Ang mga
taong pinapatay ng mga pulis ay wala namang patunay na sapat na makakapagsabi
na sila ay nagkasala at sila ay lumabag sa batas. Hindi nabibigyan ng sapat na
hustisya at hurisdiksiyon ang mga taong napapatay sa mga pagsalakay ng mga
pulis sa mga hinihinalang na mga sangkot sa droga. Marami sa mga pamilya ang
naulila ng kanilang mga anak o asawa man. Hindi madali na ito ay kanilang
isawalang bahala lalo na hindi nabibigyan ng sapat na hustisya ang kanilang mga
mahal sa buhay.
Ang
nangyari kay Mang Serapio ay isa siya sa mga taong hindi nabigyan ng tamang
paglilitis. Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit
handa ang hukom sa pagtutol nito kay Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng
tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio.
Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio
bilang ebidensya. Sa lood daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at
kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Dito nalaman na walang bahid
na katotohanan ang pinagsasabi ng mga saksi. Kung ang isang tao ay mabibigyan
ng oras at panahon na patunayan at ipagtanggol ang kanilang sarili ay mas
nabibigyan sila ng katarungan upang malinis nila ang kanilang mga pangalan.
Kapag ang isang tao naman ay napatunayang nagkasalan, diyan na papasok ang
kakaharapin nitong mga parusa.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
napapansin ang karapatan ng isang tao. Sinasabi ng isang pulis kapay may
dinadakip ito “may karapatan kang tumahimik at patunayan na ikaw ay hindi
nagkasala kasama ng iyong abogado”. Pero hindi ito ang nangyayari sa panahon
natin ngayon, mga taong pinapatay, mga taong hindi man lang napatunayan ang
kanilang mga sarili. Maiiwas ito kapag ang mga mga taong natalaga ditto ay
walang kinikilingan at hindi umabuso sa kanilang kapangyarihan. Ito ang isa sa
mga sanhi na hindi nabibigyan ng katarungan ang bawat isa. Ang katiwalian ang
ugat ng lahat nito, walang pinapatay na hindi mahirap, halos ang lahat ay
walang kaya sa paggastos ng isang abogado. Pero kung mga personalidad at mga
taong may mataas na posisyon sa pamahalaan ang sakot, sila ay hindi napapatay
bagkus kapag sila ay nadakip, nananatili parin ito sa mga preso na parang bahay
naman din nila kung saan ang ilan ay nagsisiksikan sa munting espasyo sa mga
kulungan.
Mula sa kasong Calalang vs. Williams na sinulat ni Justice Jose P. Laurel
Ang Katarungang Panlipunan o Social Justice
ito ang polisiya nang ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa ay
ginagawang makatao at sinusubukang pantayin ang pagkakaiba nang estadong
panlipunan nang mga mangagawa at mga kapitalista, para ang makatuwirang layunin
nang katarungan ay kahit papaano ay maipatupad nang maayos.Pero ang layunin nang pagkakapantay pantay nang mga mayaman
at mahirap, manggagawa at kapitalista ay hindi kagaya nang prinsipiyo nang mga
komunista o diktatorya, ang pagkakapantay-pantay ay hindi sa lubusang
pagpaparte nang mga yaman sa bansa sa lahat nang mga Pilipino, kundi ang kahit
papaano ay mabawasan ang pagkakaiba nang estado sa lipunan partikular na sa
pagbibigay nang mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mga
mayayaman at kapitalista. Ang sabi nga ni Pangulong Ramon Magsaysay, kung sino
ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan nang mas maraming benipisyo sa
batas.
Sa
larangan ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap
sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapantay na pagtrato may
mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay
na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya
malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman
lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung
hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw.
Sa
prinsipiyo nang Katarungang Panlipunan din nagmula ang prinsipyo nang
Katarungan Maawin (Compassionate Justice),kung saan pag-nagkamali ang isang
mangagagawa, hindi agad agad na bibigyan sya nang mataas na parusa kahit na ito
pa ang nakasulat sa kanilang napirmahan kontrata. Dapat bigyan sila nang
kaawaan, na pag-maaring pababain ang parusa para sa kanila, dapat babaan ito.
Pero dapat tignan maigi ang pangkalahatang pangyayari, kung bakit niya yun
nagawa, kasama na din kung gaano na siya kataggal sa kompanyang
pinagtatrabahoan. Tandaan lamang na hindi agad agad na babaaan ang parusa sa
mga manggagawa, kasi may mga pagkakamali ang mga manggagawa na hindi na dapat
kaawaan. Ang mga karapat dapat na manggagawa lamang ang kinaawaan, kasi kung
garapal naman, dapat siyang maparusahan nang naayon sa kanyang ginawa.
Sa
istorya ni Mang Serapio, mahihahandtulad lang natin ito sa ating kapaligiran,
hindi man sa literal na kahulugan kundi sa mga reyalidad na nagyayari sa ating
bansa ngayong mga panahon. Masasabi nating si Mang Serapio ay ang taong bayan
at ang kanyang mga leader ay ang Gobyerno ng ating bansa. Makikita natin kung
paano kasakim ang utak ng mga tao na may nakakataas na posisyon kung pera na
ang pag-uusapan. Makikita rin natin na kaya rin nilang paikotin at baguhin ang
istorya para lang hindi maakusahan sa kanilang mga nagawang kasalanan. At ang
pinakamakabuluhan sa istoryng ito ay ang Extrajudicial Killing kung saan
masasabi natin na may mga tao ang hindi man lang nabigyan ng pagkakataon upang
ipagtanggol ang sarili laban sa mga ipinaparatang sa kanila. Ayon sa isang kasabihan
na, “stand up for what is right, even if
you are just standing alone.”
Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na kung ano ang tama dapat ito ay ating
ipaglaban, hindi para sa pera o para sa posisyon kundi para sa Katotohanan at
Hustisya.
https://frankgomendoza.wordpress.com/2013/08/12/ang-paglilitis-ni-mang-serapio-by-paul-dumol-play/
http://news.abs-cbn.com/focus/06/29/17/over-3000-killed-thousands-collared-shabu-supply-scarce-prices-soaring
Affairs, GMA News and Public. “Ang lumalalang mga kaso ng umano'y extrajudicial killings, tatalakayin sa 'Brigada'.” GMA News Online
-Marie France A. Gumahin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento