Bionote ni Cristina Magalang Bering
Isang babae na simbolo ng tunay na pagsisikap, pagpupursige at pananalig sa panginoon; Cristina Magalang Bering.
Si Cristina magalang Bering ay 46 anyos, kasalukuyang nakatira sa Graceland 1,Buaya Lapu-Lapu City. Ipinanganak noon ika-27 ng Hunyo taong 1971. Ang kaniyang asawa ay si Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang at isang Mechanical Engineer na nagtratrabaho sa Saudi na dati niyang katrabaho. Mayroon silang dalawang anak, sina Mary Siadah Bering, isa na ngayong purchaser sa Qatar at Belinda Isabel Bering, isang mag-aaral ng Asian Learning Center,Pajo Lapu-Lapu City.
Bago pa siya pumunta sa Lapu-lapu upang magtrabaho, sa Lutupan, Toledo siya naninirahan. Doon niya rin tinapos ang pag-aaral mula elementarya hanggang hayskul. Nagtapos siya ng kursong Airline Mananagement sa Cebu Christian College. Pagkatapos ng pag-aaral,taong 1991 agad siyang nagtrabaho sa Phil Tonan Corporation-Mepz 1, Pusok Lapu-Lapu City bilang isang purchaser. Bagamat malayo sa pinag -aralan, tumagal siya ng 25 taon sa pinagtrabahuhan.
Sa kabila ng magandang trabaho, hindi niya pa rin nakakamit ang tunay niyang minimithi. Kaya, napagdesisyunan niyang tumigil at magtayo ng sariling negosyo. Taong 2016, natanggap niya ang separartion fee mula sa kompanyang pinagtrabahuhan at ginamit bilang puhunan. Sa awa ng Diyos, matagumpay niyang nasimulan ang sariling canteen noong ika-7 ng Hunyo taong 2016. Sa Lapu-Lapu City College nagsimula ang panibagong yugto ng kaniyang buhay.
Setyembre ng parehong taon, nakatanggap siya ng bagong oportunidad. Ang Be Resort Hotel sa Mactan, Engaño sa siyudad ng Lapu-Lapu ay nais na siya ang maging opisyal na hahawak sa canteen ng mga empleyado. Nag-aalinlangan man dahil sa kakulangan ng kagamitan at kasisimula pa lamang ng negosyo niya sa LLCC, tinanggap niya pa rin ang alok ng Be Resort Hotel. Hanggang sa kasalukuyan, ay maganda ang takbo ng kaniyang negosyo doon.
Ayon sa kaniya, naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay dahil sa gabay ng Panginoon. Sa kabila ng tagumpay, hindi niya nakakalimutan ang magpasalamat sa pamamagitan ng pagiging biyaya sa mga taong nasa paligid niya. Mula sa mga empleyado niya, pamilya, kaibigan o kakilala, paliwanag niya na “maging biyaya sa iba kapalit sa mga biyayang natanggap mula sa Panginoon. Ang taong hindi madamot, hindi mahihinto ang biyaya.
Pagsisikap, pagpupursige at pananalig sa Diyos, isama na rin ang paniniwala sa sarili, ito ang mga naging puhunan niya upang magtagumpay.
-Chariza F. Genon
Talambuhay ni Christina Magalang
Bering
Si Christina Magalang ay ipinanganak
noong Hunyo 27, 1971 sa probinsya ng Masbate at siya ngayon ay may gulang na 46
na. Siya ay naninirahan ngayon sa Grace Land 1, Lapu-Lapu City. Siya ay may dalawang
anak na babae na ngayon na sina Mary Siedahna na 25 taong gulang
at Belinda Isabelle na 16 taong gulang na. Ang kanyang asawa na si Ignacio
Dungog Bering na 59 taong gulang, ay isang mechanical engineer na ngayon ay
nasa Saudi nagtatrabaho. Ang panganay na anak ni Christina na si Mary Siedahna
ay nagtatrabaho nasa Qatar na nagtapos sa kursong Business Management at ang bunso na si
Belinda Isabelle ay nag-aaral sa Asian Learning Center ng
kanyang ika-10 na baiting sa High School.
Si Christina Magalang Bering nag-aaral
sa Don Andres Solano School noong elementarya at high school sa ay sa Don
Andres Solano School parin na matatagpuan sa Toledo City. Sa kolehiyo ni
Christina, kinuha niya ang kursong Airline Management sa Cebu Christian
College. Pagkatapos niyang mag-aral ng kolehiyo ay nagtrabaho siya bilang isang
rack and fine sa simula ngunit dumaan ang ilang taon siya ay nagging purchaser
ng Philippine Tonan, Mepz 1 sa loob ng dalawampu’t-limang taon
Habang nag tatrabaho pa si Christina
ay may nag-alok na sa kanya ng isang negosyo sa loob ng Science and Technology
Education Center sa College canteen. Sa pagtayo niya ng kanyang negosyo ay
ginamit niya ang kanyang separation fee sa
pinagtatrabahoan niya noon. At ngayon na bigyan siya ng bagong biyaya sa Be
Resort Hotel sa Punta Engaño.
Ngayon patuloy siyang binibigyan ng
mga biyaya na kaloob ng Diyos. At bilang
pasasalamat ay binabahagi niya ang kanyang mga biyaya sa iba.
-Carol Jane C. Apawan
Talambuhay ni Christina Magalang Ignacio
(Regine Lace A.Panuncia ABM Pounds)
(Regine Lace A.Panuncia ABM Pounds)
Si Christina
Magalang Ignacio ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong ika-27 ng Hunyo,
1971. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Graceland 1, Buaya, Lapu-Lapu City
kasama ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Si Ignacio Dungog Bering, isang
Mechanical Engineer, ang kanyang naging asawa na noo'y nakatrabaho niya sa
Saudi Arabia. Sila ay binayayaan ng dalawang anak na pinangalanan niyang Mary
Siadah Bering, ang panganay, na ngayon ay isang purchaser sa bansang Qatar at
Berlina Isabel Bering, ang bunso, na isang mag-aaral sa Asian Learning Center,
Pajo, Lapu-Lapu City na nasa ika-10 baitang.
Siya ay lumaki sa Lutupan, Toledo
at nakapagtapos siya ng pag-aaral mula elementarya patungong hayskul sa Don
Andres Solano School. Sa kolehiyo naman, kumuha siya ng kursong Airline
Management sa Cebu Christian College. Taong 1991, siya ay lumipat sa Lapu-Lapu
City at nakapagtrabaho siya bilang rack and fine sa Philippine Tonan Corporation-Mepz
1, Pusok, Lapu-Lapu City at sa kalauna'y naging purchaser kung saan siya ay
nakapagtrabaho ng 25 taon.
Sa taong 2016, siya ay nakatanggap
ng lubos-lubos na biyaya sa Panginoon. Sa kanyang pawis at dugong kanyang
inilaan sa pagtatrabaho, sa huli'y nakapagtayo din siya ng kanyang sariling
school canteen noong ika-7 ng Hunyo, 2016 sa Lapu-Lapu City College na siya
namang kanyang pinakamimithi. Noong Setyembre sa parehong taon, biniyayaan siya
na makapagtayo ng bagong negosyo bilang canteen
sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño.
Hindi matatawiran ang mga nakamit
ni Christina, at lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa mga biyayang
ito. At sa kasalukuyan, ang kanyang mga tagumpay ay pinamamahagi niya rin sa
iba.
Cristina
Magalang Bering : TAGUMPAY
-Junisa
Rose Fuentes
Si
Cristina Magalang Bering, may-ari ng Canteen
sa Lapu-Lapu City College, ay isang masipag at kahanga-hangang babae
pagdating sa larangan ng negosyo. Siya ay 46 na taong gulang at
ipinanganak noong Hunyo 27, 1971. Ang kanyang kabiyak na si Ignacio
Dungog Bering ay 59 na taong gulang at isang OFW na nagtatrabaho sa
Saudi bilang Chemical Engineer. Dalawa ang kanilang anak at sila ay
si Mary Siadah Bering, na ngayo'y purchaser sa Qatar, at si Belinda
Isabel Bering, na nag- aaral sa Asian Learning Center, Pajo Lapu-Lapu
City.
Naninirahan
si Ginang Bering sa Lutupan, Toledo noon. Sa Lutupan din siya
nakapagtapos ng elementarya at hayskul. Siya ay nakapagtapos ng
kolehiyo sa Cebu Christian College ng kursong Airline Management.
Taong 1991, nakapasok siya sa kompanyang Phil
Tonan Corporation-Mepz 1, Pusok Lapu-Lapu City
bilang isang pusher. Kahit mahirap daw, nagsikap siya at tumagal ng
25 taon sa kompanya.
Kahit
na maganda na ang disposisyon sa buhay, hindi parin naging sapat sa
loob ni Bering na siya ay habang buhay na maging empleyado lang kaya
naisip niyang tumigil na at magtayo ng sarili niyang negosyo. Nang
matanggap na ang kanyang separation fee, agad niya itong ginamit
upang ipang puhunan sa kanyang gagawing nenegosyo.
Sa
taong 2016, maraming biyaya ang kanyang natanggap. Una, noong ika-6
ng Hunyo, nagtagumpay si Gng. Bering at nasimulan na niya ang
kanyang sariling canteen
sa LLCC. Pangalawa, noong Setyembre, ang Be
Resort Hotel sa Mactan, Engaño
ay ninais na siya ang opisyal na humawak sa canteen
ng mga empleyado. Wala mang katiyakan na magiging maayos ang takbo ng
negosyo, tinanggap niya ang alok ng Resort kahit nangangapa pa lamang
at kahit na kakasimula palang ng kanyang negosyo sa LLCC.
Matagumpay
si Gng. Bering at naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo, naging
maganda din daw ang kanyang buhay sa tulong ng Diyos. Lubos ang
kanyang pasasalamat sa Panginoon sa paggabay at sa pagbigay ng mga
biyaya sa kanya kaya hindi rin siya nakakalimot na magbigay sa kapwa.
Sabi pa nga niya, kahit sino paman daw, ay dapat mabigyan ng biyaya
kung ikaw ay pinagpala, kung ikaw ay hindi madamot, hindi rin hihinto
ang mga biyayang darating sa iyo.
Sa
mga karakter ni Cristina Magalang Bering, makikita ang isang babaeng
malakas, masipag, hindi madaling napanghihinaan ng loob, may takot sa
Diyos at may positibong pananaw sa bukas. Lahat ng kanyang mabubuting
karakter ang naging sandata at pananggala niya upang makamit ang
tagumpay sa buhay.
Talambuhay
ni Christina Magalang Bering
(Amrafe Marata)
Ipinanganak noong Hunyo 27, 1971 si Christina Magalang
Bering na ngayon ay may gulang na 46.
Siya ay naninirahan ngayon sa Grace Land 1, Lapu-Lapu City. Siya ay may asawa
at sila ay nagbunga ng dalawang anak. Ignacio Dungog Bering, ang kaniyang asawa
ay isang mechanical engineer na ngayon ay nasa Saudi. Ang panganay ay
nagngangalan na si Mary Siedah na may edad na 25 ngayon ay nagtatrabaho na sa
Qatar na may nagtapos sa kursong Business
Management at ang bunso naman ay si Belinda Isabelle na may edad na 16 taong
gulang ay nag-aaral sa Asian Learning
Center.
Siya ay
nag-aral ng elementarya at high school sa Don Andres Solano School na
matatagpuan sa Toledo City at nagpatuloy ng kolehiyo sa Cebu Christian College.
Sa tulong ng Panginoon siya ay nakapagtapos ng kolehiyo na may kursong Airline
Management. Pagkatapos ay agad siyang nagtrabaho bilang rack and fine sa simula
ngunit kalaunan ay naging purchaser sa Philippine Tonan, Mepz 1 ng
dalawampu’t-limang taon.
Habang siya ay nagtatrabaho pa bago siya magretiro sa
kaniyang trabaho ay nag-umpisa siya sa kaniyang College Canteen na matatagpuan
sa STEC Campus. Ang ginamit niyang pera pagpatayo niya ng business ay ang
kaniyang separation fee. Binigyan siya ng bagong biyaya ng Panginoon
pagkatapos niyang magretiro dahil sa
taong din iyon sa Be Resort Hotel, Punta Engaño . Lahat ng
biyayang kaniyang natanggap ay kaniyang iniisip na hindi kaniya kundi sa
Panginoon at kailangan niya itong ipamahagi sa iba.
Bilang pasasalamat niya sa Panginoon sa lahat ng
biyaya na ibinigay nito ay binabahagi niya ang kaniyang biyaya sa iba. Hindi
matawaran ang lahat ang biyaya na ibinigay ng Panginoon hindi lang sa kaniya
pati na rin sa kaniyang pamilya lalong-lalo na sa kaniyang panganay na anak na
sa batang edad pa lamang. Ang kaniyang motto sa buhay ay “ Be a Blessing to
Others”.
CANTEEN; TAGUMPAY
|
Ni: Marie France A. Gumahin
Ang
isang babaeng nagsipag, nag pursige, nagtiwala sa diyos at ang ngayo’y
nagmamay-ari ng isang Canteen sa Lapu-Lapu City College, Cristina Magalang
Bering. Siya ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong Ika-27 ng Hulyo, 1971.
Siya ay nakapagpangasawa ng isang Chemical Engineer at ngayon ay nagtatrabaho
sa Saudi bilang OFW, si Ginoong Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang. Bunga
ng kanilang pagsisikap meron silang dalawang anak na sila si Mary Siadah Bering
isang purchaser sa Qatar ar si Belinda Isabel Bering isang Senior High Student
sa Asian Learning Center, Pajo, Lapu-Lapu City.
Si
Bering ay lumaki sa Lutupan, Toledo at sa Don Andres Solano School naman siya nakapagtapos
ng pag-aaral sa elementarya at Hayskul. Si Bering ay isang Airline Management
graduate kung saan kinuha niya ang kanyang kurso sa Cebu Christian College.
Nagtrabaho siya bilang Rack and Fine sa Philippine Tonan Corporation sa MEPZ 1,
Pusok, Lapu-Lapu City noong 1991.
Bunga ng kanyang dalawampu’t limang
taong pagsisikap at pagpupursegi sa trabaho sa Philippine Tonan Corporation,
naisipan niyang tumigil. Sa kanyang Separation fee na natanggap, ito ay ginawa
niyang pangpuhunan sapag nenegosyo, at ito ng ang Canteen. Sa taong 2016, Ika-7 ng Hunyo, nabuksan niya
ang kanyang pinakaunang Canteen at sa Setyembre sa parehong taon nakapagtayo
rin siya ng bagong canteen sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño, Mactan. Naging
maganda ang takbo ng kanyang negosyo at nagging maganda rin ang takbo ng
kanyang buhay. Lubos ang pasasalamat ni Bering sa ating Panginoon sa paggabay
at pagbigay ng biyaya sa kanya.
Si Cristina
Magalang Bering ay isang halimbawa ng isang babaeng Masipag, Mapursige, May
takot sa diyos at babaeng may positibong
pananaw sa buhay. Bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na kanyang natanggap galing
sa Panginoon, ito ay kanya ring ibinabahagi sa kanyang kapwa, ika pa nga niya “Be
a blessing to others”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento