Martes, Setyembre 19, 2017

Posisyong Papel

PRO: Paghimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Posisyong Papel
(Chariza Genon at Junisa Rose Fuentes)


Taong 2016, matagumpay na naipaglaban ng pamilya Marcos ang karapatan ng dating Diktador na mailibing sa libingan ng mga bayani (LNMB). Kalakip sa pagkalibing ni Marcos, may mga isyung umuusbong patungkol sa mga naganap sa  panunungkulan ng Diktador. (ABS-CBN)

“Dapat nga bang ihimlay si Marcos sa libingan ng mga bayani?”, ito ang tanong ng karamihan nang malamang pumayag na ang kasalukuyang pangulo na ipalibing ang Diktador sa himlayan ng mga bayani.

  Ayon kay Rose Carmelle Lacuata , tinatawag na “bayani” ang mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya, o ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap. Karaniwan na nating tinatawag na “bayani” ang mga kababayan nating OFW na nagtitiyaga sa ibang bansa matulungan lamang ang kanilang mga pamilya. Para sa maraming mga Pilipino, maging ang mga mukha na ating nakikita sa ating mga pera ay sa mga taong maaari ring ituring na mga bayani.(ABS-CBN) 
Subalit, ang depinisyong ito ay hindi sapat upang kumatawan sa tinatawag na ‘Bayani’. Karaniwan sa mga Pilipino, ang karakter nina Jose Rizal o Andres Bonifacio, kabilang rin ang mga aktibo at retiradong sundalo, mga pangulo, mga chief of staff ng Hukbong Sandatahan, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, mga awardee ng Medalaya ng Kagitingan, at mga Pambansang Alagad ng Sining at Agham, ang batayan upang masabi na bayani ang isang tao. Sa ganitong konteksto, pasok na pasok sa listahan ng mga bayani ang dating Diktador.
Sa kabila ng mga negatibong komento patungkol sa dating diktaturya, nararapat paring ilibing si Marcos sa LNMB. Nakasaad sa Republic Act (RA) 289,”An act providing for the construction of a National Pantheon for Presidents of the Philippines, National Heroes, and Patriots of the country: Section 1.    To perpetuate the memory of all the Presidents of the Philippines, national heroes and patriots for the inspiration and emulation of this generation and of generations still unborn, there shall be constructed a National Pantheon which shall be the burial place of their mortal remains.”. Pangangatwiran ng kasalukuyang pangulo na sinusunod lamang ang batas sa pagbitiw ng desisyong ilibing si Marcos sa LNMB - “Bagamat hindi maituturing si Marcos bilang bayani, naging isa  parin itong sundalo.” Dagdag pa ng pangulo, “ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani ay bilang sundalo at pangulo, hindi bilang bayani.”

Sa dalawampung taon na panunungkula, maraming nagawa si Marcos para sa bansa. Ayon kay Santos, nakapagpagawa ang diktador ng higit kumulang dalawampung Power Plants, siyam  na kilalang tulay sa Pilipinas, nakapagpatayo ng mahigit isang-daang unibersidad, pabahay para sa mga mahihirap at iba’t ibang reporma para sa edukasyon, agrikultura, kalakal, kalusugan at marami pang iba (Beaches). Batay sa blog ng Social Engineers “ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka at pag-unlad ng agrikultura. Pinagbuti ng dating pangulo ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas. Sa panahon din ng diktador napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at proyektong imprastraktura.Sa kabila ng mga kontrobersiya o panmamalabis ng militar sa kanyang panunungkulan, hindi maitatangging si Marcos lamang ang nakapagpagawa nang ganyan karami sa bansa. Sapat laman ito na dahilan upang mailibing ang dating pangulo sa LNMB.

Nararapat lamang na ihimlay si Marcos sa libingan ng mga bayani. Bukod sa isa siyang dating presidente, napakarami ring nagawa ng diktador pa ra sa bansa. Hindi man katanggap-tanggap ang paraan ng pamamalakad, marami mang namatay sa kaniyang panunungkulan, at higit sa lahat marami ang nagdusa, ngunit karapatan ng dating pangulo na mailibing sa libingan kasama ang kapwa niya dating mga pangulo.

Ang pagpayag din sa usaping ito ay hindi bilang pagpanig sa mga Marcos, kundi bilang isang mamamayan na tanging gusto ay makalimutan ang pait ng nakaraan. Para na rin ito sa ikabubuti ng sambayanan. Walang mangyayari sa bansa kung hindi uusad ang mga Pilipino at patuloy sa pagtingin sa kahapon.


                                                                                                                                                                              




Kultura: Nakakalitong Pagkakakilanlan
(Carol Jane Apawan & Jinky Balaod)

          Ang kultura ay siyang sumisimbolo sa isang pagkakakilanlan  ng tao o bansa at ito ay binubuo ng lahat ng ating kaalaman. Ang ating kultura din ang nagbubuklod at gumagabay sa ating mga Pilipino. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan. Ito ang batayan sa ating pagkakakilanlan bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa dinami dami ng kulturang naglipa na ngayon galing sa ibang bansa, kailangan pa ba nating sumunod ditto para matanggap sa lipunan? Ano ang epekto ng mga kulturang ito sa ating sariling kultura?
          Ang bansang Pilipinas ay napapaligiran ng iba’t ibang mga banyagang kultura, naglabas masok ang mga kultura ng Korea, Amerika, Japan, atbp. Sa kasalukuyan, mas umangat ang pagkahilig ng mga Pilipino sa kultura ng Korea. Nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga tema at mga estilo ng mga Korea sa kanilang mga palabas, pananamit, pagkain at lingguwaheng ginagamit sa pakikipag-usap.
          Nadagdagan ang ating kultura ng dahil sa pagsunod ng mga taosa mga banyagang kultura galing sa ibang bansa ngunit hindi kailangang sundin ang lahat dahil maari ito ang magiging daan sa pagkaunti-unting pagkawala ng ating sariling kultura. Hindi naman kailangang makibagay sa uso ng panahon para lang mataggap sa lipunan. Walang masama sa pagtangkilik ng ibang kultura ngunit dapat ding isaalang-alang ang mga limitasyon na maaring magdulot sa masamangepekto tulad ng pagkalimot ng  tao sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ayon pa nga sa isa sa mga author sa pinterest, “You are what you do, not you say you’ll do,” ito ay nangangahulugan na kung ano ang galaw or ginawagawa na ng isang tao, yun ang magsasabi kung ano talaga ang isang tao.
          Sa makabagong henerasyo, ang mga pamanang lahi galing sa ating mga ninuno ay tila unti-unti nang bumabaon sa limot. Ayon sa Ethnic Group Philippines, 90% sa populasyon natin ngayon ay mga Christian na kung saan may maraming mg atradisyon at kulturang sinusunod ayon sa mga paniniwalaan. Ngunit kadalasan ngayon, tuwing may kapistahan mas inuuna pa ng mga tao ang pagluluto ng mga handa, pag-iinom, at paggagala kaysa sa pagsisimba at pagdadasal. Nakakalungkot ang mga pangyayaring ito dahil dapat ang mentalidad ng mga Pilipino ay nawala na.

          Sa paglipas ng panahon, tila paunti na nang paunti ang mga Pilipinong nagmamahal sa ating sariling kultura. Ang pagbili ng mga kagamitang imported, maling pagtatapon ng basura at di mabilang na pagpapatayan ay tila nangingibabaw n sa ating bansa ayon kay Carl Sanchez. Kailangan na pangalagaan ang kultura dahil ito lamang ang tanging yaman na ibinigay n gating mga ninuno at maibibigay natin sa susumod na henrasyon. Kailangan na mas bigyan naitn ng pansin ang sariling kultura at ang sariling atin kaysa sa iba dahil ito ang magiging gabay tungo sa kaunlaran ng isang bansa. Sabi nga ni Gat Jose Rizal, “ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”
                                                                                                                                                                              



Filipino: Noon at Ngayon
Posisyong Papel nina:
Regine Lace A. Panuncia at Zaira I. Magtolis


             Sa paglipas ng panahon, lumilipas na rin ang mga noo'y nakasanayan ng mga Pilipino. Sa pagsakop ng iba't ibang lahi sa bansa, nahango na rin ng mga Pilipino ang kultura at kaugalian ng ibang bansa. Ang impluwensiya ng mga banyaga ay napakalakas na nagdulot ng pagkabago sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino.

             Naitala na sa kasaysayan na ang mga Pilipino ay likas na may kayumangging balat, itim at tuwid na buhok, mala-tsokolating mata, pandak at sarat ang ilong, ayon sa Philippine-History.com.

             Sa kasalukuyan, ang mga Pilipino na ay may halong dugong banyaga dahil sa pagkakahalo ng iba't ibang lahi. Ayon kay Root (1997), "ang mga Pilipinong may halong iba't ibang lahi ay hindi nabibilang sa anumang lahing dumadaloy sa kanilang dugo".

             Higit pa rito, naimpluwensiyahan din ng mga banyaga ang mga kilos ng mga Pilipino tulad ng sa pagkain at pananamit. Mas tinatamasa na ng mga Pilipino ang mga pagkaing pandayuhan ngayon katulad ng pagkain ng "spaghetti, burger, hotdog", at iba pa. Ang napakamahinhin,  napakamahiyain at nagsusuot ng konserbatibong kasuotan na mga kababaihan noon, ngayon ay napakamadaldal na at nagsusuot ng maiikling damit. Kung noon ay nagsusuot lamang ang mga kalalakihan ng kakaunting piraso ng damit pang-ibaba, ngayon ay nagsusuot na ng mga pantalon at shorts. Maliban pa rito, naimpluwensiyahan na rin ang mga Pilipino sa wika na pinatutunayan ng paglitaw ng conyo language, wikang panlansangan at halong wikang pambanyaga at Filipino.

             Gayunpaman, kahit pa na may halong ibang lahi ang dugo ng karamihan sa mga Pilipino, hindi pa rin maiaalis ang likas na kulturang Pilipino na patuloy pa ring dumadaloy sa kanilang dugo. Hindi pa rin nawawala ang mga katangiang likas ng mga Pilipino katulad ng  pagkamarelihiyoso, pagkamagiliw sa panauhin, pagkamagalang, pagkamasipag at pagkamalapit ng mga Pilipino sa pamilya.

             Bukod dito, ang Pilipinas rin ay mas kilala sa pakikipagkapwa kaysa sa ibang mga bansa sa Asya. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Constituency (PERC) noong 2006, "nangunguna ang mga Pilipino sa paghahalubilo sa buong Asya".

             Sa pangkalahatan, nabago man ang ibang kultura, nakasanayan at kinaugalian ng mga Pilipino dahil sa impluwensiya ng mga banyaga sa kasalukuyang panahon, mayroon pa ring mga katangian na nanatili at mananatili sa mga Pilipino. Magkahalo-halo man ang dugo ng mga Pilipino sa iba't ibang lahi, patuloy pa rin na dumadaloy sa puso at mananatili sa isip ng mga Pilipino ang katangiang Pagka-Pilipino at pagkamaka-Pilipino.

                                                                                                                                                                 


SCARBOROUGH SHOAL: Wag Angkinin!!
(Vanessa Menguito & 

Ang Pilipinas ay isa sa mga kilalang maraming Likas na Yaman at kilala sa magagandang Isla at iba’t ibang pandarayuhang lugar. Ang mga magagandang tanawin at Isla ay kadalasang ginagamit sa pangkabuhayan ng mga tao dahil sa mga dayuhang pumupunta dito.
Maraming mga malalaking isyu ang nagaganap sa Pilipinas ngayon, isa na dito ang Scarborough Shoal, kawalan ng mga Pilipino ng karapatan sa Likas na Yaman at negosyo sa ating bansa. Ang Scarborough Shoal na matatagpuan sa Dagat Timog Tsina o Dagat Kanlurang Pilipinas ay pinag-aawayan ng dalawang bansa ngayon. Dahil sa pag aagawan ang problemang ito ay umabot sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at doon napag pasyahan na nasa Pilipinas talaga nasasakop ang Scarborough Schoal. Pero hindi talaga nag patalo ang mga tsino sa kanilang maling paniniwala Na sa kanila talaga nasakop ang islang ito. Dahil nga ang kanilang ninuno daw ang nakadiskobre sa lugar na ito. Sa ngayon ay nagpatayo na ang mga tsino ng mga  gusali doon sa isla.Dati mayroon paring mangingisda ang nangingisda sa isla pero tumigil narin sila dahil delikado sa kanila ang pumunta doon. Lumulubha na ang sitwasyon sa bansang China at Pilipinas dahil nga sa islang ito dahilan upang ang kanilang kalakalan ay humi na.Ang mga produkto ng Pilipinas ay hindi tinatanggap ng mga tsino.Wala naman tayong magagawa kung hindi nila tatanggapin ang mga produkto dahil hindi naman tayo ang mawawalan. Pero matapos ang ilang buwan ay nakipag sundo ang ating pangulo sa emperador ng China.At napag kapagka sunduan nila na pwede ng mangisda ang mga mangingisda doon pero mayroong partikularng lugar ng isla.Masakit sa ating kalooban na dati ay nakakapangisda ng malaya ang mga mamamayan ng Zambales pero ngayon ay nililimitahan nalang ng mga tsino sa paniniiwala nila na sa kanila nasasakop ang islang Shoal.
“This is no trivial issue. It threatens the collapse of the South China Sea ecosystem and raises the prospect of regional food shortages. China badly depleted its traditional fishing areas and now expropriates areas that other nations rightfully access. The Global Commons shrinks. Far from leading any international effort to preserve the marine resources of the South China Sea, China stands harshly criticized in the UN Permanent Court of Arbitration judgement for “permanent and irreparable harm to the coral reef ecosystem”. The United States` new mid-Pacific marine sanctuary recently announced by President Obama is important-provided we can enforce it but it will not compensate for the devastation of the South China Sea Ecosystem.” 
Dapat talagang mag kaisa ang mga mamamayan ng isang bansa para ma risulba ng mabilis ang mga isyo at problema.Hindi kasi sa lahat ng bagay ay pwede mo itong soluhin.Kailangan mo rin ng mga taong papayo,gagabay at magpapalakas loob sayo. At papasalamatan mo rin ang problemang dumating sa buhay dahil naging isa kayo ng kapwa mo. Akala mo dati ay wala silang paki sayo pero sa pamamagitan ng problema o isyong pinagdaraan ay mararamdaman natin na andito lang siya na tutulong sayo kahit anonbg mangyari. Katulad nalng ng mga mamamayan sa isang bansa kung wala ang problema sa kanilang bansa ay hindi nila maiintindihan ang isa’t isa, kahit mag kaiba paman sila ng mga relihiyon iisa parin ang kanilang mithiin.


Basahing Tinukoy:
France-Presse,Agence.“5 facts on Scarborough Shoal“ABS-CBN, 6 Feb.2017, news.abas- 
cbn.com/news/02/07/17/5-facts-on-scaborough-shoal.
Gregson,Wallace C., et al.”China Is Dominating Scarborough Shoal. Here`s Why its
Matters.”Thef National Interest, The Center for the National Interest.  
Woody, Christopher. “China and the Philippines have Tuirned  the Corner on One of the
Their Biggest Disputes, but the path Ahead Is Nuclea.” Business Insider, 31 Oct. 2016.

________________________________________________________________________________

Same-sex  Marriage: Huwag Pahintulutan!
(Amrafe Marata and Dorra Mae Dosdos)
Kasal, napakagandang pakinggan sapagkat dito nakukuha ang pinakamabuluhang  basbas na kailangan. Ang kasal ay ang  pag-iisang dibdib ng lalaki at babaeng nagmamahalan. Sa pagkakaalam ng karamihan ito ay binubuo ng dalawang taong magkasalungat ang kasarian, hindi para sa mga taong magkatulad ang kasarian. Sa panahon ngayon, ang same-sex marriage ay isyu na ng karamihan. Ang tanong, kailan ba naging makatarungan ang “same- sex marriage”? Kailangan pa bang ipatupad ito? Ano ang maaring maidulot nito sa mga taong kasangkot dito?
Lahat ng taong nagmamahalan ay nangangarap na makasal upang makakuha ng basbas ng Panginoon. Sa usaping ito kung pagbabasehan natin ang Bibliya, hindi ito katanggap-tanggap. Ayon kay Crystal Lombard, “the traditionally defined marriage is between a man and a woman, same sex marriage is against what the bible teaches, so it is sac religious two marry two man or women into a religious sanction.”  Kung hindi ito katanggap-tanggap bakit pa kailangan magpakasal kung sa simula pa lang ay alam mo ng bawal ito sa mga mata ng Panginoon.
Ang pagpapakasal ay kinakailangan upang ang isang pagsasama ay mabigyan ng bendisyon na nangagaling sa simbahan. Sa pagkakaroon ng bendinasyon, makakatulong ito upang ang isang pamilya ay mamuhay ng matiwasay. Sa Pilipinas, ang pagpapakasal ng nagmamahalan na babae at lalaki ay kinakailangan sapagkat dadalhin ng magiging anak nila ang apelyido ng lalaki. Babae at lalaki , ito talaga ang magkasintahan na dapat magpakasal sa mata ng Panginoon, ng Diyos, at ng karamihan.
Bukod pa dito ang rason na dapat hindi ipatupad  ang same-sex marriage ay dahil karamihan sa HIV o AIDS na sakit ay nabubuo sa mga third sex  .Ayon nga sa Centers for Control and’ Prevention “Gay and bisexual men are more severely affected by HIV than any other group .” Kung papayagan natin itong mangyari ay mas dadami at mas lalong lumala ang  kaso ng sakit na ito.
Isa pang dahilan kung bakit magpapakasal ang dalawang taong nagmamahalan ay dahil gusto nitong bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak. Ngunit sa same-sex marriage na isyu hind sila makakabuo ng anak kaya mag-aampon na lamang sila ngunit ito ay may kaaakibat na problema. Ayon sa Yale Child Study Center psychiatrist Kyle Pruett reports that children of IVF often ask their single or lesbian mothers about their fathers, asking their mothers questions like the following:"Mommy, what did you do with my daddy?" "Can I write him a letter?" "Has he ever seen me?" "Didn't you like him? Didn't he like me?". Dito mahihinuha natin na mas gusto talaga ng mga bata ang Mama at Papa.
Ang pagkakaroon ng same-sex marriage ay hindi nararapat na ipatupad sapagkat salungat ito sa mata ng nakakarami. Kung ito ay ipatupad maari ngang magsama ang dalawa ngunit hindi maiiwasan na maaaring maghanap ng anak ang magkasintahan. Sa ganoong pangyayari maaring ito ang pagsimulan ng away at hindi pagkakaintindihan na hindi naman maganda sa isang relasyon.
Lahat ng tao ay may karapatan ngunit bawat karapatan ay may limitasyon kaya kahit gaano kalaki ang pagmamahal ng isang tao kinakailangan na alamin kung makakabuti ba ito sa dalawa. Ayon nga sa Same Sex Couples and Civil Rights in the EU, “It makes no sense to talk about in this context if that were the case, polygamous or incestuous marriages would to be legalized too. There are always limits tor rights.” Malaki ang kapangyarihan ng simbahan sa pagkakaroon ng batas  dito sa Pilipinas kaya hangga’t sa  maaari ang ganitong panukala ay hindi ipatupad.

  
Ang Karapatan ng pag-angkin ng Pilipinas sa Scarborough Shoal
Posisyong Papel nina: Marie France Gumahin at Jullian Ocon

Ang Scarborough Shoal ay matatagpuan sa Isla ng Luzon sa probinsya ng Zambales na may 220 kilometro ang layo. Sa Pilipinas, Bajo de Masingloc at Panatag ang tawag sa Scarborough Shoal o Huangyan Island naman sa China na may 650 kilometro ang layo mula sa probinsya ng Hainan, China. Sa pagitan ng dalawang bansa, Pilipinas at China, ang pagbibigay lakas sa bawat bansa na makuha o sakupin ang Scarborough Shoal. Pero anong bansa nga ba ang nagmamay-ari sa Scarborough Shoal? Ano ang matibay na pinaghahawakan ng bansang China namasasabing sakop nila ang Scarborough Shoal?

            Sa bukod tanging ipinamalas ng likas na yaman sa bansang Pilipinas ay ang kagandahang nagmula sa mga isla ng Pilipinas na higit 7,100 at hindi pwedeng angkinin sa ibang bansa o mga banyaga. Sa kabilang banda, ang Scarborough Shoal ay pinag-aagawan ng bansang Pilipinas at China dahil narin may likas at kagandahan din itong nais makita katulad ng langis at pwedeng pangingisdaan ng kahit sinuman. At sa halip na tayo mismo bilang Pilipino ay makapagmamay-ari sa Scarboorugh Shoal lalo na’t malapit lamang ito sa bahagi ng Isla ng Luzon pero may isang bansa na sumasalungat at gustong angkinin din ang Scarborough Shoal at yun ay ang bansang China.

            Bilang Pilipino mapapatunayan natin na sa atin o parte ng Pilipinas ang Scarborough Shoal mula pa sa nakaraang panahon na mahihinuha at makikita sa mapa ng Pilipinas noong 1774. Noong Abril 10, 2012 ay suliranin ng Pilipinas tungkol sa hidwaan ng bansang China hanggang sa kasalukuyan dahil sa pag-aagawan sa Scarborough Shoal. Sa hinaharap na suliranin ng Pilipinas ay nararapat na ipakita natin na tayo ay nagkakaisa laban sa ginagawa ng China sa pag-angkin ng teritoryo na hindi naman sa kanila at higit sa lahat ang Scarborough Shoal ay malayo mula sa bahagi ng Hainan, China kaya nararapat lamang na sa atin maparte ang bahagi ng Scarborough Shoal dahil kasing lapit lang ito sa ating kapuluan sa Isala ng Luzon.

            Ang Scarborough Shoal ay ginawang teritoryo ng mga Amerikano noong ang Pilipinas ay gumawa ng American Colony na galing sa “Tha Treaty of Paris” noong 1898. Ang titulo nito ay inilipat sa Pilipinas noong independensya sa taong 1946. Sa katunayan, ginamait nito ng mga Philippine Navy noong gunnery range para makikipagbalikatan sa mga Amerikano. Sa tribunal rule na nilagdaan sa nakaraang taon (2016). Ang pag-angkin ng China sa Shoal ay walang legal na basehan o isang illegal na pag-aangkin lamang.

            Walang matibay na pinaghahawakan ang China na sakop nila ang Panatag Shoal. Ang pinagbasehan lamang nila ay historical claim at ang ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Ntions Conventions on the Law of the Sea ( UNCLOS). Noong 1903, isang map ang ginawa ng Armed Forces at doon ay kabilang ang panatag sa mga grupo ng isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakuha ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya ng map at maari itong ipresentang ebidensya na sakop nga ng Pilipinas ang Panatag (ABS-CBN NEWS ONLINE). Kaya bilang Pilipino ay tayoy’y magkaisa at ipaglaban ang karapatan na hindi sakupin ng China ang Scarborough Shoal.

            Sa pagdalaw ni pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre, 2106, kanilang pinag-usapan ang “unilateral decision” upang ang Scarborough Shoal ay maprotektahan sapagkat, ito ay ibinabaliwala sa gobyerno ng China at gumawa pa sila ng “artificial island”. Sa ginawa ng China, ang pangulo ng US ay pumalag at pinagbantaan ito na huwag ituloy ang pagpapagawa. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza (Lorenza, 2010) NA ANG China ay nagtangkang kunin ang Scarborough Shoal bilang iparte sa istratehiya upang maimpluwensiyahan at pinatunayan pa ng China na silang makipagbakbakan sa ngalan ng Scarborough Shoal.

            Meron mang mga malalakas at maraming mga materyales sa pakikipaglaban ang China na handa makipagbakbakan bunsod sa Scarborough Shoal kaya tayo ay hindi magpapatalo laban sa China kung meron mang bakbakan na magaganap. Lahat tayo ay magkaisa at ipaglaban ang natin ang karapatan kung ano ang ating tunay bagay na pag-aari natin  o sa bansang Pilipinas.  Sa katunayan, may soberanya tayong pinaghahawakan at pinaglalaban na sumisimbolo sa pag-aari kung ano meron tayo sa Pilipinas.


           















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

BIONOTE: Cristina Magalang Bering

Cristina Magalang Bering Sikap at Pursige Bionote ni Cristina Magalang Bering Isang babae na simbolo ng tunay na pagsisikap, pagp...