Huwebes, Setyembre 14, 2017

LAKBAY SANAYSAY: Hanggang Saan Aabot Ang Isang Daang Piso Mo?


100php: Paglibot sa Lapu-Lapu

(Lakbay Sanaysay)






x

Regine Lace A. Panuncia

      Sa nilaki-laki ng isla ng Lapu-Lapu at dinami-raming pwedeng mapuntahan sa isla, talagang nakapagdududa kung ano ang magagawa ng 100php sa paglilibot sa Lapu-Lapu. Sa unang tingin, ano kaya ang magagawa ng 100php upang malibang ang mga tao sa iba’t ibang lugar ng Lapu-Lapu? O kaya nama’y, sa aming kinatatayuan ngayon, saan kaya aabot ang 100php sa aming paglalakbay? At anong mga lugar kaya ang aming malalakbay?

           Mula sa bahay, ako ay sumakay patungong 7/11 sa Tamiya sa halagang 7php upang makipagkita sa aking mga kasama sa paglalakbay. Mahigit isang oras kaming nanatili sa lugar sa kahihintay sa pangkat at nang nabuo na ang pangkat, kami ay nagdesisyon na puntahan ang tatlong lugar sa Lapu-Lapu—Gaisano Mactan Island Mall, Marcelo Fernan Bridge at Mactan Shrine.

           Una, sumakay kami ng may kulay dalandan na multicab patungong Gaisano Mactan Island Mall sa Pusok, Lapu-Lapu City at doon kami nagpalipas ng oras sa paghinto ng mumunting pagpatak ng ulan sa nagdidilimang kalangitan. Bahagya kaming naglibot sa unang palapag ng gusali at kami ay hindi nakatiis sa tukso ng pagkain. Sa unang pagkakataon, ako ay nakakain ng Japanese takoyaki sa Jap Boating Food House na nagkakahalaga ng 29php sa bawat apat na pirasong takoyaki. Subalit, sa halip na ako ay bumayad ng buo, naghati na lamang kami ni Jamaica sa bayarin at sa pagkain ng takoyaki.







         Nang tuluyan nang huminto ang pagpatak ng ulan, nagdesisyon kaming magsimula nang maglakad patungo sa ilalim ng Marcelo Fernan Bridge o mas kilala sa tawag na Mandaue-Mactan Bridge II. Sa aming paglalakbay, tinahak namin ang likod ng Gaisano Island Mall patungong City Government ng Lapu-Lapu at doon naming natuklasan ang liblib na Public Library malapit sa City Hall. Sa kasamaang palad, ang silid-aklatan ay nakasira na kaya hindi na namin nakuha ang oportunidad na makapasok sa kauna-unahang public library na aming nakita.



            Patuloy ang paglalakad patungong Marcelo Fernan Bridge at nadaraanan namin ang bantayog ni Marcelo Briones Fernan na nakatayo malapit sa tulay. Bago namin tuluyang naabot ang aming pangalawang destinasyon, may nakita kaming palaruan at doon aming binalikan an gaming pagkabata. Klase-klaseng laro ang mararanasan sa munting palaruang itomula sa padulasan, patungong monkey bars, seesaw, swing, at iba pa.

          Ilang metro na lamang at narating na rin namin ang tulay at kami ay unang namangha sa mga sining sa pader o mural paintings na may barayti ng temamula sa mga hayop sa kagubatan, iba’t ibang klase ng ibon, iba’t ibang klase ng isda sa nag-aasul na karagatan at kahit isang dyosang nakasuot ng berde ay nakapinta nang napakaganda sa mga pader. Pangalawa ay ang nagagandahang upuan at kanlungan malapit sa dagat na sadyang ipinapakita ang kagandahan ng karagatan at kalangitan. Pangatlo, kami ay namangha sa kakayahan ng mga bata na lumangoy sa malalim na dagat sa ilalim ng tulay sapagkat kaya nilang lumangoy mula sa dalampasigan patungo sa unang poste ng tulay.



          Nagdadapit-hapon na kaya napagdesisyonan namin na doon na rin magpalipas sa tanghalian. Bumili ako ng tatlong siomai sa halagang 4 na piso kada isa at tatlong puso sa halagang 10 piso. Subalit, sa kabila ng aking pagkahilig sa mga maaanhang na pagkain, hindi ko kinaya ang anghang ng sawsawan ng siomai pagkatapos kong kumain at napabili ng Royal sa halagang 10php nang kahati pa rin si Jamaica at isang pisong tubig.


        Pagkatapos naming magpahinga saglit sa Marcelo Fernan Bridge, muli na naman kaming naglakad sa lansangan para makasakay patungong Punta Engaño at huminto sa harap ng Mactan Shrine sa halagang 7php. Sa tourist spot na ito, amin muling binalikan ang kasaysayan ng isla ng Mactan sa iba’t ibang monumentong itinayo sa lugar.




       Sa daan pauwi, kami ay sumakay patungong eskina sa Agus at dumiretso sa Gaisano Grand Mall sa halagang 14php na pamasahe sa dalawang sakay. Ang 22php na naitira sa aking 100php ay inilaan ko para sa aking pamasahe pauwi(7php) at para sa paglaro sa World of Fun(15php) kung saan ako ay nakapaglaro ng hammer game at nakakanta ng dalawang kanta sa karaoke. 


          Sa dinami-raming mga magagandang lugar sa isla Lapu-Lapu, hindi ko lubos maisip sa una kung papaano ko isusulit ang 100php sa aking paglalakbay. Subalit, napagtanto ko habang kami ay naglalakbay na hindi naman pala malaki ang maigagastos sapagkat mayroon nang mga magagandang lugar sa iba’t ibang bahagi ng Lapu-Lapu at talagang ang tanging maigagastos lamang ay para sa pagkain at pamasahe. 

Saan Aabot ang Isang Daang Piso Mo?
Isang Daang Piso-Isang Paglalakbay
Chariza F. Genon

Karamihan sa mga paglalakbay ay nangangailangan ng malaking halaga para sa pagkain, pamasahe at iba pang pagkakagastusan ng pera. Ngunit, paano kung ang dada-dalang salapi ay Isang daan lamang(Php 100)? Ito ba ay magiging sagabal upang maging masaya at kapanapanabik ang isang paglalakbay? Ang malaking tanong, “Saan aabot ang isang daang piso mo?”.

Unang araw ng Setyembre sa taong ito, nagpasya ang aking mga kagrupo na magsagawa ng isang paglalakabay gamit ang isang daang piso. Nagkaisa kami na sa isang mall kami magkikita. Ang Gaisano Grand Mall Basak ang napili namin ay kailangan ng dalawa pang sakayan mula sa tinitirhan ko. Kaya, upang makatipid, nagpasya akong maglakad ng ilang metrong distansya mula sa pinagbabaan ko ng traysikel patungo sa napagusapang tagpuan. Hindi ko alintana ang init ng araw, o ang pagod ng aking mga paa, gutom at pilit na nilalabanan ang antok makarating lamang sa paroroonan nang hindi gumagastos ng sobra.

Sa mall na tagpuan namin nagsimula ang masayang paglalakbay ng grupo. Upang mas madali para sa akin, tatapusin ko ang paglalahad ng aming masayang lakad sa limang bilang. Limang bilang na katumbas ay tatlongdaang minuto na masayang paglalakbay.

Isa- isang oras kaming nanatili sa mall kung saan kami nagkita. Bago tumuloy sa paglalakbay: kumain ng lugaw, nagpalamig, naglibang muna kami ng sarili upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na bitbit dulot ng sobrang gawain sa paaralan. Nagsayang ng limang piso sa WOF upang makalimot sa lahat ng pagod na naranasan sa isang linggong pamamalagi sa apat na sulok ng silid-aralan. Hindi alintana ang bawat baryang nasasayang sa tuwing hindi nakakatama ngunit parang bata namang nagsisitalon sa tuwing nakakatiyamba at nakakakuha ng tickets bilang gantimpala. Ang mga tickets ay pinalitan namin ng limang pantali ng buhok sa cashier at limang piraso ng kendi na aming pinagsaluhan. Parang mga bata na sobrang natutuwa sa mga natanggap na gantimpala.



Dalawa- dalawang beses natanggal ang suot kong sapin sa paa habang nilalakbay ang Marigondon upang maghanap ng piso-pisong tubig bilang pantawid sa aming uhaw matapos ang paglalaro. Sobrang init ng panahon at kahit walang suot na sombrero ay patuloy sa paglalakad habang nagkukuwentuhan ng mga walang kuwentang bagay ngunit sa amin ay labis na nagpapa-aliw. Para akong sira ulo na tumatawa habang minamasdan ang mga kasama kong, hindi ko alam kung unang beses bang naranasan ang ganito. Pagod pero masaya.
















Tatlo- tatlong beses kaming pabalik-balik ng diskusyon kung kami ba ay tutuloy sa Parkmall o mananatili kami sa Lapu-Lapu at babaybayin ang Mactan Shrine upang doon naman magsaya. Sa huli, pinili naming pumunta ng malayo upang masubukan talaga kung hanggang saan aabot ang isang daang piso namin. Natatawa na nanghihinayang ako sa labingwalong pisong pamasahe ko papunta sa mall na halos isang oras ang tagal, dahil sa traffic. Habang patuloy sa pag-usad ang jeep, patuloy rin akong nagmamasid sa bawat lugar na dinaanan namin. Maraming bagay na nadiskubreng pasyalan na dati ay hindi ko talaga alam.
Apat- apat na shops ang pinasukan namin sa Parkmall bago tumuloy sa susunod na destinasyon. Una sa bookstore kung saan nakabasa ako ng limang libro ngunit parte-parte lamang. Pangalawa sa Japan Home Center, ang lugar na tinambayan dahil sa mga produktong Hapon na nakakaaliw. Pangatlo naming pinuntahan ang divisoria na hanggang tingin lamang sa mga paninda dahil sa kaunting halaga lamang ang dala. Huli naming pinuntahan ang Big Kaking na pinaghanapan ko ng navy blue na bestida para sa kaarawan ng kaibigan. Nakakapagod pero masaya. Kahit hindi nabili ang bestidang gusto at window shopping lamang ang nagawa, masaya parin kasi sila ang kasama ko.




Lima- limang piraso ng kandila ang binili bawat isa sa amin upang ialay kay Birhen sa Regla. Limang pirasong kandila na sinindihan sabay sambit ng dasal, hiling, pasasalamat at paghingi ng tawad sa panginoon. Humiling na sana gabayan kami sa pag-aaral at palaging tutulungan sa tuwing nahihirapan. Nagpasalamat sa lahat ng biyaya na binigay at sa ligtas na paglalakbay. Humingi ng tawad sa mga kasalanang nagawa at sa mga magagawa.

Lima- limang manokan rin ang dinaanan bago pumirme sa isang kainan. Tatlong hanging rice, isang piraso ng fried chicken at isang isaw, saktong-sakto sa bente pesos na badyet para sa huling destinasyon ng grupo. Naghintay ako  ng limang minuto para maluto ang manok na nakasalang sa mainit na mantika at limang piso ang ginastos para malasap ang sarap ng isaw. Masaya kami na kumain sa maliit na espasyo sa gilid ng kalsada, na kahit plastik lamang at hindi kutasara o tinidor ang haway ng kamay, masaya naming pinagsaluhan ang pagkaing hindi kamahalan at hindi karananiwang handa sa hapag kainan.




Lima, sa limang bilang natapos ang masayang paglalakbay. Lima, sa limang oras ay panandaliang nakatakas sa pagod. Lima, limang hakbang papunta sa traysikel na sasakyan pauwi ay naramdaman ang saya nang hindi iniisip ang libro o ang papel pananaliksik at iba pang gawain. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, natapos ang limang oras na galaan kasama ang mga kaibigan.

Isang daang piso, limang oras na paglalakbay, limang destinasyon, limang bilang na pagsasalaysay - ngayon ko napagtanto na ang bawat sentemo ay mahalaga. Ikaw? Hanggang saan aabot ang isang daang piso mo?



Isang daang piso, saan aabot ang mga paang ito?
Junisa Rose D. Fuentes


     Isang daang piso lang ang dala, nakaya ko nang maglibot at magsaya. Noong biyernes, unang araw ng setyembre, napag-isipan ng aming grupo na gumala. Napagkasunduan naming mga magkakaibigan na magkita-kita sa Gaisano Grandmall. Alas-10 ng umaga, nauna akong makarating sa mall. Naghintay ako at isa-isa silang dumating hanggang nag alas-11 na. Wala pa kaming agahan kaya kumain muna kami sa foodcourt ng lugaw na Php 30.00 lang ang halaga at tsaka pinag-usapan kung saan kami gagala.





     Malapit lang ang World of Fun sa foodcourt kaya naglibang muna kami matapos kumain. Naglaro kami sa piso machine at nagkatuwaan sa aming mga kalokohang ginawa. Nag ambag-ambag kami ng limang piso upang magkaroon ng madami-daming piso token. Nang maubos na ang aming token, nagkaroon kami ng 111 na tickets at amin ng hiningi ang katumbas na premyo nito. Tuwang-tuwa na kami sa aming pinaggagawa kahit nasa Grandmall lang kami kaya naisipan na naming pumunta naman sa ibang lugar.



     Pumunta kami ng Marigondon Crossing ng mga ala-una at nauhaw sa biyahe kaya pagkababa namin, naghanap kami ng piso tubig machine. Gumala muna kami ng kaunti at tsaka napag-isipang pumunta sa Park Mall, na ang pamasahe papunta roon ay P18.00. Nang makarating na, agad-agad naming linibot halos buong Park Mall ng humigit kumulang, isang oras. Matapos gumala sa Park Mall, pumunta na kami sa Opon Mercado. Nang pagkababa namin sa dyip, naglakad-lakad kami at namasyal. Nilibot namin ang Opon Mercado at saka nagpunta sa Simbahan. Nag-alay kami ng limang kandila na tigmimiso at nagdasal. Matapos kaming pumunta sa simbahan, nag-ikot-ikot ulit kami sa Mercado upang makakita ng gusto naming pagkain. Napagdesisyonan naming kumain sa isang de-tulak na nagbebenta ng piniritong manok, isaw at balat ng manok. Unang beses ko palang kumain sa ganoong klaseng kainan at ako na ay napahanga. Sarap na sarap ako sa aming nakain na hindi hihigit sa dalawampung piso. Tuwang-tuwa ako sa kung paano kami umupo sa gilid ng de tulak at kumain ng nakakamay lang. Unang beses ko man iyon, sigurado akong babalik at kakain pa ako ng ganoon.




     Kaming magkakagrupo ay hindi naman talaga nag-isip o nagplano ng mabuti kung saan at kung paano namin gagastusin ang aming isang daang pisong dala. Ang ginawa lang namin ay nagsaya ng husto sa abot ng makakaya ng aming pera. Sumabay lang kami sa iba't ibang trip ng grupo at nagkaisa kung saan patutungo ang aming mga paa. Nang malapit ng sabay maubos ang aming mga pera, napagtanto lang namin na doon na titigil ang aming paglalakbay. Natigil man at naubos na ang isang daang piso, magagandang ala-ala at ngiti sa aming mga labi naman ang kapalit. Matapos ang paglalakbay, mas natutuhan ko ang salitang simpleng kaligayahan. Naintindihan ko, na ito pala ay hindi lamang tungkol sa mababaw na kaligayahan ng isang tao, kung hindi tungkol sa mga simple at maliliit na bagay-bagay na nagbibigay aliw at sigla sa kahit kaninong buhay.






Saan aabot ang Isang Daang Piso?
Vanessa Y. Menguito

Bilang isang mag-aaral, nais nating pumunta sa iba’t ibang lugar na may magagandang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan man na galing ibang bansa. Hindi ko ginagawa ito upang magmuni – muni lamang kundi para malaman  kung saan ba aabot ang isang daang piso namin.
 Papunta ako sa Gaisano Grandmall sa Basak  dahil doon kami magkikita ng aking mga ka grupo. Habang papunta ako doon ay na stranded ako sa traffic halos isang oras na ako nag hintay kong kailan aandar ang aking sinasakyan hanggang sa maka dating ako sa paruruunan ko pero wala pa ang aking mga ka grupo kaya nag chat ako sa kanila na nandito na ako sa labas ng mall ,nag replay naman ang isa kong ka grupo na nasa loob lang siya at lalabas na daw siya kaya nag hintay lang ako sa labas. Kaming dalawa ay nag hintay ng kalahating oras sa iba pa naming ka grupo hanggang sa nakarating na sila.
Nag plano na kami kong saan talaga kami pupunta sa halagang isang daang piso namin at napagdesisyunan namin na sa grandmall muna kami  pero hindi muna kami pumasok agad  dahil sa may emergency na nangyari na kung saan ay nasunog daw ang basement ng grandmall kaya hinintay muna namin na  medyo kumalma ang pangyayari. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na kami at napagdesisyunan namin na bumili ng lugaw with chicharon dahil lahat kami ay hindi kumain ng agahan. Ang lugaw ay naghahalagang 35 piso, pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa Wolrld of Fun (WOF) sa grandmall at nag laro kami ng hulog piso na may katumbas na ticket na lalabas depende kung ilang piso ang nahulog at ang mga tickets na aming nakuha ay pinalitan na limang itim na pantali ng buhok at limang kendi naman,  lima naman kami sa aming grupo kaya tag iisa kami ng tali ng buhok at kendi. Masaya kaming naglalaro ngunit inasaisip rin namin na dapat masinop kaming gumastos ng aming pera kaya  kahit gusto pa namin ay itinigil na namin ang paglalaro at habang papunta na kami sa labasan ay napagdesisyunan namin na pumunta ng Mactan Newtown.

Sumakay kami ng tricycle papuntang Marigondon crossing dahil doon lamang pwede makasakay papuntang Mactan Newtown at ang pamasahe ng tricycle ay nag hahalagang 7 piso.

Pag dating namin sa Marigondon Crossing ay naghanap kaagad kami ng tubig dahil hindi pa kami naka inom pagkatapos naming kumain ng lugaw at alam naman namin na konti nalang ang aming pera ay hindi na kami bumili ng bottled water kundi naghanap kami ng hulog piso na tubig para maibsan ang pagkauhaw namin.

Sa ilang minuto naming paglalakad ay naka rating na kami sa sakayan ng mga Jeep at sumakay na papuntang Mactan Newtown ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang jeep na aming sasakyan ay may hangganan na parkmall. Kaya nag tanong kami sa isa't isa kong sa Mactan Newtown nalang ba o sa Parkmall, Sa Parkmall ang gusto ng lahat kaya doon na ang aming susunod na pupuntahan. Habang umaandar ang jeep ay ang isa naming ka grupo ay nag bigay na siya ng kanyang pamasahe na 20 piso sa pang dalawang tao pero sinauli ng driver ang 20 dahil sabi ng driver ay 18 piso ang pamasahe kaya nag tawanan kami lahat dahil hindi namin alam na 18 piso pala ang pamasahe akala namin na 9 piso lamang. Nag alinlangan kami na pupunta pa ba kami sa Parkmall o bababa nalang kami sa Mactan Newtown pero sabi ko sa kanila na pareho lamang kong bababa pa kami sa Mactan Newton kaya nag desisyon kami na sa Parkmall na talaga.
Habang nagbabyahe kami papuntang Parkmall ay nagkukwentuhan kami at ng maramdaman namin ang pagkabagut ay natulog nalang kami.Makalipas ang kalahating oras ng aming pagbabyahe ay nakarating na rin kami sa Parkmall.Pumasok na rin kami sa loob ng mall at wala lang naman kaming ginawa kundi mag libot libot.Habang nag lalakad kami ay sumakit ang aking tiyan at dahil dun nawalan ako ng gana para mag lakad lakad pa at napagdesisyunan namin na pumunta sa Merkado Opon.

Habang bumabyahe kami patungong Merkado ay tinulog ko nalang ang pagkasakit ng aking tiyan at kinapit ko ang aking kamay sa jeep at pinatung ko ang aking ulo sa aking balikat para maayos ang aking pagkatulog.Pagmulat ng aking mga mata ay nakita kong tinawanan akong  ng kondoktor ng jeep dahil napabitiw ang aking kamay at sumubsub ang aking ulo sa ibaba.

Binalewala ko nalang siya at natulog nalang ako ulit at makalipas ang ilang sandali ay nakarating na kami sa Merkado.Hindi ko na talaga matiis ang sakit ng aking tiyan kaya sinabihan ko na rin ang aking mga ka grupo na hindi ko na talaga kaya pinauna nalang nila akong umuwi at ang isa naming ka grupo ay hinatid ako sa sakayan ng mga tricycle at nag hintay na mapuno pa ang tricycle.


Sulit ang naging paglalakbay namin, madami akong natuklasan at natutunan sulit ang gastos at pagod. Akala ko hindi ganun kasaya ang magiging karanasan namin dahil hindi namin alam o wala talagang kaming wastong plano kong saan talaga pupunta. Akala ko wala kaming daratnan na ikakaligaya namin pero akala ko lang pala ang lahat. Basta isa lang ang alam ko, sulit ang aming paglalakbay. Maraming alaala ang nabuo sa araw na yun. 





Saan nga ba aabot ang aking isang daang peso?
                (Amrafe Marata)

Kaugnay sa aming asignaturang Filipino, kami ay inatasang mag-ekspiriminto kung saan ba aabot ang aming isang daang peso sa loob ng Lapu-Lapu City. Kahit wala pa kaming eksaktong lugar na pupuntahan ng aking mga kagrupo ay nagpasiya kami na magkita sa Grandmall Basak para doon ay  makapagplano at mapagdesiyunan talaga namin kung saan kami pupunta. Halos kaming lahat ay umabot sa grandmall  malapit na mag alas onse ng umaga kahit ang pinagplanohan ay ika-sampu ng umaga.
Pag-abot namin doon ay hindi muna kami pumasok agad-agad dahil sa may emergency na nangyari na kung saan ay nagkasunog daw sa basement ng grandmall kaya hinintay muna namin na  medyo kumalma ang pangyayari. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na kami at napagpasiyahan namin na bumili ng lugaw with chicharon dahil lahat kami ay walang kain sa umaga. Ang lugaw na aming kinain ay may halagang 35 peso at dito na nagsisimula ang pagasta namin sa aming pera. Lahat kami ay naiwanan ng 65 peso na lamang. Pagkatapos naming kumain ng napakasarap na lugaw dahil sa lahat samin ay ako lang ang may pinakamaraming ingredients na nagpapasarap ng  lugaw ay agaran kaming pumunta sa World of Fun. Dito gumastos na naman kami ng tag lilimang peso bawat isa at naglaro kami ng paborito kung laro yung hulog piso at may katumbas na ticket na lalabas depende kung ilang piso ang nahulog. Masaya kaming naglalaro ngunit inasaisip rin namin na dapat masinop kaming gumasta kaya  kahit gusto pa namin ay itinigil na namin ang paglalaro at habang papuntang labasan ay napagkasunduan namin na pumunta ng Newtown. Sumakay kami ng tricycle papuntang crossing na may pamasahe na pitong piso kaya ang natira sa aming pera ay 55 piso na lamang. Dahil sa alam namin na kapos na talaga kami sa pera ay hindi na kami bumili ng bottled water kundi naghanap kami ng hulog piso na tubig at dito naibsan ang pagkauhaw namin.
Habang kami ay nagalalakad papunta sa sakayan ng jeep  sa ilalim ng init ng araw pagkatapos naming uminom ay napagpasiyahan na talaga naming pumunta sa Newtown at Mactan Shrine ang aming desiyon ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang jeep na aming sasakyan ay may hangganan na parkmall. Minuto kaming nagdesiyon kung saan ba talaga kami pupunta hanggang sa huli ay parkmall na talaga. Dahil malayo pa ang parkmall at pagod ako noong araw na iyonat gustong-gusto ko na matulog sa jeep  dahil katatapos ko lang maglaba ay agad akong nagbigay ng pamasahe. Akala ko na walong piso lang ang pamasahe at dahil dalawang piso ang binigay ko ay sinabi ko na dalawa nang sabihin ng driver na saan ba kami hihinto at sinabi ko na parkmall. Napatingin siya sa akin at sinabing labing-walong piso ang pamsahe ng bawat isa sa amin. Medyo nahiya ako doon pero dahil may mga kagrupo akong kasama ay binaliwala ko nalang.
Sa Parkmall ay nagwindow shopping lang kami dahil ang perang natira sa amin ay 33 na lamang. Linibot naming ang buong parkmall. Marami akong nais bilhin ngunit hindi puwede dahil sa wala akong pera. Doon ko napagtanto na sobrang halaga ng pagtitipid at pag-iipon.
Sumunod naming pinuntahan ay sa Mercado, Opon. Dito ang iba sa amin ay pumunta sa simbahan habang ako at ang isang kagrupo naming ay pumunta sa sakayan ng tricycle dahil sumakit ang tiyan niya at gusto na niyang umuwi. Pagkatapos ko siyang samahan ay bumalik na ako sa mga kasama ko, naghintay ako ng ilang minute sa labas ng kanilang simbahan. At noong tapos na sila ay nagpasiya kami na kumain bago kami umuwi sa sarili naming bahay kasi pagod kami at gutom pa. Medyo natagalan kaming maghanap ng pagkainan na mura at may mesa na aming pwedeng kainan. Nung nakahanap na kami ng pagkainan na nasa tabi-tabi lamang ay bumili ako ng isang manok at tatlong puso na nagkakahalagang dalawamput-tatlong piso. Kumain kami ng may ngiti sa aming mga labi. Walang paki sa paligid at ninanamnam ang bawat subo ng pagkain.
Sa huli ay nagpaalam na kami sa isa’t isa dahil kasiya na lamang an gaming pera pamasahe pauwi. Doon nagtatapos ang napakasaya at napakabuluhang araw na ginawa ko kasama ang kagrupo ko sa Filipino na kung saan napagtanto ko na sobrang layo pala ng mararating mo sa isang daang piso lamang.




 Isang Daang Pisong Paglalakbay
Isinulat at nilakbay ni Marie France Gumahin

Sa paglalakbay ko sa Historic Resort City, ang siyudad ng Lapu-Lapu. Kasama ko ang aking mga kaklase, dala-dala ang tanong sa isip. Saan nga ba aabot ang 100 peso ko.
Sa napagkasunduan ng karamihan kami ay nagkita-kita sa Pueblo Verde (Tamiya) sa tapat ng 7/11. Sa pagsisimula ng aming paglalakbay, na isipan namin na pumunta sa Gaisano Mactan Island Mall, sa kasawiang palad bumuhos ang malakas na ulan kaya pumasok kami sa loob at habang palakad-lakad sa kami hindi maiiwasan ang gutomin. Sa 15 pesos ay naka bili ako ng isang napakamalaking plastik ng Popcorn. Habang kumakain, napansin namin na tila hindi na bumuhos ang ulan, napagpasyahan namin na pumunta sa City Hall, sapagkat ito ay malapit na malapit lang sa nasabing Mall, dumaan kami sa isang short cut, sa likod ng Gaisano. Pagkarating sa City Hall, may isang abandonang Play Ground kaming nakita at naglaro saglit, sa aming paglalaro may nakita kaming mga batang pulubi at kami ay kinarolingan nila. Sa pagpapatuloy ng aming paglaglalakbay may nakita kaming isang Public Library at agad naming itong pinuntahan ngunit ito ay sarado lang.
Sa di kalaunan kami ay nakapag desisyon na pumunta sa ilalim ng Marcelo Briones Fernan Bridge o mas kilalang New Bridge upang magpapahangin, makapaglaro at makapaglibang ng kahit konti. Habang kami ay naglalakad papunta dun, nakakita kami ng Piso-piso Tubig Machine at kami ay dali-daling uminom sapagkat kaming lahat ay nauuhaw na. Sa aming pagpapatuloy sa paglalakad nakita na namin ang monumento ni Marcelo Briones Fernan at ito na nga ay sinyales na kami ay nakarating na sa aming papatunguhan, agad kaming nagpakuha ng litrato sa nasabing monumento at nag patuloy sa paglalakad hanggang sa naabot namin ang ilalim na parte ng tulay. Biglang bumungad sa amin ang napakamaganda at napakamalinis na playground, at dun muna kami nagpalipas ng oras. Ang ilalim ng tulay ay napakamaganda at nagdadag pa ng kagandahan nito ay ang mural na naka pinta sa mga haligi ng tulay. Saktong alas 12 napagisipan naming na sa ilalim nalang ng tulay kumain, sa 35 pesos ko busog na busog ako sa pagkain ng baboy at Puso. Pagkatapos kumain napagisipan namin na pumunta ng Mactan Shrine upang makapaglanghap ng masarap at preskong hangin. Pagdating sa Mactan Shrine nakakita kami nga isang tinderang nag titinda ng manga, singkamas at papaya, agad agad naman kaming bumili. Nilibot naming ang Mactan Shrine, usap-usap ng konti habang kumain at nagseselfie, pagkatapos naglibang sa Mactan Shrine naisipan naming na magpalamig muna. May nakita kaming isang 7/11 sa Mactan at dun nagpalamig, habang kami ay kumakain at naglalakad palabras ng Mactan napagtanto naming na umuwi na.
Sa aking isang daan, may natira pa akong 40 pesos pamasahe pauwi. At dahil sa aking isan daan nalibot ko na ang isa sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan ang Marcelo Fernan Bridge at napagtanto ko na hindi ko na kailangan pumunta ng ibang lugar upang humanap ng mga magagandang lugar at tanawin dahil ito ay nandito na sa aking lupang sinilangan.













Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

BIONOTE: Cristina Magalang Bering

Cristina Magalang Bering Sikap at Pursige Bionote ni Cristina Magalang Bering Isang babae na simbolo ng tunay na pagsisikap, pagp...