Biyernes, Setyembre 22, 2017

BIONOTE: Cristina Magalang Bering

Cristina Magalang Bering
Sikap at Pursige
Bionote ni Cristina Magalang Bering

Isang babae na simbolo ng tunay na pagsisikap, pagpupursige at pananalig sa panginoon; Cristina Magalang Bering.

Si Cristina magalang Bering ay 46 anyos, kasalukuyang nakatira sa Graceland 1,Buaya Lapu-Lapu City. Ipinanganak noon ika-27 ng Hunyo taong 1971. Ang kaniyang asawa ay si Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang at isang Mechanical Engineer na nagtratrabaho sa Saudi na dati niyang katrabaho. Mayroon silang dalawang anak, sina Mary Siadah Bering, isa na ngayong purchaser sa Qatar at Belinda Isabel Bering, isang mag-aaral ng Asian Learning Center,Pajo Lapu-Lapu City.

Bago pa siya pumunta sa Lapu-lapu upang magtrabaho, sa Lutupan, Toledo siya naninirahan. Doon niya rin tinapos ang pag-aaral mula elementarya hanggang hayskul. Nagtapos siya ng kursong Airline Mananagement sa Cebu Christian College. Pagkatapos ng pag-aaral,taong 1991 agad siyang nagtrabaho sa Phil Tonan Corporation-Mepz 1, Pusok Lapu-Lapu City bilang isang purchaser. Bagamat malayo sa pinag -aralan, tumagal siya ng 25 taon sa pinagtrabahuhan.

Sa kabila ng magandang trabaho, hindi niya pa rin nakakamit ang tunay niyang minimithi. Kaya, napagdesisyunan niyang tumigil at magtayo ng sariling negosyo. Taong 2016, natanggap niya ang separartion fee mula sa kompanyang pinagtrabahuhan at ginamit bilang puhunan. Sa awa ng Diyos, matagumpay niyang nasimulan ang sariling canteen noong ika-7 ng Hunyo taong 2016. Sa Lapu-Lapu City College nagsimula ang panibagong yugto ng kaniyang buhay. 

Setyembre ng parehong taon, nakatanggap siya ng bagong oportunidad. Ang Be Resort Hotel sa Mactan, Engaño sa siyudad ng Lapu-Lapu ay nais na siya ang maging opisyal na hahawak sa canteen ng mga empleyado. Nag-aalinlangan man dahil sa kakulangan ng kagamitan at kasisimula pa lamang ng negosyo niya sa LLCC, tinanggap niya pa rin ang alok ng Be Resort Hotel. Hanggang sa kasalukuyan, ay maganda ang takbo ng kaniyang negosyo doon.

Ayon sa kaniya, naging maganda ang takbo ng kaniyang buhay dahil sa gabay ng Panginoon. Sa kabila ng tagumpay, hindi niya nakakalimutan ang magpasalamat sa pamamagitan ng pagiging biyaya sa mga taong nasa paligid niya. Mula sa mga empleyado niya, pamilya, kaibigan o kakilala, paliwanag niya na “maging biyaya sa iba kapalit sa mga biyayang natanggap mula sa Panginoon. Ang taong hindi madamot, hindi mahihinto ang biyaya.

Pagsisikap, pagpupursige at pananalig sa Diyos, isama na rin ang paniniwala sa sarili, ito ang mga naging puhunan niya upang magtagumpay.



-Chariza F. Genon

                                                                                                                                                                            




Talambuhay ni Christina Magalang Bering
­­
            Si Christina Magalang ay ipinanganak noong Hunyo 27, 1971 sa probinsya ng Masbate at siya ngayon ay may gulang na 46 na. Siya ay naninirahan ngayon sa Grace Land 1, Lapu-Lapu City. Siya ay may dalawang anak na babae na ngayon na sina Mary Siedahna na 25 taong  gulang  at Belinda Isabelle na 16 taong gulang na. Ang kanyang asawa na si Ignacio Dungog Bering na 59 taong gulang, ay isang mechanical engineer na ngayon ay nasa Saudi nagtatrabaho. Ang panganay na anak ni Christina na si Mary Siedahna ay nagtatrabaho nasa Qatar na nagtapos sa kursong  Business Management at ang bunso na si Belinda Isabelle ay nag-aaral sa Asian Learning Center ng kanyang ika-10 na baiting sa High School.
            Si Christina Magalang Bering nag-aaral sa Don Andres Solano School noong elementarya at high school sa ay sa Don Andres Solano School parin na matatagpuan sa Toledo City. Sa kolehiyo ni Christina, kinuha niya ang kursong Airline Management sa Cebu Christian College. Pagkatapos niyang mag-aral ng kolehiyo ay nagtrabaho siya bilang isang rack and fine sa simula ngunit dumaan ang ilang taon siya ay nagging purchaser ng Philippine Tonan, Mepz 1 sa loob ng dalawampu’t-limang taon
            Habang nag tatrabaho pa si Christina ay may nag-alok na sa kanya ng isang negosyo sa loob ng Science and Technology Education Center sa College canteen. Sa pagtayo niya ng kanyang negosyo ay ginamit niya ang kanyang separation fee sa pinagtatrabahoan niya noon. At ngayon na bigyan siya ng bagong biyaya sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño.
            Ngayon patuloy siyang binibigyan ng mga biyaya  na kaloob ng Diyos. At bilang pasasalamat ay binabahagi niya ang kanyang mga biyaya sa iba.

-Carol Jane C. Apawan

                                                                                                                                                            


Talambuhay ni Christina Magalang Ignacio
(Regine Lace A.Panuncia ABM Pounds)

Si Christina Magalang Ignacio ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong ika-27 ng Hunyo, 1971. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Graceland 1, Buaya, Lapu-Lapu City kasama ang kanyang pinakamamahal na pamilya. Si Ignacio Dungog Bering, isang Mechanical Engineer, ang kanyang naging asawa na noo'y nakatrabaho niya sa Saudi Arabia. Sila ay binayayaan ng dalawang anak na pinangalanan niyang Mary Siadah Bering, ang panganay, na ngayon ay isang purchaser sa bansang Qatar at Berlina Isabel Bering, ang bunso, na isang mag-aaral sa Asian Learning Center, Pajo, Lapu-Lapu City na nasa ika-10 baitang.
Siya ay lumaki sa Lutupan, Toledo at nakapagtapos siya ng pag-aaral mula elementarya patungong hayskul sa Don Andres Solano School. Sa kolehiyo naman, kumuha siya ng kursong Airline Management sa Cebu Christian College. Taong 1991, siya ay lumipat sa Lapu-Lapu City at nakapagtrabaho siya bilang rack and fine sa Philippine Tonan Corporation-Mepz 1, Pusok, Lapu-Lapu City at sa kalauna'y naging purchaser kung saan siya ay nakapagtrabaho ng 25 taon.
Sa taong 2016, siya ay nakatanggap ng lubos-lubos na biyaya sa Panginoon. Sa kanyang pawis at dugong kanyang inilaan sa pagtatrabaho, sa huli'y nakapagtayo din siya ng kanyang sariling school canteen noong ika-7 ng Hunyo, 2016 sa Lapu-Lapu City College na siya namang kanyang pinakamimithi. Noong Setyembre sa parehong taon, biniyayaan siya na makapagtayo ng bagong negosyo bilang canteen  sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño.
Hindi matatawiran ang mga nakamit ni Christina, at lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa mga biyayang ito. At sa kasalukuyan, ang kanyang mga tagumpay ay pinamamahagi niya rin sa iba.

Cristina Magalang Bering : TAGUMPAY

-Junisa Rose Fuentes





Si Cristina Magalang Bering, may-ari ng Canteen sa Lapu-Lapu City College, ay isang masipag at kahanga-hangang babae pagdating sa larangan ng negosyo. Siya ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong Hunyo 27, 1971. Ang kanyang kabiyak na si Ignacio Dungog Bering ay 59 na taong gulang at isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi bilang Chemical Engineer. Dalawa ang kanilang anak at sila ay si Mary Siadah Bering, na ngayo'y purchaser sa Qatar, at si Belinda Isabel Bering, na nag- aaral sa Asian Learning Center, Pajo Lapu-Lapu City.

Naninirahan si Ginang Bering sa Lutupan, Toledo noon. Sa Lutupan din siya nakapagtapos ng elementarya at hayskul. Siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa Cebu Christian College ng kursong Airline Management. Taong 1991, nakapasok siya sa kompanyang Phil Tonan Corporation-Mepz 1, Pusok Lapu-Lapu City bilang isang pusher. Kahit mahirap daw, nagsikap siya at tumagal ng 25 taon sa kompanya.

Kahit na maganda na ang disposisyon sa buhay, hindi parin naging sapat sa loob ni Bering na siya ay habang buhay na maging empleyado lang kaya naisip niyang tumigil na at magtayo ng sarili niyang negosyo. Nang matanggap na ang kanyang separation fee, agad niya itong ginamit upang ipang puhunan sa kanyang gagawing nenegosyo.

Sa taong 2016, maraming biyaya ang kanyang natanggap. Una, noong ika-6 ng Hunyo, nagtagumpay si Gng. Bering at nasimulan na niya ang kanyang sariling canteen sa LLCC. Pangalawa, noong Setyembre, ang Be Resort Hotel sa Mactan, Engaño ay ninais na siya ang opisyal na humawak sa canteen ng mga empleyado. Wala mang katiyakan na magiging maayos ang takbo ng negosyo, tinanggap niya ang alok ng Resort kahit nangangapa pa lamang at kahit na kakasimula palang ng kanyang negosyo sa LLCC.

Matagumpay si Gng. Bering at naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo, naging maganda din daw ang kanyang buhay sa tulong ng Diyos. Lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa paggabay at sa pagbigay ng mga biyaya sa kanya kaya hindi rin siya nakakalimot na magbigay sa kapwa. Sabi pa nga niya, kahit sino paman daw, ay dapat mabigyan ng biyaya kung ikaw ay pinagpala, kung ikaw ay hindi madamot, hindi rin hihinto ang mga biyayang darating sa iyo.


Sa mga karakter ni Cristina Magalang Bering, makikita ang isang babaeng malakas, masipag, hindi madaling napanghihinaan ng loob, may takot sa Diyos at may positibong pananaw sa bukas. Lahat ng kanyang mabubuting karakter ang naging sandata at pananggala niya upang makamit ang tagumpay sa buhay.





                            Talambuhay ni Christina Magalang Bering 
                                    (Amrafe Marata)




Ipinanganak noong Hunyo 27, 1971 si Christina Magalang Bering  na ngayon ay may gulang na 46. Siya ay naninirahan ngayon sa Grace Land 1, Lapu-Lapu City. Siya ay may asawa at sila ay nagbunga ng dalawang anak. Ignacio Dungog Bering, ang kaniyang asawa ay isang mechanical engineer na ngayon ay nasa Saudi. Ang panganay ay nagngangalan na si Mary Siedah na may edad na 25 ngayon ay nagtatrabaho na sa Qatar na may nagtapos sa kursong  Business Management at ang bunso naman ay si Belinda Isabelle na may edad na 16 taong gulang  ay nag-aaral sa Asian Learning Center.
 Siya ay nag-aral ng elementarya at high school sa Don Andres Solano School na matatagpuan sa Toledo City at nagpatuloy ng kolehiyo sa Cebu Christian College. Sa tulong ng Panginoon siya ay nakapagtapos ng kolehiyo na may kursong Airline Management. Pagkatapos ay agad siyang nagtrabaho bilang rack and fine sa simula ngunit kalaunan ay naging purchaser sa Philippine Tonan, Mepz 1 ng dalawampu’t-limang  taon.
Habang siya ay nagtatrabaho pa bago siya magretiro sa kaniyang trabaho ay nag-umpisa siya sa kaniyang College Canteen na matatagpuan sa STEC Campus. Ang ginamit niyang pera pagpatayo niya ng business ay ang kaniyang separation fee. Binigyan siya ng bagong biyaya ng Panginoon pagkatapos  niyang magretiro dahil sa taong din iyon sa Be Resort Hotel, Punta Engaño .  Lahat ng  biyayang kaniyang natanggap ay kaniyang iniisip na hindi kaniya kundi sa Panginoon at kailangan niya itong ipamahagi sa iba.
Bilang pasasalamat niya sa Panginoon sa lahat ng biyaya na ibinigay nito ay binabahagi niya ang kaniyang biyaya sa iba. Hindi matawaran ang lahat ang biyaya na ibinigay ng Panginoon hindi lang sa kaniya pati na rin sa kaniyang pamilya lalong-lalo na sa kaniyang panganay na anak na sa batang edad pa lamang. Ang kaniyang motto sa buhay ay “ Be a Blessing to Others”.





CANTEEN; TAGUMPAY
Ni: Marie France A. Gumahin

 
Ang isang babaeng nagsipag, nag pursige, nagtiwala sa diyos at ang ngayo’y nagmamay-ari ng isang Canteen sa Lapu-Lapu City College, Cristina Magalang Bering. Siya ay 46 na taong gulang at ipinanganak noong Ika-27 ng Hulyo, 1971. Siya ay nakapagpangasawa ng isang Chemical Engineer at ngayon ay nagtatrabaho sa Saudi bilang OFW, si Ginoong Ignacio Dungog Bering, 59 taong gulang. Bunga ng kanilang pagsisikap meron silang dalawang anak na sila si Mary Siadah Bering isang purchaser sa Qatar ar si Belinda Isabel Bering isang Senior High Student sa Asian Learning Center, Pajo, Lapu-Lapu City.

Si Bering ay lumaki sa Lutupan, Toledo at sa Don Andres Solano School naman siya nakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya at Hayskul. Si Bering ay isang Airline Management graduate kung saan kinuha niya ang kanyang kurso sa Cebu Christian College. Nagtrabaho siya bilang Rack and Fine sa Philippine Tonan Corporation sa MEPZ 1, Pusok, Lapu-Lapu City noong 1991.

          Bunga ng kanyang dalawampu’t limang taong pagsisikap at pagpupursegi sa trabaho sa Philippine Tonan Corporation, naisipan niyang tumigil. Sa kanyang Separation fee na natanggap, ito ay ginawa niyang pangpuhunan sapag nenegosyo, at ito ng ang Canteen.  Sa taong 2016, Ika-7 ng Hunyo, nabuksan niya ang kanyang pinakaunang Canteen at sa Setyembre sa parehong taon nakapagtayo rin siya ng bagong canteen sa Be Resort Hotel sa Punta Engaño, Mactan. Naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo at nagging maganda rin ang takbo ng kanyang buhay. Lubos ang pasasalamat ni Bering sa ating Panginoon sa paggabay at pagbigay ng biyaya sa kanya.

Si Cristina Magalang Bering ay isang halimbawa ng isang babaeng Masipag, Mapursige, May takot sa diyos  at babaeng may positibong pananaw sa buhay. Bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya na kanyang natanggap galing sa Panginoon, ito ay kanya ring ibinabahagi sa kanyang kapwa, ika pa nga niya “Be a blessing to others”.







Martes, Setyembre 19, 2017

Posisyong Papel

PRO: Paghimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Posisyong Papel
(Chariza Genon at Junisa Rose Fuentes)


Taong 2016, matagumpay na naipaglaban ng pamilya Marcos ang karapatan ng dating Diktador na mailibing sa libingan ng mga bayani (LNMB). Kalakip sa pagkalibing ni Marcos, may mga isyung umuusbong patungkol sa mga naganap sa  panunungkulan ng Diktador. (ABS-CBN)

“Dapat nga bang ihimlay si Marcos sa libingan ng mga bayani?”, ito ang tanong ng karamihan nang malamang pumayag na ang kasalukuyang pangulo na ipalibing ang Diktador sa himlayan ng mga bayani.

  Ayon kay Rose Carmelle Lacuata , tinatawag na “bayani” ang mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya, o ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap. Karaniwan na nating tinatawag na “bayani” ang mga kababayan nating OFW na nagtitiyaga sa ibang bansa matulungan lamang ang kanilang mga pamilya. Para sa maraming mga Pilipino, maging ang mga mukha na ating nakikita sa ating mga pera ay sa mga taong maaari ring ituring na mga bayani.(ABS-CBN) 
Subalit, ang depinisyong ito ay hindi sapat upang kumatawan sa tinatawag na ‘Bayani’. Karaniwan sa mga Pilipino, ang karakter nina Jose Rizal o Andres Bonifacio, kabilang rin ang mga aktibo at retiradong sundalo, mga pangulo, mga chief of staff ng Hukbong Sandatahan, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, mga awardee ng Medalaya ng Kagitingan, at mga Pambansang Alagad ng Sining at Agham, ang batayan upang masabi na bayani ang isang tao. Sa ganitong konteksto, pasok na pasok sa listahan ng mga bayani ang dating Diktador.
Sa kabila ng mga negatibong komento patungkol sa dating diktaturya, nararapat paring ilibing si Marcos sa LNMB. Nakasaad sa Republic Act (RA) 289,”An act providing for the construction of a National Pantheon for Presidents of the Philippines, National Heroes, and Patriots of the country: Section 1.    To perpetuate the memory of all the Presidents of the Philippines, national heroes and patriots for the inspiration and emulation of this generation and of generations still unborn, there shall be constructed a National Pantheon which shall be the burial place of their mortal remains.”. Pangangatwiran ng kasalukuyang pangulo na sinusunod lamang ang batas sa pagbitiw ng desisyong ilibing si Marcos sa LNMB - “Bagamat hindi maituturing si Marcos bilang bayani, naging isa  parin itong sundalo.” Dagdag pa ng pangulo, “ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani ay bilang sundalo at pangulo, hindi bilang bayani.”

Sa dalawampung taon na panunungkula, maraming nagawa si Marcos para sa bansa. Ayon kay Santos, nakapagpagawa ang diktador ng higit kumulang dalawampung Power Plants, siyam  na kilalang tulay sa Pilipinas, nakapagpatayo ng mahigit isang-daang unibersidad, pabahay para sa mga mahihirap at iba’t ibang reporma para sa edukasyon, agrikultura, kalakal, kalusugan at marami pang iba (Beaches). Batay sa blog ng Social Engineers “ang programang "Masagana 99" ang naglunsad ng bagong paraan sa pagsasaka at pag-unlad ng agrikultura. Pinagbuti ng dating pangulo ang proyektong turismo at pangkultura sa Pilipinas. Sa panahon din ng diktador napagbuti ang pagpapagawa ng mga kalsada, tulay, at proyektong imprastraktura.Sa kabila ng mga kontrobersiya o panmamalabis ng militar sa kanyang panunungkulan, hindi maitatangging si Marcos lamang ang nakapagpagawa nang ganyan karami sa bansa. Sapat laman ito na dahilan upang mailibing ang dating pangulo sa LNMB.

Nararapat lamang na ihimlay si Marcos sa libingan ng mga bayani. Bukod sa isa siyang dating presidente, napakarami ring nagawa ng diktador pa ra sa bansa. Hindi man katanggap-tanggap ang paraan ng pamamalakad, marami mang namatay sa kaniyang panunungkulan, at higit sa lahat marami ang nagdusa, ngunit karapatan ng dating pangulo na mailibing sa libingan kasama ang kapwa niya dating mga pangulo.

Ang pagpayag din sa usaping ito ay hindi bilang pagpanig sa mga Marcos, kundi bilang isang mamamayan na tanging gusto ay makalimutan ang pait ng nakaraan. Para na rin ito sa ikabubuti ng sambayanan. Walang mangyayari sa bansa kung hindi uusad ang mga Pilipino at patuloy sa pagtingin sa kahapon.


                                                                                                                                                                              




Kultura: Nakakalitong Pagkakakilanlan
(Carol Jane Apawan & Jinky Balaod)

          Ang kultura ay siyang sumisimbolo sa isang pagkakakilanlan  ng tao o bansa at ito ay binubuo ng lahat ng ating kaalaman. Ang ating kultura din ang nagbubuklod at gumagabay sa ating mga Pilipino. Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika, at pamahalaan. Ito ang batayan sa ating pagkakakilanlan bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa dinami dami ng kulturang naglipa na ngayon galing sa ibang bansa, kailangan pa ba nating sumunod ditto para matanggap sa lipunan? Ano ang epekto ng mga kulturang ito sa ating sariling kultura?
          Ang bansang Pilipinas ay napapaligiran ng iba’t ibang mga banyagang kultura, naglabas masok ang mga kultura ng Korea, Amerika, Japan, atbp. Sa kasalukuyan, mas umangat ang pagkahilig ng mga Pilipino sa kultura ng Korea. Nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga tema at mga estilo ng mga Korea sa kanilang mga palabas, pananamit, pagkain at lingguwaheng ginagamit sa pakikipag-usap.
          Nadagdagan ang ating kultura ng dahil sa pagsunod ng mga taosa mga banyagang kultura galing sa ibang bansa ngunit hindi kailangang sundin ang lahat dahil maari ito ang magiging daan sa pagkaunti-unting pagkawala ng ating sariling kultura. Hindi naman kailangang makibagay sa uso ng panahon para lang mataggap sa lipunan. Walang masama sa pagtangkilik ng ibang kultura ngunit dapat ding isaalang-alang ang mga limitasyon na maaring magdulot sa masamangepekto tulad ng pagkalimot ng  tao sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ayon pa nga sa isa sa mga author sa pinterest, “You are what you do, not you say you’ll do,” ito ay nangangahulugan na kung ano ang galaw or ginawagawa na ng isang tao, yun ang magsasabi kung ano talaga ang isang tao.
          Sa makabagong henerasyo, ang mga pamanang lahi galing sa ating mga ninuno ay tila unti-unti nang bumabaon sa limot. Ayon sa Ethnic Group Philippines, 90% sa populasyon natin ngayon ay mga Christian na kung saan may maraming mg atradisyon at kulturang sinusunod ayon sa mga paniniwalaan. Ngunit kadalasan ngayon, tuwing may kapistahan mas inuuna pa ng mga tao ang pagluluto ng mga handa, pag-iinom, at paggagala kaysa sa pagsisimba at pagdadasal. Nakakalungkot ang mga pangyayaring ito dahil dapat ang mentalidad ng mga Pilipino ay nawala na.

          Sa paglipas ng panahon, tila paunti na nang paunti ang mga Pilipinong nagmamahal sa ating sariling kultura. Ang pagbili ng mga kagamitang imported, maling pagtatapon ng basura at di mabilang na pagpapatayan ay tila nangingibabaw n sa ating bansa ayon kay Carl Sanchez. Kailangan na pangalagaan ang kultura dahil ito lamang ang tanging yaman na ibinigay n gating mga ninuno at maibibigay natin sa susumod na henrasyon. Kailangan na mas bigyan naitn ng pansin ang sariling kultura at ang sariling atin kaysa sa iba dahil ito ang magiging gabay tungo sa kaunlaran ng isang bansa. Sabi nga ni Gat Jose Rizal, “ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.”
                                                                                                                                                                              



Filipino: Noon at Ngayon
Posisyong Papel nina:
Regine Lace A. Panuncia at Zaira I. Magtolis


             Sa paglipas ng panahon, lumilipas na rin ang mga noo'y nakasanayan ng mga Pilipino. Sa pagsakop ng iba't ibang lahi sa bansa, nahango na rin ng mga Pilipino ang kultura at kaugalian ng ibang bansa. Ang impluwensiya ng mga banyaga ay napakalakas na nagdulot ng pagkabago sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino.

             Naitala na sa kasaysayan na ang mga Pilipino ay likas na may kayumangging balat, itim at tuwid na buhok, mala-tsokolating mata, pandak at sarat ang ilong, ayon sa Philippine-History.com.

             Sa kasalukuyan, ang mga Pilipino na ay may halong dugong banyaga dahil sa pagkakahalo ng iba't ibang lahi. Ayon kay Root (1997), "ang mga Pilipinong may halong iba't ibang lahi ay hindi nabibilang sa anumang lahing dumadaloy sa kanilang dugo".

             Higit pa rito, naimpluwensiyahan din ng mga banyaga ang mga kilos ng mga Pilipino tulad ng sa pagkain at pananamit. Mas tinatamasa na ng mga Pilipino ang mga pagkaing pandayuhan ngayon katulad ng pagkain ng "spaghetti, burger, hotdog", at iba pa. Ang napakamahinhin,  napakamahiyain at nagsusuot ng konserbatibong kasuotan na mga kababaihan noon, ngayon ay napakamadaldal na at nagsusuot ng maiikling damit. Kung noon ay nagsusuot lamang ang mga kalalakihan ng kakaunting piraso ng damit pang-ibaba, ngayon ay nagsusuot na ng mga pantalon at shorts. Maliban pa rito, naimpluwensiyahan na rin ang mga Pilipino sa wika na pinatutunayan ng paglitaw ng conyo language, wikang panlansangan at halong wikang pambanyaga at Filipino.

             Gayunpaman, kahit pa na may halong ibang lahi ang dugo ng karamihan sa mga Pilipino, hindi pa rin maiaalis ang likas na kulturang Pilipino na patuloy pa ring dumadaloy sa kanilang dugo. Hindi pa rin nawawala ang mga katangiang likas ng mga Pilipino katulad ng  pagkamarelihiyoso, pagkamagiliw sa panauhin, pagkamagalang, pagkamasipag at pagkamalapit ng mga Pilipino sa pamilya.

             Bukod dito, ang Pilipinas rin ay mas kilala sa pakikipagkapwa kaysa sa ibang mga bansa sa Asya. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Constituency (PERC) noong 2006, "nangunguna ang mga Pilipino sa paghahalubilo sa buong Asya".

             Sa pangkalahatan, nabago man ang ibang kultura, nakasanayan at kinaugalian ng mga Pilipino dahil sa impluwensiya ng mga banyaga sa kasalukuyang panahon, mayroon pa ring mga katangian na nanatili at mananatili sa mga Pilipino. Magkahalo-halo man ang dugo ng mga Pilipino sa iba't ibang lahi, patuloy pa rin na dumadaloy sa puso at mananatili sa isip ng mga Pilipino ang katangiang Pagka-Pilipino at pagkamaka-Pilipino.

                                                                                                                                                                 


SCARBOROUGH SHOAL: Wag Angkinin!!
(Vanessa Menguito & 

Ang Pilipinas ay isa sa mga kilalang maraming Likas na Yaman at kilala sa magagandang Isla at iba’t ibang pandarayuhang lugar. Ang mga magagandang tanawin at Isla ay kadalasang ginagamit sa pangkabuhayan ng mga tao dahil sa mga dayuhang pumupunta dito.
Maraming mga malalaking isyu ang nagaganap sa Pilipinas ngayon, isa na dito ang Scarborough Shoal, kawalan ng mga Pilipino ng karapatan sa Likas na Yaman at negosyo sa ating bansa. Ang Scarborough Shoal na matatagpuan sa Dagat Timog Tsina o Dagat Kanlurang Pilipinas ay pinag-aawayan ng dalawang bansa ngayon. Dahil sa pag aagawan ang problemang ito ay umabot sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at doon napag pasyahan na nasa Pilipinas talaga nasasakop ang Scarborough Schoal. Pero hindi talaga nag patalo ang mga tsino sa kanilang maling paniniwala Na sa kanila talaga nasakop ang islang ito. Dahil nga ang kanilang ninuno daw ang nakadiskobre sa lugar na ito. Sa ngayon ay nagpatayo na ang mga tsino ng mga  gusali doon sa isla.Dati mayroon paring mangingisda ang nangingisda sa isla pero tumigil narin sila dahil delikado sa kanila ang pumunta doon. Lumulubha na ang sitwasyon sa bansang China at Pilipinas dahil nga sa islang ito dahilan upang ang kanilang kalakalan ay humi na.Ang mga produkto ng Pilipinas ay hindi tinatanggap ng mga tsino.Wala naman tayong magagawa kung hindi nila tatanggapin ang mga produkto dahil hindi naman tayo ang mawawalan. Pero matapos ang ilang buwan ay nakipag sundo ang ating pangulo sa emperador ng China.At napag kapagka sunduan nila na pwede ng mangisda ang mga mangingisda doon pero mayroong partikularng lugar ng isla.Masakit sa ating kalooban na dati ay nakakapangisda ng malaya ang mga mamamayan ng Zambales pero ngayon ay nililimitahan nalang ng mga tsino sa paniniiwala nila na sa kanila nasasakop ang islang Shoal.
“This is no trivial issue. It threatens the collapse of the South China Sea ecosystem and raises the prospect of regional food shortages. China badly depleted its traditional fishing areas and now expropriates areas that other nations rightfully access. The Global Commons shrinks. Far from leading any international effort to preserve the marine resources of the South China Sea, China stands harshly criticized in the UN Permanent Court of Arbitration judgement for “permanent and irreparable harm to the coral reef ecosystem”. The United States` new mid-Pacific marine sanctuary recently announced by President Obama is important-provided we can enforce it but it will not compensate for the devastation of the South China Sea Ecosystem.” 
Dapat talagang mag kaisa ang mga mamamayan ng isang bansa para ma risulba ng mabilis ang mga isyo at problema.Hindi kasi sa lahat ng bagay ay pwede mo itong soluhin.Kailangan mo rin ng mga taong papayo,gagabay at magpapalakas loob sayo. At papasalamatan mo rin ang problemang dumating sa buhay dahil naging isa kayo ng kapwa mo. Akala mo dati ay wala silang paki sayo pero sa pamamagitan ng problema o isyong pinagdaraan ay mararamdaman natin na andito lang siya na tutulong sayo kahit anonbg mangyari. Katulad nalng ng mga mamamayan sa isang bansa kung wala ang problema sa kanilang bansa ay hindi nila maiintindihan ang isa’t isa, kahit mag kaiba paman sila ng mga relihiyon iisa parin ang kanilang mithiin.


Basahing Tinukoy:
France-Presse,Agence.“5 facts on Scarborough Shoal“ABS-CBN, 6 Feb.2017, news.abas- 
cbn.com/news/02/07/17/5-facts-on-scaborough-shoal.
Gregson,Wallace C., et al.”China Is Dominating Scarborough Shoal. Here`s Why its
Matters.”Thef National Interest, The Center for the National Interest.  
Woody, Christopher. “China and the Philippines have Tuirned  the Corner on One of the
Their Biggest Disputes, but the path Ahead Is Nuclea.” Business Insider, 31 Oct. 2016.

________________________________________________________________________________

Same-sex  Marriage: Huwag Pahintulutan!
(Amrafe Marata and Dorra Mae Dosdos)
Kasal, napakagandang pakinggan sapagkat dito nakukuha ang pinakamabuluhang  basbas na kailangan. Ang kasal ay ang  pag-iisang dibdib ng lalaki at babaeng nagmamahalan. Sa pagkakaalam ng karamihan ito ay binubuo ng dalawang taong magkasalungat ang kasarian, hindi para sa mga taong magkatulad ang kasarian. Sa panahon ngayon, ang same-sex marriage ay isyu na ng karamihan. Ang tanong, kailan ba naging makatarungan ang “same- sex marriage”? Kailangan pa bang ipatupad ito? Ano ang maaring maidulot nito sa mga taong kasangkot dito?
Lahat ng taong nagmamahalan ay nangangarap na makasal upang makakuha ng basbas ng Panginoon. Sa usaping ito kung pagbabasehan natin ang Bibliya, hindi ito katanggap-tanggap. Ayon kay Crystal Lombard, “the traditionally defined marriage is between a man and a woman, same sex marriage is against what the bible teaches, so it is sac religious two marry two man or women into a religious sanction.”  Kung hindi ito katanggap-tanggap bakit pa kailangan magpakasal kung sa simula pa lang ay alam mo ng bawal ito sa mga mata ng Panginoon.
Ang pagpapakasal ay kinakailangan upang ang isang pagsasama ay mabigyan ng bendisyon na nangagaling sa simbahan. Sa pagkakaroon ng bendinasyon, makakatulong ito upang ang isang pamilya ay mamuhay ng matiwasay. Sa Pilipinas, ang pagpapakasal ng nagmamahalan na babae at lalaki ay kinakailangan sapagkat dadalhin ng magiging anak nila ang apelyido ng lalaki. Babae at lalaki , ito talaga ang magkasintahan na dapat magpakasal sa mata ng Panginoon, ng Diyos, at ng karamihan.
Bukod pa dito ang rason na dapat hindi ipatupad  ang same-sex marriage ay dahil karamihan sa HIV o AIDS na sakit ay nabubuo sa mga third sex  .Ayon nga sa Centers for Control and’ Prevention “Gay and bisexual men are more severely affected by HIV than any other group .” Kung papayagan natin itong mangyari ay mas dadami at mas lalong lumala ang  kaso ng sakit na ito.
Isa pang dahilan kung bakit magpapakasal ang dalawang taong nagmamahalan ay dahil gusto nitong bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak. Ngunit sa same-sex marriage na isyu hind sila makakabuo ng anak kaya mag-aampon na lamang sila ngunit ito ay may kaaakibat na problema. Ayon sa Yale Child Study Center psychiatrist Kyle Pruett reports that children of IVF often ask their single or lesbian mothers about their fathers, asking their mothers questions like the following:"Mommy, what did you do with my daddy?" "Can I write him a letter?" "Has he ever seen me?" "Didn't you like him? Didn't he like me?". Dito mahihinuha natin na mas gusto talaga ng mga bata ang Mama at Papa.
Ang pagkakaroon ng same-sex marriage ay hindi nararapat na ipatupad sapagkat salungat ito sa mata ng nakakarami. Kung ito ay ipatupad maari ngang magsama ang dalawa ngunit hindi maiiwasan na maaaring maghanap ng anak ang magkasintahan. Sa ganoong pangyayari maaring ito ang pagsimulan ng away at hindi pagkakaintindihan na hindi naman maganda sa isang relasyon.
Lahat ng tao ay may karapatan ngunit bawat karapatan ay may limitasyon kaya kahit gaano kalaki ang pagmamahal ng isang tao kinakailangan na alamin kung makakabuti ba ito sa dalawa. Ayon nga sa Same Sex Couples and Civil Rights in the EU, “It makes no sense to talk about in this context if that were the case, polygamous or incestuous marriages would to be legalized too. There are always limits tor rights.” Malaki ang kapangyarihan ng simbahan sa pagkakaroon ng batas  dito sa Pilipinas kaya hangga’t sa  maaari ang ganitong panukala ay hindi ipatupad.

  
Ang Karapatan ng pag-angkin ng Pilipinas sa Scarborough Shoal
Posisyong Papel nina: Marie France Gumahin at Jullian Ocon

Ang Scarborough Shoal ay matatagpuan sa Isla ng Luzon sa probinsya ng Zambales na may 220 kilometro ang layo. Sa Pilipinas, Bajo de Masingloc at Panatag ang tawag sa Scarborough Shoal o Huangyan Island naman sa China na may 650 kilometro ang layo mula sa probinsya ng Hainan, China. Sa pagitan ng dalawang bansa, Pilipinas at China, ang pagbibigay lakas sa bawat bansa na makuha o sakupin ang Scarborough Shoal. Pero anong bansa nga ba ang nagmamay-ari sa Scarborough Shoal? Ano ang matibay na pinaghahawakan ng bansang China namasasabing sakop nila ang Scarborough Shoal?

            Sa bukod tanging ipinamalas ng likas na yaman sa bansang Pilipinas ay ang kagandahang nagmula sa mga isla ng Pilipinas na higit 7,100 at hindi pwedeng angkinin sa ibang bansa o mga banyaga. Sa kabilang banda, ang Scarborough Shoal ay pinag-aagawan ng bansang Pilipinas at China dahil narin may likas at kagandahan din itong nais makita katulad ng langis at pwedeng pangingisdaan ng kahit sinuman. At sa halip na tayo mismo bilang Pilipino ay makapagmamay-ari sa Scarboorugh Shoal lalo na’t malapit lamang ito sa bahagi ng Isla ng Luzon pero may isang bansa na sumasalungat at gustong angkinin din ang Scarborough Shoal at yun ay ang bansang China.

            Bilang Pilipino mapapatunayan natin na sa atin o parte ng Pilipinas ang Scarborough Shoal mula pa sa nakaraang panahon na mahihinuha at makikita sa mapa ng Pilipinas noong 1774. Noong Abril 10, 2012 ay suliranin ng Pilipinas tungkol sa hidwaan ng bansang China hanggang sa kasalukuyan dahil sa pag-aagawan sa Scarborough Shoal. Sa hinaharap na suliranin ng Pilipinas ay nararapat na ipakita natin na tayo ay nagkakaisa laban sa ginagawa ng China sa pag-angkin ng teritoryo na hindi naman sa kanila at higit sa lahat ang Scarborough Shoal ay malayo mula sa bahagi ng Hainan, China kaya nararapat lamang na sa atin maparte ang bahagi ng Scarborough Shoal dahil kasing lapit lang ito sa ating kapuluan sa Isala ng Luzon.

            Ang Scarborough Shoal ay ginawang teritoryo ng mga Amerikano noong ang Pilipinas ay gumawa ng American Colony na galing sa “Tha Treaty of Paris” noong 1898. Ang titulo nito ay inilipat sa Pilipinas noong independensya sa taong 1946. Sa katunayan, ginamait nito ng mga Philippine Navy noong gunnery range para makikipagbalikatan sa mga Amerikano. Sa tribunal rule na nilagdaan sa nakaraang taon (2016). Ang pag-angkin ng China sa Shoal ay walang legal na basehan o isang illegal na pag-aangkin lamang.

            Walang matibay na pinaghahawakan ang China na sakop nila ang Panatag Shoal. Ang pinagbasehan lamang nila ay historical claim at ang ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Ntions Conventions on the Law of the Sea ( UNCLOS). Noong 1903, isang map ang ginawa ng Armed Forces at doon ay kabilang ang panatag sa mga grupo ng isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakuha ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya ng map at maari itong ipresentang ebidensya na sakop nga ng Pilipinas ang Panatag (ABS-CBN NEWS ONLINE). Kaya bilang Pilipino ay tayoy’y magkaisa at ipaglaban ang karapatan na hindi sakupin ng China ang Scarborough Shoal.

            Sa pagdalaw ni pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre, 2106, kanilang pinag-usapan ang “unilateral decision” upang ang Scarborough Shoal ay maprotektahan sapagkat, ito ay ibinabaliwala sa gobyerno ng China at gumawa pa sila ng “artificial island”. Sa ginawa ng China, ang pangulo ng US ay pumalag at pinagbantaan ito na huwag ituloy ang pagpapagawa. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenza (Lorenza, 2010) NA ANG China ay nagtangkang kunin ang Scarborough Shoal bilang iparte sa istratehiya upang maimpluwensiyahan at pinatunayan pa ng China na silang makipagbakbakan sa ngalan ng Scarborough Shoal.

            Meron mang mga malalakas at maraming mga materyales sa pakikipaglaban ang China na handa makipagbakbakan bunsod sa Scarborough Shoal kaya tayo ay hindi magpapatalo laban sa China kung meron mang bakbakan na magaganap. Lahat tayo ay magkaisa at ipaglaban ang natin ang karapatan kung ano ang ating tunay bagay na pag-aari natin  o sa bansang Pilipinas.  Sa katunayan, may soberanya tayong pinaghahawakan at pinaglalaban na sumisimbolo sa pag-aari kung ano meron tayo sa Pilipinas.


           















SINTESIS-Panlipunan Pagsasapin-sapin: Yaman at Kapangyarihan

Panlipunan Pagsasapin-sapin: Yaman at Kapangyarihan
Isang Sintesis sa Dulang ‘Ang Paglilitis Kay Mang Serapio’ ni Paul Dumol
(Chariza F. Genon)

Patawarin ho ninyo siya. Talagang ganyan ho ang waLang kapangyarihang tulad niya: mangmang, at yan nga ang suliranin ng mga may kapangyarihang, tulad namin.

Dumaing ka pa, at bukas makalawa, matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na bulaklak ng Pasig. Tandaan ninyo ‘yan! May kuwarenta pesos kayong dapat ibigay sa federacion araw-araw. At ibibigay niyo ang perang iyan sa amin. At kapag hindi, kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga mata; kung kayo’y nakakapagsalita, puputulin namin ang inyong mga dila; at kung kayo’y nakakalakad, babasagin naming ang inyong mga buto; at kung di pa rin ninyo susundin ang batas na ito, ang bawat daliri ninyo’y isa-isang tatanggalin. Malungkot nga ang buhay sa federaciong ito, ngunit kasapi na kayo hanggang kamatayan. Kamatayan lamang ang makapaliligtas sa’yo kapag sumali ka sa federaciong ito.
- Mula sa ‘Ang Paglilitis Kay Mang Serapio’


Bilang isang indibidwal, hindi na bago na makita ang iba’t ibang imahe ng lipunan mayroon ang bansa. Marahil, ang lipunan ay pinapatakbo ng yaman at kapangyarihan o karamihan ay nabubulag sa kinang ng ginto at pilak. Ang ganitong sitema sa lipunan ay nakapagdudulot nang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao, kaya karamihan sa mga ordinaryong Pilipino ay napipilitang ibaon ang kanilang sarili sa putik habang tinatapakan ng mga taong may kapangyarihan. Napipilitang sumunod sa kagustuhan ng nakaaangat, kahit kapalit nito ay ang sariling kalayaang iangat at ipagtanggol ang sarili  o maging  ang pagtanggap ng nararapat na serbisyo.

Mooney at Durkheim, ipinaliwanag na “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nangmaayos ang kanilang tungkulin.”Ngunit ayon naman sa panulat ni Panoppio, “ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ang pag-aagawan ng mga tao dulot ng limitadong pinag-kukunang yaman upang matugunan ang mga pangangailangan ay nakakapagdulot ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” Dito na papasok ang konsepto ng panlipunan pagsasapin-sapin.

Ayon sa pananaliksik ng New York Times, “ang panlipunan pagsasapin-sapin ay isang konsepto na kinasasangkutan ng pag-uuri ng mga tao batay sa sosyo-pang-ekonomiya na maaring naapektuhan ng iba’t ibang salik gaya ng yaman at kapangyarihan (Wealth and Power). Ang tagpong ito ay makikita sa iba’t ibang parte ng mundo gaya ng Estados Unidos, Africa, at iba pang bansa na yaman at kapangyarihan ang siyang batayan sa pag-uuri ng mga tao. “Bagamat ang ganitong sistema ay hindi lantarang nakikita sa lipunang Pilipino, ito ay nasasalamin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga ordinaryong tao habang nakikisalamuha sa mga may kapangyarihan.

Sa pagpapaliwanag nina Myers at Schaffer sa kanilang pananaliksik (The Relationship Between Social Class and Psychiatric Practice ), “ang estado ng tao sa lipunan batay sa kanyang yaman ay mayroong kaugnayan sa medikasyong matatanggap ng pasyente. Bilang pagpapalawig, sa kanilang pananaliksik, nagkaroon sila ng isang eksperimento kung saan tinitingnan nila ang mga pasyenteng may neurosis  na lalapatan ng psychotherapy. Isa nang argumento sa kanila, na ang mga taong nasa mababang antas ng pamumuhay ay hindi ang nararapat na lunas ang natatanggap (psychotherapy), ngunit custodial care o organic therapy lamang dahil sa walang kakayahang magbayad. Ang karapatang makakuha ng nararapat na lunas ay ipinagkakait sa mga kapus-palad, na kahit sa mga klinika ay hindi nabibigyang atensyon dahil sa umiiral na klasipikasyon ng mga tao batay sa yamang mayroon ito”. (p 307)

Ang ganitong pangyayari ay maihahalintulad din dito sa Pilipinas, kung saan mga mayayaman ang palaging nauuna sa pagtanggap ng mga serbisyo kagaya ng medikasyon o kaya iba ang pakikitungo ng mga medical personnel sa mga pasyenteng nasa mababang antas ng pamumuhay. Sa katunayan, ayon sa pananaliksik na isinagawa nina Carisma, Lazaro et.al, kahit sa patuloy na pagtaas ng satisfaction rate ng healthcare sa Pilipinas, hindi parin pantay ang kalidad ng serbisyo na naibibigay. Dagdag pa nila, 21 porsyento na nakakakuha ng sapat na serbisyong medikal ay ang mga mahihirap samantalang umabot sa 65 porsyento ng populasyon ng mga mayayaman ay nakakakuha ng serbisyo. (xiii).

Ang panlipunan pagsasapin-sapin ay hindi lamang tungkol sa yaman ng tao kundi pati narin ang kapangyarihan taglay ang tao. Maaring ang makapangyarihang tao ay nakalalamang sa maraming aspeto. Una, maaring sa usaping hustisya o hindi kaya sa usaping political. Ayon kay Sison , “hindi isang kuwestiyon ang pagdakip kay Arroyo dahil sa non-biable offense  dahil sa pagsabotahe o pandaraya noong eleksyon 2007 ngunit, ang tanong na bumabalot sa mga tao ay ang kulungan ng dating Pilipino. Iba sa karaniwang kulungan ng mga napatunayang may kasalanan sa batas ang kulungan ni Arroyo dahil lamang sa siya ay dating pangulo ng Pilipinas. Dagdag pa niya na, ang nangyari kay dating Pangulong Erap noong 2001 ay nauulit lamang. Nagpapatunay lamang ito na ang Philippine Justice System , ang mga nakatataas sa buhay at ang mga may impluwensya ay may espesyal na pagtrato kahit napatunayan na sila ay nagkasala. Samantala, ang mga karaniwang pilipino, o ang mga lowly  ay agarang nilalagay sa mga kulungan kasama ang ibang preso kahit ang kanilang kalusugan ay hindi maganda.”

Dagdag pa nito, ayon sa GMA News, “maging ang dating gobernador ng Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., na kinulong sa Camp Bagong Diwa dahil sa koneksyon nito sa masaker na naganap noong 2009 sa kanyang probinsya, at ang dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol, ay iknulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame  dahil sa kasabwat siya sa naganap na pandaraya noong eleksyon 2007 kasama ni dating Pangulo Arroyo.” Sa pagpapatuloy na paliwanag ni Sison, “ may pagkakaiba talaga sa pagtrato kay dating pangulong Arroyo at iba pang may kapangyarihan sa pagtrato sa mga ordinaryong pilipino na nakukulong kahit pa sa mga presong may mababang antas ng kasalanan. Ayon pa sa kanya, kung si Arroyo nga ay nakahiga sa mgandang kama at may maraming pagkain pa, nararapat lamang na ang mga ibang preso ay bigyan ng sapat na espasyo para sa maayos na tulog gabi-gabi.”

Ayon pa kay Sison, “ang ating Justice System ay dapat nang mareporma at bigyan ng pantay na atensyon ang lahat ng mga nagksala sa batas, ito man ay dating opisyal ng gobyerno o ordinaryong pilipino, dahi sa huli ang batas ay batas. Walang sino-sino o ano-ano, kapag nagkasala nararapat na panagutan.” Ang pahayag ng abogadong si Sison ay ang dapat gawing batayan ng mga nasa hukuman upang ang paglilitis sa lahat ng mga nagkasala ay nararapat at naayon sa naisagawang batas.
Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, hindi maitatanggi na karaniwang napaprusahan dahil sa  krimen ay ang mga walang kapangyarihan o mga mahihirap. Sa nakasaad sa tesis ni Lopez, “karamihan sa mga krimen ay nabibilang sa mababang antas ng lipunan. Kung susuriin, malalaman na ang unang limang deathrow inmates ay hindi gaanong nakakalamang sa buhay. Ang unang naparusahan gamit ang lethal injection ay isang mangingisda (Leo Pilo Echagaray), at ang apat pa ay walang permanenteng trabaho. Ayon pa nga niya, ang isang preso ay sumagot sa sa isang interbyu, “ang tanging kasalanan namin ay ipinanganak kaming mahirap at walang kapangyarihan.”. Dagdag pa niya, kaya humantong ang mga preso sa ganoong sitwasyon, ay dahil hindi nila kayang ipagtanggol ang sarili at walang pambayad sa mga abogadong magtatanggol sa kanila. Hindi kagaya ng mga mayayamang nagkasala, o ang mga impluwensyang tao, na kahit gaano kabigat ng kasalanan ay nagagawa paring lusutan.”

Mayroon pang iba’t ibang salik ang panlipunan pagsasapin-sapin katulad ng edukasyon, kita, lahi at iba pa. Ngunit ang pagpokus sa dalawa ang mas karaniwang napapansin natin sa lipunan ngayon lalo na ang baluktot na sistema ng hustisya. Sa pangkalahatan, maaring ipagsama ang yaman at kapangyarihan bilang magkaugnay na salik, dahil kadalasang nagiging pamantayan ng kapangyarihan ang yaman. Kapag ang tao ay mayaman o nasa mataas na antas ng pamumuhay, maaring magtaglay ng kapangyarihan upang makalamang sa iba, lalo na sa mga mahihirap.

Labis kong pinaniniwalaan na, hindi ang pera ang nagpapatakbo ng mundo, ngunit dahil sa umiiral na paniniwala ng mga mamamayan, nagmumukhang ang yaman at kapangyarihan na ang nagpapagalaw sa mundong ating ginagalawan. Ang yaman at kapangyarihan ng mga mapanlinlang kapwa ang kumukontrol sa nakatakdang pamantayan na dapat sana ay pantay-pantay ang lahat bilang isang pilipino.

                                                                                                                                                  



Hustisya ay Dapat sa Lahat

Ang Paglilitis ni Mang Serapio
 Ni Paul Dumol
 (Carol Jane Apawan)


Ang hustisya ay para sa lahat. Wala itong pinipili kahit anong estado ng buhay ngunit sa panahon ngayon iilan na lamang ang nakakakuha nito kasi ito ay mahirap ng abutin ng kahit sino man tulad ng mga mahihirap at kontrolado ng may mga kapangyarihan sa lipunan. Sa nangyari sa buhay ni Mang Serapio, hindi niya nakuha ang tamang pagtrato sa kanya sa paglilitis. Hindi siya binigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang sarili sa hukuman na siya ay hindi nagkasala, na iyon ay isang kasinungalingan lamang at walang katotohanan. Sa paglilitis kay Mang Serapio makikita ang korapsyon, na kahit anong mangyari sa kanyang paglilitis ay sa huli siya ay mapaparusahan pa rin. Hindi siya mabibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili dahil sa kanyang estado sa buhay. Minsan ang mga taong tulad ni Mang Serapio ay natatapaktapakan ng may mga kapangyarihan sa lipunan.
Ayon kay Raffy Tulfo, nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal at marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Tulad ng sa kaso ni Mang Serapio na hindi niya nabigyan ang sarili ng katarungan dahil makapangyarihan ang nasa hukoman.

Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ang pinakanagpapabagal sa proseso ng katarungan sa Pilipinas ay ang makalumang metodo at paraan nito. Habang maraming bansa sa mundo ang kumikilala sa “jury system”, dahil ‘di hamak na mas mabilis ito, ang Pilipinas ay nakapako pa rin sa tradisyunal na metodo, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat ng katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala. Sa dami ng krimen at mga kasong isinasampa sa korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa Pilipinas, nagpapatung-patong lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon lamang sa limot dagdag pa ni Tulfo.

Ayon sa sinabi ni de Gurman,  marami ang humihiling, humihingi, at sumisigaw ng kanilang hustisya .Lalung-lalo na sa mga taong nakakulong na wala naman talagang kasalanan na sila ang nagdurusa sas madilim at mabahong kulungan.Na merong naghihintayat mas nangangailangan sa kanya dahil siya lang anh naghahanap buhay para sa kanilang pamilya.Siguro nga hindi nila maipagtanggol ang sarili marahil walang pambayad sa manananggol. Marahil isa pa dito ang kakulangan ng pangangasiwa ng pamahalaan para sa mga hakbang sa kaso .Minsan nangyayari pa nga ang hindi pantay na pagtingin sa mahirap at mayaman.Ngayon nga kapag marami kang salapi ikaw ang unang pakikinggan at higit sa lahat ika'y makapangyarihan. Sa naging paglilitis kay Mang Serapio hindi pinakinggan ang mga sinabi niya dahil ang nasa isip ng nasa hukoman ay si Mang Serapio ay isang pulubi na mangmang lamang.
Dagdag ni Gurman, hustiya na ang ibig sabihin ay pagkakapantay pantay o pagkakaroon ng katarungan sa bawat tao sa lipunan. Hindi ito basehan kung ikaw man ay maimpluwensya, Mayaman o     Mahirap,sa nationalida ng tao puti man o itim ay walang pinipili sa larangan ng Hustisya. Ngunit ngayon ay napapahalagahan pa ba ang hustisya. Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan.
Sa larangan ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapantay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.
Ayon sa inilahad ni Ryu, ang hustisya ay pantay para sa lahat. Iyan daw ang pamantayan ng isang malayang bansang demokratiko. Pero tunay nga kayang pantay ang hustisya sa ating bansang Pilipinas? Sa palagay ko ay hindi. Maging ang karamihan sa mga Pilipino ay kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa .
Kahit ang mga nakakapanood sa tv ng balitang tungkol sa gayung krimen ay masasambit lang ang mga salitang “buti nga”! Ang snatcher ba ay pwedeng magrequest ng laptop o cellphone? Palagay ko ay hindi, wala pang ganoong pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa. Ang tanong ngayon ay kung bakit? Simple lang ang kasagutan…ang kriminal ay mahirap kaya ang pagtrato sa kanya ng tao at pagpataw ng hustisya ay talaga namang masasabing malupit at walang pagdadalawang-isip. Ngayon, siyempre hindi lang naman mahirap ang mga kriminal sa Pilipinas, sa palagay ko nga’y mas marami pa ang mayayaman, maiimpluwensiya, at mga pulitikong masahol pa ang krimeng ginagawa kaysa sa mga simpleng snatcher. Ito ang mga tinatawag na mga “DISENTENG KRIMINAL”  na dahil sa kanilang katayuan sa buhay ay masasabi na ring mga untouchables. Ang iba sa kanila ay malayang nakakalabas-masok sa selda at naka-aircondition pa.
Ayon kay Rolloque, noon, maugong ang usapin hinggil sa magiging kulungan ni CGMA. Kung titingnan natin sa tamang kaisipan, dapat pa ba natin itong pagdebatehan? Malinaw namang nagsasakit-sakitan na lang para makaiwas sa kulong pero bakit patuloy pa ring kinukunsinti ang lantarang panlolokong ito sa taumbayan? Simple lang ang kasagutan, iyan ay dahil sa umiiral na double standard justice system ng ating bansa. Iba ang trato sa mayaman at sa mahirap ng ating hustisya. Sa mga ganitong katwiran ay para atang tinanggap na talaga ng ating mga kababayan ang hindi pantay na pag-iral ng hustisya para sa lahat. Ano ba ang pinagkaiba ng magnakaw ng marami at kaunti?
 Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa upang maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan para sa hinaharap ay masagot natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na henerasyon kung bakit iba ang trato sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa bahay at paaralan ay pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang kultura ng walang pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa. Itigil na ang pagpapaloko at pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang pangsariling interes.
Ayon sa pilosopong Pranses na si Michel Foucault, ang kapangyarihan (power) sa lipunan ay hindi lamang nakasalalay sa lantarang pamimilit at dahas. Sa sistemang demokratiko, lalong nagbabago at nagiging mas mahiwaga ang mga anyo at pamamaraan ng kapangyarihan. Sa kanyang tingin, nakatago ang istruktura at instrumento ng kapangyarihan sa loob ng wika (language) at usapin o diskurso (discourse). Sa pamamagitan ng wika, ang mga pamamaraan at hangganan ng kaalaman (knowledge) ay naitatalaga at naisasa-ayos. Kasama rito ang mga batayang kaisipan na humahaligi sa mga mas malalaki at mas kumplikadong konsepto na siyang nagsasaad ng kabuuan ng ating kaalaman tungkol sa ating sarili at lipunan.
Ang katarungang panlipunan o social justice ay ang polisiya ng ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa, mahihirap, may kapansanan, mangmang o maliliit, ay ginagawang makatao at sinusubukang pantayin ang pagkakaiba nang estadong panlipunan nang mga mangagawa at mga kapitalista, para ang makatuwirang layunin nang katarungan ay kahit papaano ay maipatupad nang maayos.
Pero ang layunin ng pagkakapantay pantay ng mga mayaman at mahirap, manggagawa at kapitalista ay hindi kagaya nang prinsipiyo nang mga komunista o diktatorya, ang pagkakapantay-pantay ay hindi sa lubusang pagpaparte nang mga yaman sa bansa sa lahat ng mga Pilipino, kundi ang kahit papaano ay mabawasan ang pagkakaiba ng estado sa lipunan partikular na sa pagbibigay ng mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman at kapitalista. Ang sabi nga ni Pangulong Ramon Magsaysay, kung sino ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan ng mas maraming benipisyo sa batas. (mula sa kasong Calalang vs. Williams na sinulat ni Justice Jose P. Laurel)
Ang polisiya ng Katarungang Panlipunan ay makikita mismo sa Saligang Batas, “The Congress shall give highest priority to the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities, and remove cultural inequities by equitably diffusing wealth and political power for the common good.” Ito ang dahilan kung kaya nga ang lahat nang batas at mga desisyon ng korte para sa mangagawa, mahihirap, may kapansanan o maliliit ay dapat laging naayon sa katarungan panlipunan.
Sa kasalukuyang panahon, tumataas ng tumataas ang bilang ng mga krimen at pangaalipusta sa mga kapwa tao. Ang pangunahing rason ay pera at kayamanan na kumakain sa dignidad at moralidad ng mga tao, maparelihiyoso man o hindi. Walang pinipili ang temptasiyon. Gaya ng tinuturo ng simbahang Katoliko, ang kasakiman ng tao ang magdudulot sa kaniyang gumawa ng desisiyong ikasisisi o ikapapahamak niya. Isa itong babala sa ating huwag magpadala sa hinanakit at galit. Sasakyan tayo nito hanggang sa tayo ay makakasala katulad ni Kabesang Tales na isa sa mga karakter ng El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal na lumabag sa kautusan ng Diyos upang bigyang hustisya ang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya na kinunan ng karapatan hanggang sila ay lumuhod sa pighati.
Ang hustisya ay dapat nakukuha ng lahat. Ang mga tagapaglitis ay kailangan na walang pinapanigan  na kahit ano. Ibang tao nang dahil sa kahirapan hindi nabigbigyan ng tamang pagtrato o pagkakataon na ipagtanggol ang sarili. Sa ganitong sistema ng pamamalakad sa pagpapatupad o pagkamit ng hustisya, ang mga katulad ni Mang Serapio o mahihirap na tao ay kawawa dahil natatapakan na lamang ng mga taong may kapangyarihan. Ang hustisya ay dapat nakakamit n bawat isa ngunit sa panhon ngayon mas kontrolado na ito ng mga taong mayayaman o may kapangyarihan.


Basahing Tinutukoy:
Gurman,D..MahirapKamanOMayaman.2008.12September2017.http://diakaraig.blogspot.com/2008/10/mahirap-ka-man-o-ayaman.html
Mamales,R..HustisyaParaSaLahat.2008.12September2017.http://diamondpaulitagomez.blogspot.com/2008/10/hustisya-para-sa-lahat.html
Rolloque,M..KatarunganParaSaMAhihirap.2017.KarapatanAtKayamanan.12September2017. http://rolloquesblog.blogspot.com/2017/02/katarungan-para-sa-mahihirap.html
Ryu,T..PairalinAngPantayNaHstisyaSaPilipinas.2011.SulongPilipinas.12September2017. http://sulongpilipinas.blogspot.com


Ang Paglilitis kay Mang Serapio: Salamin ng Pilipinas
(Synthesis)
Regine Lace A. Panuncia ABM Pounds

Isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan na naisasalamin sa dulang Ang Paglilitis kay Mang Serapio ni Paul Dumol ay ang pang-aabuso ng mga nakatataas o opisyales ng pamahalaan sa kanilang kapangyarihan na siyang nag-uudyok sa paglitaw ng korupsyon sa bansa.

Sa 333 taong sinakop ang bansa ng mga Kastila, 333 taon rin nagdusa ang mga Pilipino sa pamamalupit ng mga Kastila tungo sa mga Indio lalong lalo na sa mga taong napapabilang sa mababang uri ng lipunan. Sa tanyag na akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, naitala ang kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Kastila.

Ito rin ay naipapakita sa binasang iskrip ng dulang Ang Paglilitis kay Mang Serapio na malupit ang mga nasa kinauukulan sa mga walang kapangyarihan. Mula sa pagmamaliit ng mga Kastila sa kakayahan ng mga Pilipino, sa paglabag ng mga Kastila sa karapatang pantao, sa pagwawalang-bahala ng mga Kastila sa kalagayang pangkabuhayan at pang-edukasyon ng mga Pilipino, hanggang sa pagpaparusa sa mga Indiong hindi makabayad ng sobrang taas na buwis, hindi masusukat ang kaapihan ng mga may kapangyarihan sa mga Pilipino.

Maliban rito, tuluyan ring nangingibabaw sa panahong ito ang pangunguwalta at korupsyon sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Ilang administrasyon na lamang ang dumaan, ilang pangulo na ang naglingkod sa pamahalaan, subalit sadyang hindi pa rin tuluyang naiwawaglis ang ng korupsyon sa bansa. Ito maaari ay dahil hindi marangal ang mga nailuloklok na politiko sa posisyon sa gobyerno o kaya naman ay nabulag ang taumbayan sa pagpili ng lumalansad na politiko dahil sa kanyang ipinapakitang pangmadaliang magandang imahe sa madla.

“Ang pag-usbong ng pangunguwalta at korupsyon sa burukrasya ng Pilipinas ay maibabakas sa kolonyal na karanasan ng Pilpinas, lalong lalo na sa panahon ng mga Kastila, ngunit may ibang tiyak na katangian sa kultura bago nagsimula ang mga kolonya na maaaring nagkaroon ng masamang gawi sa pamahalaan” (Endriga, 241).

Sa katunayan, noon lamang 2013 ay naging patok muli ang isyung Priority Development Assistance Fund Scam o mas kilala sa katawagang Pork Barrel Scam. Ayon kay Junizza Escalante:

“Sa teknikalidad, ang ‘pork barrel’ ay literal na bariles ng karneng baboy, isang derogatoryong salita na tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing kinuha sa kabang-yaman ng bansa upang magpasok ng salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa lokal na proyekto. Sa madaling sabi, ang pondo ay nanggagaling sa taumbayan, ngunit ang desisyon kung paano at kung saan ito gagastusin ay tanging nakatalaga sa president at mga mambabatas” (3).

Ang pinaniniwalaang utak ng Pork Barrel scam ay si Janet Lim Napoles, isang napakamatagumpay na negosyante, na siyang tinawag na Pork Barrel Queen ng bansa. Ayon kay Leonel Abasola:

Ayon sa mga ulat, mayroong P495.1 milyong halaga ng mga ari-arian si Napoles sa United States. Nagmamay-ari rin siya ng 30 mamahaling sasakyan, 28 residential properties sa Metro Manila, Laguna, Cavite, at Batangas. Ang lahat ng ito ay katas diumano ng anomalya sa PDAF” (Balita.net).

Bukod pa rito, kahit na ang mga senador ng bansa ay pinaniniwalaan ring sangkot sa pagkakamal ng limpak na limpak na salapi ng Sandiganbayan. Lubhang nakakadismaya na isa sa mga pinaratangan ay nasa katauhan ni Juan Ponce Enrile na noo’y nakapaglingkod bilang Justice Secretary at Minister of Defense sa panunungkulan ni Pangulong Marcos. Isa lamang ito sa daan-daang maaaring patunay na kahit ang mga inaasahang mararangal na taong may kakayahang maglingkod sa bansa ay hindi pala talagang mapagkakatiwalaan. Bagkus, sila pa nga ang nangunguna sa paglalagay ng posisyon sa bansa sa alanganin.
Sa kabilang banda, malinaw ring naipapakita sa dula ang pagkakaroon ng social stratification sa panahon ng mga Kastila. Ayon kay Afifa Hashmi Karachi:

 “Ang social stratification ay isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa ekonomiks, sosyal, politikal, at ideolohikal na larangan. Ito ay isang sistema kung saan ang mga mamamayan ay iniuuri at sinusuri kung sino ang dapat magawaran ng lubos na kayamanan, awtoridad, kapangyarihan at karangalan” (Dawn.com).

Ang mga prayle naman at mga naglilingkod sa pamahalaan ay kinatatakutan at lubos na ginagalang ng mga mamamayan sapagkat maaaring maituturing na sila mismo ang batas. Ang tanging may kaya lamang ang nakakapag-aral at ginagalang ng mga Kastila habang ang mga mahihirap at walang maimbabayad sa buwis ay inaabuso at itinuturing na walang silbi sa lipunan katulad na lamang ng ginawa ng dalawang tagapagtanong ni Mang Serapio.
At tsaka, tanging ang mga kalalakihan lamang ang pinapayuhang makapag-aral at tanging ang mga may kaya na kababaihan lamang ang may oportunidad na makapag-aral dahil inaasahang ang mga kababaihan ay may responsibilidad lamang sa mga gawaing bahay at hindi makialam sa politika at isyung pang-edukasyon.

Pinatutunayan na ang social stratification ay lubos na nakakaapekto sa kalagayan ng bansa sapagkat ito ay

 “…nanghihimok na makagawa ng malaking agwat sa pagitan ng mga mamamayan sa kani-kanilang kita at ng kanilang katayuan sa lipunan, edukasyon, kalusugan, at pisyolohikal na kapakanan. Lubos na pinaniniwalaang ang paghahati ng katayuan sa lipunan ay nakakagawa ng hindi pagkakaintindihan sa lipunan. Ito ay maituturing na hadlang sa pag-unlad at pagsulong ng bansa” (Karachi, Dawn.com).
Mula sa pag-usbong ng social stratification, makikilala rito kung sino ang mga taong napapabilang sa mataas na uri ng lipunan, gitnang uri ng lipunan at mababang uri ng lipunan. Bagkus, matutukoy rin dito kung sino ang mga nasa mataas na uri ng lipunan ang maabuso sa kapangyarihan at sino ang mga may kapangyarihang manipulahin ang mata ng katarungan. At sa usaping ito susulpot ang pagkabaluktot na sistemang panghukuman ng bansa.

“The biggest criminals wear ties not tattoos.”

Ang katagang ito ay parati nang naririnig sa madla kung saan ipinapahayag na ang mga kriminal ay maaaring nasa mataas na uri ng lipunan na may kapangyarihan at kayang saliwain ang dikta ng katarungan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang mga sinasabing kriminal ay naitatapon sa kulungan. Maaaring hindi naimbestigahan nang maigi ang isang kaso kaya kahit ang mga walang sala ay napaparatangan ng hukuman na nagkasala nang hindi man lang dinidinig o hindi pinagtutuunan ng pansin ang sabi ng pinag-aakusahan.

Ang isyung ito ay karaniwang makikita sa mga pelikula at telenobela kung saan mayroong mga karakter na napaparatangang nagkasala dahil walang sapat na ebidensya na makapapatunay sa pagkawalang-sala ng karakter o dahil sa kahirapan na makakuha ng mahusay na abogado. Naipapakita rin ang usaping ito sa walang kabitarang pagpaparusa kay Mang Serapio sa kasalanang wala naman lubos na makatwiran at tanging ang mga opisyales lamang ng hukuman ang may kapangyarihang magsalita at kung ano man ang ididikta ay siyang ihahatol sa sinasabing nagkasala. Subalit, hindi lamang ito naipapalabas sa mga pelikula o mga dula-dulaan sapagkat ito rin ay nangyayari sa totoong buhay.

Sa katunayan, hindi na natatakot ang mga kriminal na gumawa ng krimen hangga’t alam nilang makasesentensiya lamang sila sa pamamagitan ng pera o kaya nama’y suhol sa mga opisyales sa hukuman. Dahil sa panahon ngayon, hindi na balanse ang iskala ng katarungan, kung sino ang may kapangyarihan ay siyang mas may bentaha kaysa sa mga walang kapangyarihan. 

 “Mas tumaas ang bilang ng mga grafters at mga kriminal mula noong People Power. Sino nga ba ang matatakot sa batas kung alam naman nila na kahit pa sila ay mahuhuli, maari naman silang makalabas sa kulungan at gawin ‘yung nais nilang gawin o ipagpatuloy ‘yung ginagawa nila? Ang krimen at korupsyon kailanman ay hindi mapupuksa, o kaya’y mapababagal, maliban na lamang kung may mabilis na sistemang panghukuman” (Cruz, Inquirer.net).

Sa medaling sabi, masasabing hindi na gumagana ang sistemang panghukuman kapag ang mga miyembro mismo nito ay hindi sumusunod sa daang makatarungan. Hindi mabibigyang hustisya ang iba’t ibang kaso kapag ang mga opisyales sa gobyerno ay hindi baluktot ang pag-iisip.

Sa pangkalahatan, maraming taon man ang lumipas, maraming administrasyon man ang naglingkod sa bayan, hindi pa rin uunlad ang bansa kapag ang mismong mga opisyales sa pamahalaan ang siyang hindi sumusunod sa batas. Sa huli, ang korupsyon ay hindi kailanman mapupuksa kapag ang iniluklok sa pamahalaan ay hindi mapagkakatiwalaan. Ang social stratification ay maglalayo sa mga mamamayan sa isa’t isa. At ang mga biktima ng krimen ay hindi mabibigyan ng katarungan kapag ang mismong sistemang panghukuman ay baluktot sa mga nagpapatakbo nito.


Basahing Tinukoy:

Abasola, Leonel. “De Lima kay Napoles: Ibalik ang pera ng bayan.” Balita.net.ph. 19 May. 2017.
          Web. 10 September. 2017.
Cruz, Neal H. “PH has slowest justice system in the world.” Inquirer.com. 24 November. 2014.
          Web. 12 September. 2017.
Endriga, Jose. “Historical Notes on Graft and Corruption in the Philippines.” Philippine Journal of
         Public Administration.
N.p. October. 1979. Web. 13 September. 2017.
Escalante, Junizza. “Pambansang Pork.” The Searcher N.p., September. 2013. Web. 10
        September. 2017.
Karachi, Afifa Hashmi. “Social stratification: negative impacts.” Dawn.com. 09 May. 2011. Web.
        12 September. 2017.





Si Mang Serapio at ang Extrajudicial Killing
(Isang Synthesis sa dulang “Ang Paglilitis kay Mang Serapio”)

      Hindi lahat ng nakakulong sa bilangguan ay ang mga nagkasala sa batas. Ang iba ay mga napagbintangan o kaya nama'y biktima lamang ng baluktot na sistema ng hustisya sa ating pamahalaan. Kabaliktaran naman ito para sa mga taong may kasalanan talaga ngunit hindi nahatulan ng pagkakabilanggo. Tayong lahat ay may karapatang pantao. Bawat isa ay dapat pantay-pantay na tinatrato mapa ang isang tao man ay may kaya o mahirap lang, at kung magkasala man ay dapat paring pinapahalagahan ang kani-kanilang mga karapatan. Sa dulang isinulat ni Paul Dumol na pinamagatang Ang Paglilitis kay Mang Serapio, nakapaloob ang paksang maaring maikabit o maiugnay sa isyu patungkol sa Extrajudicial Killing.

     Ang dula ay patungkol sa isang pulubing nagngangalang Serapio. Siya ay isang miyembro ng isang federasyon ng mga pulubi at napag-akusahan na lumabag sa kanilang patakarang hindi maaaring mag-alaga ng isang bata, na humantong sa kanyang pagdudurusa hanggang sa huli ng dula. Ito ay dahil mawawalan daw ng taunang kita ang federasyon sapagkat napupunta sa bata ang kita imbes na sa kanila. Mapapansin sa dula ang katangiang pagkagahaman ng tao sa pera dahil mas inuuna pa nila ang pera o kita kaysa sa kapakanan at ikakaayos ng isang bata. Mas binibigyang importansya pa nila ang mga materyal na bagay kaysa sa kapwa nila taong nangangailangan ng tulong.

     Ayon kay Kayee, 2013, nag-umpisa ang dula sa loob ng isang hukom kung saan mayroong dalawang tagapagtanong na kinukuwestiyon si Mang Serapio hindi lang sa kasalanang binibintang sa kanya kung hindi pati na rin sa kaalaman niya sa batas ng ffederasyon. Sa loob ng federasyon ay may kanya-kanyang klasipikasyon  ang bawat miyembro. Tinaguriang karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang talento o kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makuha ang awa ng iba, ni hindi rin siya tumutugtog ng kahit anong instrumento para maaliw ang madla,  hindi rin siya nagkukunwariang pipi, bulag o bingi at wala rin siyang totoong kapansanan. Pinapakita ng parte ng dula na ito ang pagiging pagkamadaya ng isang tao. Hindi dahil si Serapio ay isang pulubi lamang at ang mga hukom at tagapagtanong ay makapangyarihan ay maaari na nilang itrato si Serapio na parang tauhan lang nila. Mas mababa man ang posisyon ni Serapio kaysa sa kanilang mga nasa taas, dapat parin nilang tratuhing maayos si Serapio. Dapat nilang pag-isipan ang kanilang mga ginagawa at kung ano ang karapatan ni Serapio bilang tao. Dito rin maipapaliwanag ang pagiging makasarili ng tao ng dahil lang sa mababaw na rason. Naipapakita rin dito kung paano maaring masaktan ng isang tao ang kapwa tao nang dahil lang sa katayuan at kasakiman nito. Nang dahil sa iba't ibang impluwensiya ng kasamaan, mas unti-unting nang nalalamon ng mga negatibong pangyayari o solusyon ang mga isip ng tao.


      Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa pagtutol na ito ni Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio. Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio bilang ebidensya. Sa loob daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Sa pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa isang lumang manika na tinatawag ni Serapio na "Sol". Sa bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay nasagasaan ng dyip (Ocities.org). Sa parteng ito ng dula maipapaliwanag ang kahirapan sa buhay na kahit anong gawin mong kabutihan o makatarungan ay mayroon at mayroon paring hihila sa iyo pababa pag nakita ka nilang umaangat. Maipapakita rin sa parte ng dula na ito ang katotohanan, na kung minsan ay mas hindi pa pinaniniwalaan.

      Nang malaman ang katotohanan, mas lalo pang kinutya ng buong federasyon si Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak ni Serpio. Walang tigil na nagmakaawa si Serpio na ibigay na sa kanya ang manika kaya sa bandang huli, ang hatol ng hukom kay Serpio ay ang bulagin siya upang ang kanyang posisyon sa federasyon ay tumaas na (Ocities.org). Kung iisiping mabuti, hindi makatarungan ang pagpataw ng kaparusahan kay Serpio. Ginawa lamang ito upang dumami rin ang kanilang kita. Hindi naman pinag-isipan ng hukom kung ano o sino ang mas may matimbang na kasalanan dahil ang pinagtuonan nila ng pansin ay ang kamalian lang daw ni Serpio na hindi naman napakabigat. Sa pagdesisyoong bulagin si Serpio ay naipapaliwanang na nalilimutan ng ibang tao na ang bawat isa ay may pantay-pantay na karapatan bilang isang tao. Dahil akala nila'y makapangyarihan sila ay dapat na tayong magpatalo, ngunit, lahat ng iyon ay hindi tama. Hindi porket ibang iba ang estado ng buhay ng tao, ay hindi na igagalang, ngunit, respeto parin sa kapwa ang dapat nating pagtuonan ng pansin.

      Nagtatapos ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapag tanong sa mga manonood at kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio sapagkat tinuruan niya ang mga kasapi ng federasyon na mangarap at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong pamumuhay (Hearing of Man Serapio Summary). Sa kahirapan ng buhay, mahirap nading tumira ng matiwasay. Sa pangarap na kay imposibleng maabot, maniwala lang at ito ay matutupad lalo na't pag ikaw ay pursigido. Wag na wag makinig sa iba't ibang kutya ng mga taong gustong manghila pababa. Dapat lang na mayroong tiwala sa sarili upang umangat at hindi nakadepende sa iba na maaring makapatatagal sa iyo. Dapat na tayong lahat ay marunong tumayo sa ating mga sariling paa at wag hayaang may kumutya sa iyo. Ang paglaban para sa ating mga sarili ay isang magandang paunang hakbang upang makapagsimula at hindi mabiktima ng hindi patas na batas. Karapatan nating ipaglaban at ipagtanggol ang ating mga sarili kaya ang mga tao ay hindi dapat magpabulag sa mga mabulaklaking salita ng kahit sino.

     Sa kwento ni Mang Serapio, malinaw ang paksang patungkol sa baluktot na sistema ng hustisya ng pamahalaan. Naipapakita sa dula na ang sinasabing pantay-pantay na karapatan ay dumepende na sa estado ng buhay ng isang tao. Naipakita sa dula ang hindi makatarungang paghatol kay Serapio ng kaparusahan. Sa pagbigay ng hatol, nakaligtaan o sadyang nilimot ang karapang pantao ni Serapio. Hinatulan siya ng hukom ng kaparusahang bubulagin ng walang sapat at tamang dahilan. Katulad ng kwento ni Mang Serapio, paano nga ba maiuugnay ang panibagong isyu ngayon patungkol sa Extrajudicial Killings? Sa anong paraan maikukumpara ang Extrajudicial Killings sa sitwasyon ni Mang Serapio?


     Ayon kay Lanfer, 2010 , The term ‘extrajudicial killing’ in its original meaning refers to homicides that are committed outside the legal system with no prior judgement of a court. Kasabay ng pagkabuo ng kampanya ni Pangulong Duterte patungkol sa kanyang War on Drugs ay umusbong rin ang bilang ng mga bikitima ng Extrajudicial killings. Nagsimula ito noong sinabi ni Duterte na sa bawat mapatay na drug dealers o drug pusher ay mabibigyan ng pera. Napag-alaman na mahigit kumulang 37 ka-tao ang namamatay kada-araw sa pamamagitan ng Extrajudicial Killings nang pinayagan ito ng Pangulo at naalarma naman ang International Human Rights Group ( Iyengar, 2016). Sabi pa nga ni Duterte, I don't care about Human Rights, believe me.

     Sa dulang pinamagatang “Ang Paglilitis kay Mang Serapio”, maiuugnay ang isyung Extrajudicial Killings, lalo na ang patungkol sa karahasan. Hindi man pinatay Si Serapio sa dula, nakaranas parin siya ng kawalang-katarungan na galing pa sa mga hukom. Sa pagkuha palang sa kanya ng wala siyang alam kung ano ang kasalanan niya, hanggang sa binulag siya, ay isang malaking pagkakamali na. Ang karahasan ay hindi sagot upang makuha ang hustisyang inaasam. Upang makamit ang tamang hustisya, dadaan ito sa isang masinsinang proseso at hindi sa santong paspasan. Ang batas ay dapat para sa ikakabuti ng lahat at hindi ito dapat ipa-ikot sa mga palad ng may hangad na masama. Sa isyu ng Extrajudicial Killings, maari ring maiugnay ang karapatang pantao sa kwento ni Serapio. Ipinagkakait sa mga biktima ng Extrajudicial Killings at kay Mang Serapio ang kanilang karapatang pantao. Kung lahat nga ay magkatumbas ang karapatan, bakit hindi natutukan ng maayos at nabigyang pansin ang mga kaso ng Extrajudicial Killing Victims noong ito'y maaga at kayang agapan pa? Ito ay dahil sa baluktok na sistema ng hustisya sa ating pamahalaan. Ang kanilang pagkilos patungkol sa mainit na isyu ay naka depende sa estado ng buhay ng biktima.

     Kung sa kwento ni Mang Serapio ay napagbintangan lang siya ngunit binulag parin, paano kung ang isang pinatay sa pamamagitan ng Extrajudicial Killing ay hindi pala talaga nagkasala sa batas? Mahirap ibalik ang buhay ng isang tao. Sa isang maliit na pagkakamali na dulot ng Extrajudicial Killings, maaaring ang isang buhay o higit pa ay matapos na lang bigla-bigla. Maaring hindi na nito mababago ang kanyang buhay at makapagsimula ng mabuti.

     Sumisimbolo si Mang Serapio sa mga biktima ng Extrajudicial Killings kahit hindi man siya pinatay sa dula. Sumisimbolo siya sa mga biktima na nakaranas ng Extrajudicial Killings na sana ay nabigyan ng pangalawang pagkakataon upang magbago. Sumisimbolo naman ang hukom at ang tagapagtanong sa ating pamahalaan na walang-awang pumayag sa mga ganitong gawain. Hindi nila tinimbang kung ano talaga ang makakabuti sa lahat at padalos-dalos nilang ginawa ang kampanya laban sa droga. Sumisimbolo naman ang mga testigo o saksi, sa ating mga Pilipino. Hindi man talaga tayong lahat ay nagsumbong o nagpahamak sa isang tao ngunit, sa tuwing mayroon tayong nababalitaang napatay ng dahil napag akusahang gumagamit o nagbebenta ng droga, ang sinasabi natin ay “tama lang iyon sa kanya” o kaya nama'y “bakit kasi nagdroga pa” kahit hindi naman natin alam ang katotohanan. Katulad lang tayo sa mga saksi sa kwento ni Mang Serapio dahil minsan, tayong mga Pilipino ay mahilig sa tsimis at madaling naniniwala sa sabi-sabi. Tayo ay agad-agad nagpapabulag sa mga magagandang imahe ng pamahalaan at tayo ay nagbibingihan sa kanilang mga mabulaklaking salita. Kung mayroon man tayong mga hinanaing, hindi natin ito pinaglalaban at mananahimik nalang sa sulok. Ang ganitong pag-uugali natin ay hindi rin tama. Tayo nga ay may kalayaan sa pagsasalita at pantay-pantay na karapatan kaya dapat natin itong ipalabas. Hindi tayo dapat matakot sa kung ano ang mangyari katulad ni Mang Serapio na dinepensahan ang kanyang sarili dahil alam niyang tama at nagsasabi siya ng katotohanan.


     Katotohanan ang parating mananig sa huli. Ito ang katotohanang di maipagkakaila at di maipagkakait ng ating mga sarili. Kung alam nating tama tayo, magpakatatag tayo na ipaglaban ang ating nalalaman. Kung mayroon mang kasalanan o wala, aksidente man o hindi, tayong lahat ay may pantay-pantay na katarungan. Wala tayong karapatan upang tumapos sa isang buhay ng tao kahit gaano man kalaki ang kanyang kasalanan. Nakasaad nga sa sampung utos ng Diyos, Huwag kang pumatay. Hindi tayo dapat ang humuhusga sa kapwa natin tao dahil tayong lahat ay nagkakamali. Lahat nga tayo ay dapat na mabigyan ng pagkakataon. Mapa ito man ay ikalawa, ikatlo, ika-apat o hanggang nabubuhay pa, dapat tayong mabigyan ng pagkakataon upang mabago ang ating sarili at mabuhay ng walang galit at mamuhay ilalim ng isang pamahalaan na patas, makatarungan ang pagbibigay ng mga batas at maayos ang pamamalakad sa nasasakupan.

- Fuentes, Junisa Rose D. 





Ang Paglilitis ni Mang Serapio: Hustisya Sa Mga Taong Mahihirap 
                     Vanessa Y. Menguito

      Alam naman nating lahat diba na Kahirapan ang napakalaking problema na kinakaharap n g ating bansa. Ito ang kadalasan nating tinutugunan ng pansin, dahil ito ang isa sa mga sitwasyon na hinaharap ng ating bayan kung saan maraming naaapektuhan lalo na ang mga taong nasa langsangan. Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamptan ng nakakaranas nito ang mga pangunahing pangangailangan sa pang araw-araw. Ang mga makapangyarihan ay ginagamit ang mahihirap para sa sariling kapakanan upang magkaroon ng mas malaking kita. kadalasang sanhi ng kahirapan sa ating bansa ay ang mga patakarang kasalukuyang ipinatutupad ng mga gobyerno at mga nakataasang opisyal.  Mga patakarang tumitiyak na ang mga benepisyo ng pandaigdigang kalakalan ay m apunta sa mga mayayaman, hindi sa mahihirap na tao. Ating hinihikayat ang mga nagbubuo ng mga kapasiyahan na baguhin ang mga patakaran na nagpapanatili sa mga tao sa pagiging mahirap.

  Sa mga mayayamang bansa kagaya ng Britanya, ang mga desisyon na ginagawa ay pwedeng bumuo o magwasak ng buhay ng mga mahihirap. Pwede nating impluwensyahan ang mga desisyon na ganon. K ung kaya, ang ating pagkilos ay labis na napakahalaga. Sa pagsasama-sama, tayo ay magiging makapangyarihan at makakamtan ang pagbabago para sa mga dukhang nabubuhay sa daigdig. Sinasabi nila ito umano’y kayang isakatuparan kung bibigyang diin ang pagsasagawa.

   Ang mga polisya o patakaran ng mga pamahalaan at mga kumpanya o korporasyon ang siyang nagpapahirap sa mga tao kagaya na lamang ng kuwento na Ang paglilitis ni mang Serapio. 

    Pinapakita sa dulang ito ang kahayupan at paglalapastangan ng tao sa kapwa niya tao at ang pag asang nagtatago sa bawat pangyayari maging ito man ay masama o nakadudurog-puso. Ang dulang ito ay umiikot sa paglilitis ng isang pulubing nagngangalang Serapio.Ang kanyang pagkakasala: Pagaalaga sa isang bata, na tinaguriang isang paglabag sa isa sa mga batas ng federacion ng mga pulubi. Bawat sa atin ay may kanya-kanyang kasalanan pero hindi dapat tayo mang langpastangan sa ating kapwa kahit na siya'y nagkasala dapat bigyan ng pantay na hustiya dahil bawat tao may karapatan sa kanilang sarili.  Halimbawa, kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa.
  
  Ang ginawang ito ni Mang Serapio ay isang napakalaking pagkakasala sapagkat ayon sa batas ng federacion, nawawalan ng taunang kita ang federacion sa tuwing may inaalagaang bata ang isa sa mga kasapi nito sapagkat sa bata napupunta ang kita imbes na sa kanila.  Isa lang ang masasabi ko sa mga bagay na iyan. Hindi malupit ang Diyos para magparusa lalo na sa mga taong wala namang masasabing napakabigat na kasalanan. Sabi nga sa aklat ng mga Awit, “Ang Diyos ay maawain at mapagbigay, banayad sa pagkagalit.” Hindi mangyayari ang mga ganyang hula, pero dapat din naman magsisi tayo sa ating mga kasalanan, 
  
   Nagsisimula ang dula sa loob ng isang hukom kung saan may dalawang tagapagtanong na kinukwestyon si Mang Serpio  hindi lang sa kasalanang binibintang sa kanya kungdi pati na rin sa kaalaman niya sa batas ng federacion. Sa loob ng federacion ay may kanya-kanyang klasipikasyon  ang bawat miyembro. Ayon sa (Revised Penal Code, Article 353 Libel) ang isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o dinaanang mga pagsubok kung saan ito ay pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon.
  
  Tinaguriang karaniwan si Mang Serapio sapagkat wala siyang ibang telento o kakayahan, wala rin siyang ginagamit na sanggol upang makuha ang awa ng iba, ni hindi rin siya tumutugtog ng kahit anong instrumento para maaliw ang madla,  hindi rin siya nagkukunwariang pipi, bulag o bingi at wala rin siyang totoong kapansanan.
   
   Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa pagtutuol na ito ni Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio. Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio bilang ebidensya. Sa lood daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Hindi tayo basta basta na lamang mag sumbong sa inauukulan kong hindi naman natin alam ang buong nangyari dahil ito'y magdudulot ng masama sa taong iyong ininumbong. 

  Sa pagbukas ng baul, walang nakitang mahahalagang bagay dito maliban sa isang lumang manika na tinatawag ni Serapio na "Sol". Sa bandang huli ay napagalaman na wala na palang asawa si Serapio at ang kaisa-isang anak nito ay tatlong taon na palang patay sapagkat ito ay nasagasaan ng dyip. .

  Nang malaman ito ng lahat, ay lalo pang kinutya ng buong federacion si Serapio, at hinagis-hagis pa ang manikang anak ni Serpio. nagmamakaawang hinihingi ni Serapio ang manika. Sa bandang huli, hinatulan ng hukom na bulagin si Serapio upang tumaas ang kanyang rango sa federacion. Ayon sa (Pinoy Parazzi)  ay napakabrutal ang paraan ng pagbulag ng mata sa isang tao. Ipinakikita lamang dito kung gaano kataas ang tingin ng mga gumawa nito sa kanilang mga sarili. Tila nga nag-aastang mga Diyos ang may gawa dahil wala silang takot at pakialam sa pamahalaan, batas, at hustisya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay wala pa ring nagagawa ang hudikatura kundi maghintay sa mabagal na proseso ng kanilang hustisya. Kailangan pa yatang mamatay lahat ng akusado sa katandaan at pati na rin ang mga pamilya at kaanak ng mga biktima.     
Nagtatapos ang dula sa pagsusumamo ng unang tagapagtanong sa mga manonood at kanyang pagsabing kinakaliangan nilang bulagin si Serapio spagkat tinuruan niya ang mga kasapi ng federacion na mangarap  - at ito ang pangarap na makaranas ng isang makataong pamumuhay. Ayon sa (Bible) ay mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating.” Kahit na dinisiplina ang isang federacion ay hindi  parin umaabot sa ganyang pangyayari dahil hindi naman tayo diyos, tao lamang tayo na namumuhay dito sa mundo kaya makikisama tayo sa iba at huwag gumawa ng nakakasama sa ating kapwa.
   
  Ang hinihiling ay hindi baguhing anyo ng sistemang ito na gaya ng hiling ng World Development Movement, Christian Aid at iba pa, kundi ang paggiba o pagbuwag sa sistemang ito at palitan ng isang sistema na doon ang mga likas na kayamanan ng daigdig ay magiging pare-parehong pamana sa sangkatauhan. Sa ganitong basehan lamang, na ang mga likas na yamang ito ay mapakilos para lipulin ang kahirapan sa mundo at tiyakin ang isang marangal na buhay para sa bawat lalaki, bawat babae, at bawat bata sa ibabaw ng planetang ito. Oo nga, ang daigdig ay nagtataglay ng mga kayamanan at kapamaraanan upang wakasan ang kahirapang pandaigdig. At siya nga rin, ito ang pinakatamang panahon na bunuin natin ang suliraning ito.

  Marami sa ating mga kababayan ang nagdurusa dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanila ng mga dayuhan, Mayroon tayong nababalitaan na maraming pilipino na kinukulong ng walang kasalanan at minsan pa nga ay humahantong sa kamatayan, Sa larangan naman ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapatay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw. Hindi dapat inaayon sa antas ng pamumuhay ang hustisya bagamat kailangan ito ng bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamumuhay dahil kung wala tayong hustisya tuluyan na mahihirapan ang mga mahihirap dahil sa hindi pagkakapantay pantay na paniniwala.

   Mahalaga ang kaganapan ngayon sa ating bansa upang maitama ang mga pagkakamali ng nakaraan para sa hinaharap ay masagot natin ng tuwiran ang tanong ng mga susunod na henerasyon kung bakit iba ang trato sa mahirap at mayamang kriminal gayong ang itinuturo sa bahay at paaralan ay pantay dapat ang hustisya para sa lahat at walang kinikilingan. Dapat ay manindigan ang lahat ng Pilipino para sa pagbabago at iwaksi na natin ang kultura ng walang pakialam at pagtanggap sa bulok na sistema ng ating bansa. Itigil na ang pagpapaloko at pagpapagamit sa mga pulitikong wala naman talagang ibang gustong pagsilbihan kung hindi ang pangsariling interes. Ito na ang tamang panahon para ang bawat Pilipino ay manindigan sa pagpapairal ng makatwiran at totoong pantay na hustisya sa ating bayan ng sa gayon ay magdalawang-isip na ang mga gumawa ng kamalian sa taumbayan.



Basahing Tinukoy:



    Tulfo, Raffy, "Bulok na sistema ng hustisya"www.pinoyparazzi.com. 25 November.2015. 
               Web. 14 September.2017
  Guam, Pedelyn Joy, "kahirapan-sa-pilipinas" chinee-blogkoto.blogspot.com.ph. 16. 
                October. 2016. Web. 16 November. 2017.
 Penaflor, Philip Emmanuel, "Paano natin ipapaliwanag ang kahirapan sa Pilipinas?"       
                 ph.linkedin.com › pulse ›  12 October.2015. Web. 7 September. 2016
Cruz, Neal. H, "PH has slowest Injustice in the World" Inquirers.com  24 November. 2014.     
                Web.  12 September. 2017. 



KAHIRAPAN: Naging Ugat sa iba pang Suliranin
(Amrafe Marata)
                      Kahirapan ito ang tawag sa kalagayan ng isang tao na walang ano mang pag-aari na materyales. Ito ag isa sa mga pinakamatinding dahilan kung bakit ang tao ay nakakagawa ng isang kasalanan,  dahilan kung bakit ang taong may ganito ang kalagayan ay inaabuso ng may kapangyarihan o may mas kaya sa buhay na tao, at ito rin ang dahilan kung bakit ang hindi tayo magkakapantay-pantay sa buhay. Maraming dahilan kung bakit ang isang bansa ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon at isa na rito ang pangakong palaging napapako ng mga politico sa isang bansa at ito ang paunlarin ang bansang kanilang pinagsilbihan.
                       Ayon kay Pedroche (blogspot), ilang saling-leader na ang lumabas-masok sa eksena pero ang kahirapan ay nagdudumilat pa rin. Nasasalamin sa dami ng mga taong sa bangketa natutulog. Sa tingin ko’y lumulobo imbes na nababawasan ang bilang nila sa paglipas ng mga araw. Lalung nakalulunos ang mga batang-paslit na gumagala at halos makipag-patintero sa mga humaharurot na sasakyan para humingi ng limos.
                       Batay sa ulat niya , masasabi na maraming leader na ang nagdaan sa bansa pero hindi parin nasusolusyonan ang  matagal na problema ng bansa bagkus ang kahirapan ay mas luamla pa at ang mga taong nasa kalsada ay mas dumarami pa ng maigi.
                        Sa dulang Ang Paglilitis kay Mang Serapio makikita natin ang problemang ito. Ang bida na si Mang Serapio ay napagbintangan ng isang krimen na kahit anong gawin niyang pagdadahilan ay hindi niya ito matatakasan dahil ang kaniyang mga kalaban ay ang mga taong mataas ang antas sa buhay kaysa sa kaniya. Ito ang mga taong  nandadaya sa systema ng isang bansa o mas kilala natin ang mga ito bilang taong Corrupt.
                         Ang korupsyon  ay ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan na inilaan sana sa mga proyektong makakatulong a pag-unlad ng isang bansa. Ito ay laganap na sa ating bansa isang halimbawa na rito ang pinakapinag-usapan na pork barrel scam.
                         Ayon sa Arsobispo ( Tapat sa Balita), matapos man o hindi ng senado ang imbestigasyon sa pork barrel scam, matatagalan pa rin mapanagot sa batas ang mga nagkasala o makalilimutan na ng taong bayan ang eskandalo dahil sa katagalan at usad pagong na kaso sa korte.
                          Sa kaniyang linya na pagong na usad ng korte, mahihinuha na ang korte ay matagal kong kumilos sa pagliliis ng kasong ito. Isa ito sa mga problema na kinakaharap ng isang bansa lalong-lalo na sa Pilipinas. Dahil hindi lahat ng mga autorisadong tao sa gobyerno ay mabubuti , hindi talaga maiiwasan ang ganitong sitwasyon . Isang kadahilanan nito ay ang nasasangkot sa isyung ito ay mga malalaking tao na kung saan konektado sa gobyerno.                                Maraming mga paraan ang pwede nilang gawin gamit ang kanilang koneksyon sa pamahalaan at ang perang pondo nila noong nangungurakot pa sila sa gobyerno.
                       Buti nalang may bagong ipinatupad na batas ang pamahalaan ukol dito, hindi naman talaga ito bago pero mas pinapalala lang ang parusa sa mga taong gumagawa ng kuropsyon. At ito ang Republic Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption na mas pinahaba na ang panahon para mapatawan ng sentensya ang mga makakasuhan ng graft and corruption.  Ang dating 15 taon ay ginawa nang 20 taon.
                       Subalit sa kabila nito  dapat hindi parin magpabaya sapagkat may iba pang rason kung bakit naghihirap ang isang abnsa at angmga tao sa loob ng bansa. Ayon kay Kayejaye (blogspot), ang ibang rason kung bakit naghihirap ang isang bansa o mas dumarami ang mahirap na tao sa isang bansa ay ang pyudalismo, ito ang  pagmamay ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan.Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.
                         Mahihinuha natin dito ang pagiging hindi makatarungan ng mayayamang tao dahil sa pag-angkin ng lupa n asana para sa mga mahihirap para naman may pagsakahan o may mapagkukunan ng hanap buahy ngunit nang dahil sa kasakiman ng mga mayayamang tao gusto nilang angkinin lahat ng ari-arian na pwedeng maging kanila para mas magiging mayaman at makapangyarihan.
                          Sa tekstong Ang Paglilitis kay Mang Serapio makukuha nito ang pagiging hindi makatarungan dahil sa pinagbintangan na nga siya ng krimen na hindi naman totoo ngunit nagging guilty parin siya sa huli dahil sa kakulian sa hukuman at ang sinabing  rason ng mga taong kumalaban sa kaniya ay ang pagasta ng pera para sa kaniyang anak na si Sol na siya naming patay na pala. Dito kahit na ang pinuno ng isang federacion ay marami ng nakokolektang pera mula sa iba’t ibang kasapi ng federacion ay gusto parin ng pinuno na mabigyang hustisiya ang maliit na barya na para sa kaniya ay naubos ni Mang Serapio para sa anak nito. Kung ating titingnan pwede naman itong pabayaan  na lamang dahil barya lang naman ito kumpara sa nakokolekta nila na pera pero dahil sa kanilang aksakiman sa pera ay inuusig pa rin nila ito.
                           Sa hindi makatarungang batas o pamumuno, dito na papasok ang salitang hustisiya. Hustisiya, ito ang inaasam-asam ng lahat ng mga taong nakaranas ng hindi makatarungang Gawain. Kung pagbabatayan natin ang Wikipedia, ang katarungan o hustisya ay tumutukoy sa katuwiran pagiging wasto o kawastuhan, katumpakan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa harapan ng batas o sa harap ng isang hukuman. Ibinibigay sa makatarungang paghuhukom, paghuhusga, o gawain ang parehas na paghahawak at pakikitungo, at pagbibigay ng karampatang gawad o trato, o kaya ng karampatang pagkilala. Para sa iyo, makatarungan ba ang pagpaparusa kay Mang Serapio? Ang systema ba ng batas ng Pilipinas ay makatarungan para sa lahat o makatarungan lamang ito sa mga taong mayayaman?
Kung pagbabasehan ang mga nangayayari sa palgid ang hustisiyang inaasam-asam ng karamihan ay hindi natutupad halimbawa na lamang ngayon, maugong ang usapin hinggil sa magiging kulungan ni CGMA. Kung titingnan natin sa tamang kaisipan, dapat pa ba natin itong pagdebatehan? Malinaw namang nagsasakit-sakitan na lang para makaiwas sa kulong pero bakit patuloy pa ring kinukunsinti ang lantarang panlolokong ito sa taumbayan? Simple lang ang kasagutan, iyan ay dahil sa umiiral na double standard justice system ng ating bansa. Iba ang trato sa mayaman at sa mahirap ng ating hustisya. Sa mga ganitong katwiran ay para atang tinanggap na talaga ng ating mga kababayan ang hindi pantay na pag-iral ng hustisya para sa lahat. Ano ba ang pinagkaiba ng magnakaw ng marami at kaunti? Kung mahirap ang nagkakasakit sinasabi ban g pamahalaan na dapat house arrest ang isang criminal di ba hindi. Kahit sino ang tatanungin wala pang taong nakarinig ng ganitong usapin.
Ayon sa inilahad ni Ryu, ang hustisya ay pantay para sa lahat. Iyan daw ang pamantayan ng isang malayang bansang demokratiko. Pero tunay nga kayang pantay ang hustisya sa ating bansang Pilipinas? Sa palagay ko ay hindi. Maging ang karamihan sa mga Pilipino ay kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Kung ikaw ay isang snatcher na nanghablot ng isang cellphone at nahuli ng taumbayan, awtomatikong gulpi sarado ka sa taumbayan kahit nandoon na ang mga pulis, pagkatapos magulpi saka poposasan at kung malupit ang pulis may kahalo pa iyang dagok at pagkatapos ay tuloy ka sa kulungan. Ganon lang kasimple. Wala ng kung anu-anong debate kung iyan ba ay dapat hospital arrest o house arrest. Wala kang awa na makukuha sa mga tao na nakasaksi sa krimeng ginawa .
Kahit ang mga nakakapanood sa tv ng balitang tungkol sa gayung krimen ay masasambit lang ang mga salitang “buti nga”! Ang snatcher ba ay pwedeng magrequest ng laptop o cellphone? Palagay ko ay hindi, wala pang ganoong pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa. Ang tanong ngayon ay kung bakit? Simple lang ang kasagutan…ang kriminal ay mahirap kaya ang pagtrato sa kanya ng tao at pagpataw ng hustisya ay talaga namang masasabing malupit at walang pagdadalawang-isip. Ngayon, siyempre hindi lang naman mahirap ang mga kriminal sa Pilipinas, sa palagay ko nga’y mas marami pa ang mayayaman, maiimpluwensiya, at mga pulitikong masahol pa ang krimeng ginagawa kaysa sa mga simpleng snatcher. Ito ang mga tinatawag na mga “DISENTENG KRIMINAL”  na dahil sa kanilang katayuan sa buhay ay masasabi na ring mga untouchables. Ang iba sa kanila ay malayang nakakalabas-masok sa selda at naka-aircondition pa at ang pinakatumpak na halimbawa nito ay si CGMA.
Ayon kay Raffy Tulfo, nakalulungkot isipin na ang hustisya sa Pilipinas ay sadyang mabagal at marami ang kinamamatayan na lamang ang kasong kanilang isinampa at hinaharap. Marami kasing balakid sa pagtatapos ng isang kaso at paghahanap ng katotohanan. Kadalasan ay bigo ang isang mahirap sa paghingi ng katarungan kung mayaman ang kalaban nito. Ang hindi pantay na hustisya sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay isang malinaw na balakid para sa katarungan. Tulad ng sa kaso ni Mang Serapio na hindi niya nabigyan ang sarili ng katarungan dahil makapangyarihan ang nasa hukoman.

Hindi rin patas ang hustisya sa Pilipinas sa pagitan ng ordinaryong tao at may kapangyarihan o maimpluwensya. Ang pinakanagpapabagal sa proseso ng katarungan sa Pilipinas ay ang makalumang metodo at paraan nito. Habang maraming bansa sa mundo ang kumikilala sa “jury system”, dahil ‘di hamak na mas mabilis ito, ang Pilipinas ay nakapako pa rin sa tradisyunal na metodo, kung saan ay may iisang hukom na magsisiyasat ng katotohanan sa mga ebidensya at nagpapataw ng parusa sa nagkasala. Sa dami ng krimen at mga kasong isinasampa sa korte, habang kakaunti naman ang mga hukom sa Pilipinas, nagpapatung-patong lamang ang mga kasong hindi natatapos at nababaon lamang sa limot dagdag pa ni Tulfo.
Hindi pagkakapantay –pantay ang pinakatumpak na salitang pwedeng iugnay natin sa mga sinabi ng dalawang taong nagbabahagi ng kanilang salooin patungkol sa hustisiya. Sigurong mas kilala ito na Social Inequality. Kung sasabhin nating Social Inequality ang mga paksang kaugnay dito ay ang race, kultura, tradisyon at amrami pang iba na nagpapakilanlan ng isang tao. Ang usaping ito ay hindi lamang sikat sa bansang Pilipinas kundi sa buong mundo na rin. Katulad nalang sa South Africa yung racism na nagyari doon na binigyang  diin ni Nelson Mandela. Kung sa kanila ang problema ay ang kulay ng kanilang balat na kung saan tinitingnan ng balat ang isyung pinag-usapan dahil mas mababa ang tingin ng mga white americans sa mga black na americans. Dito naman sa Pilipinas ang pagiging mahirapa t mayaman ang nagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay ng trato ng hukuman o batas.
Batay sa 1987 Constitution of the Republic of the Philippines Article XIII Social Injustice and Human Rights, “Section 1. The Congress shall give highest priority to the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people to human dignity, reduce social, economic, and political inequalities, and remove cultural inequities by equitably diffusing wealth and political power for the common good.”
            Kung maipatupad ang mga batas ng maayos ,siguradong hindi tayo magkakaroon ng mga isyu tulad ng mga ito. Siguro kailangan lang ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas dahil sa dami ng batas siguradong wala ng kakuliang mangyayari sa isang bansa.






MGA BABASAHING TINUKOY

Pedroche. Ang hinaharap ng mga batang-lansangan. Philippines: Pilipino Star Ngayon. 2009. Print.

Arsobispo. Pork Barrel Scam. Philippines: Tapat na Balita. 2006. Print.

Kayejaye. Kahirapan sa Bansa. Philippines: Blogspot. 2010. Print.

Tulfo. Bulok na Systema ng Bansa. Philippines: Pinoy Paparazzi. 2015. Print



Sintesis sa: “Ang Paglilitis kay Mang Serapio” ni Paul Dumol


        Ang Paglilitis kay Mang Serapio ay isang dula nagpapakita sa kung ano ang kayang gawin ng isang tao para lang sa katayuan, kapangyarihan at dignidad, kahit ito ay nagdudulot pa ng kasakiman. Ang dula ay napapatungkol ito sa isang lalaking pulubi na si Mang Serapio na naakusahan ng isang krimen na hindi naman nya nagawa kung saan naghantong sa kanyang paghihirap sa kanyang pagiging membro ng federasyon.
       
Hindi lahat ng nakulong may kasalanan at hindi lahat ng may kasalanan nakulong. Ang Paglilitis kay Mang Serapio ay maihahantulad natin sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa ngayon, ang pagpatay sa mga taong gumugamit, nag bibinta at mga tulak ng druga o mas kilalang Extra Judicial Killing. Sa panahon ngayon laganap ang patay sa bansa dahil sa “war on drugs” o kontra druga na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. At ang nakakalumo pa ay ang karamihan sa napatay ay hindi man lang nabigyan ng katarungan ang kanilang pagkamatay, hindi nagbigyang linaw ang tunay na dahilan sa kanilang pagpatay at ang pinakamasaklap pa hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanilang sarili ayon sa ipinaparatang. Sa isang pagsisiyasat at pag-aaral kung sang-ayon nga ba ang mga tao sa Extra Judicial Killing na nagaganap sa ating bansa ngayon,  karamihan sa mga tao ang hindi sapagkat ito ay labag sa karapatang pantao at sa kabaliktaran meron din naman ang sang-ayon dahil daw sa kanilang seguridad, kung saan wala nang tao ang pagala-gala at tambay sa gabi.
       
Ang kanyang mga kasamang pulubi ay nagbulag-bulagan at naglumpo-lumpoan para makakuha at makahingi ng maraming pera sa mga tao, subalit si Mang Serapio ay walang ganitong mga talento para magpanggap, sapagkat isa lang ang kanyang naisipang gawin. Ang magdala ng isang batang manika sa kanyang likuran na parang may sakit, na tela bang iniisip niya na ang kanyang dinadala na manika ay ang kanyang babaeng anak. Ang asawa at ang anak ni Mang Serapio ay namatay dahil sa isang aksidente at siya ay nangungulila sa kanyang anak kaya inihahantulad nya ang manika sa kanyang anak kung saan ito ay kanyang dinadamitan, pinapakain at kahit ano pa ang kanyang ginagawa sa manika. At dahil dun siya ay naakusahan ng kasalanan na siya ay lumabag sa isa sa mga sa batas sa kanilang federasyon, siya raw ay nagdala ng isang bata upang makuha ang awa ng mga tao upang siya ay bigyan ng pera,inaakusahan at pinaratangan siya ng walang sapat at tamang ebidensya na nagpapatunay sa nasabing kasalanan.

Pinaratangan siya na imbis sa kanila mapupunta ang pera na nakuha nya sa panglilimos ay napupunta na sa bata na akala nila. Inakyat nila sa Kurte ang kasong ito sapagkat alam na nila na hinding-hindi mananalo si Mang Serapio nito, siya ay nag-aalaga lamang ng isang manika at hindi niya kayang mapapatunayan ang kanyang sarili upang ipaglaban at makamit ang hustisya.
Ayon sa ABS-CBN News Online “Police said they arrested almost 85,000 drug suspects and killed 3,000 others who resisted arrest during the one-year period.” Dagdag pa nila “July 1, 2016 to June 13, 2017: 1,306,389 – surrenderers 84,467 – drug personalities arrested 3,151 – drug personalities who died in anti-drug operations 9 clandestine laboratories dismantled 150 drug dens dismantled 2,429.09 kilos of seized shabu worth 12.49 billion pesos.“ Sa kabila ng maraming mga tao na sangkot dito, wala silang sapat na ebidensya at katunayan na nanagpapatunay na nga ang mga tao nga ito ay sangkot sa illegal drugs. Ayon sa isang artikulo sa GMA News Online ni Bam Alegre, “Dahil din sa mga tila dumaraming  mga patay na nakahandusay sa lansangan, marami ang nababahala.  Ang masklap pa nito, may ilang napapatay raw na wala naman palang kinalaman sa droga o hindi kaya mga napagkamalan lang.

        Nang dahil sa patuloy na pagpatay, marami ang nangangamba sa mga nangyayari. Ang mga taong pinapatay ng mga pulis ay wala namang patunay na sapat na makakapagsabi na sila ay nagkasala at sila ay lumabag sa batas. Hindi nabibigyan ng sapat na hustisya at hurisdiksiyon ang mga taong napapatay sa mga pagsalakay ng mga pulis sa mga hinihinalang na mga sangkot sa droga. Marami sa mga pamilya ang naulila ng kanilang mga anak o asawa man. Hindi madali na ito ay kanilang isawalang bahala lalo na hindi nabibigyan ng sapat na hustisya ang kanilang mga mahal sa buhay.

        Ang nangyari kay Mang Serapio ay isa siya sa mga taong hindi nabigyan ng tamang paglilitis. Pinagkaila ni Mang Serapio ang bintang sa kanya. Subalit handa ang hukom sa pagtutol nito kay Mang Serapio sapagkat nagpatawag na ito ng tatlong saksi na siyang di umano ay nakakita sa batang inaalagaan ni Serapio. Pagdating sa hukuman, ay nagdala ito ng isang lumang baul na pagaari ni Serapio bilang ebidensya. Sa lood daw ng baul makikita ang lahat ng mga lumang damit at kagamitan ni Serapio pati na rin ng kanyang anak. Dito nalaman na walang bahid na katotohanan ang pinagsasabi ng mga saksi. Kung ang isang tao ay mabibigyan ng oras at panahon na patunayan at ipagtanggol ang kanilang sarili ay mas nabibigyan sila ng katarungan upang malinis nila ang kanilang mga pangalan. Kapag ang isang tao naman ay napatunayang nagkasalan, diyan na papasok ang kakaharapin nitong mga parusa.
        Hindi sa lahat ng pagkakataon ay napapansin ang karapatan ng isang tao. Sinasabi ng isang pulis kapay may dinadakip ito “may karapatan kang tumahimik at patunayan na ikaw ay hindi nagkasala kasama ng iyong abogado”. Pero hindi ito ang nangyayari sa panahon natin ngayon, mga taong pinapatay, mga taong hindi man lang napatunayan ang kanilang mga sarili. Maiiwas ito kapag ang mga mga taong natalaga ditto ay walang kinikilingan at hindi umabuso sa kanilang kapangyarihan. Ito ang isa sa mga sanhi na hindi nabibigyan ng katarungan ang bawat isa. Ang katiwalian ang ugat ng lahat nito, walang pinapatay na hindi mahirap, halos ang lahat ay walang kaya sa paggastos ng isang abogado. Pero kung mga personalidad at mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan ang sakot, sila ay hindi napapatay bagkus kapag sila ay nadakip, nananatili parin ito sa mga preso na parang bahay naman din nila kung saan ang ilan ay nagsisiksikan sa munting espasyo sa mga kulungan.
        Mula sa kasong Calalang vs. Williams na sinulat ni Justice Jose P. Laurel Ang Katarungang Panlipunan o Social Justice ito ang polisiya nang ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa ay ginagawang makatao at sinusubukang pantayin ang pagkakaiba nang estadong panlipunan nang mga mangagawa at mga kapitalista, para ang makatuwirang layunin nang katarungan ay kahit papaano ay maipatupad nang maayos.Pero ang layunin nang pagkakapantay pantay nang mga mayaman at mahirap, manggagawa at kapitalista ay hindi kagaya nang prinsipiyo nang mga komunista o diktatorya, ang pagkakapantay-pantay ay hindi sa lubusang pagpaparte nang mga yaman sa bansa sa lahat nang mga Pilipino, kundi ang kahit papaano ay mabawasan ang pagkakaiba nang estado sa lipunan partikular na sa pagbibigay nang mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mga mayayaman at kapitalista. Ang sabi nga ni Pangulong Ramon Magsaysay, kung sino ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan nang mas maraming benipisyo sa batas.
Sa larangan ng antas ng pamumuhay hindi dyan mawawala ang Mayaman at Mahirap sapagkat ang mayaman at mahirap ay mayroong hindi pagkakapantay na pagtrato may mga among mayayaman ay inaalipin ang mga katulong nila sa bahay halos mapatay na ng amo ang kanilang katulong sa kaka bugbog, Sa larangan naman ng hustisya malimit lang sa mahihirap ang magkaroon ng hustisya sapagkat ang mga mayayaman lang ang madalas na nakakamit ng hustisya sa pamamagitan ng salapi at kung hindi natin ito maiiwasan iikot nalang ang ating mundo sa maling pananaw.

        Sa prinsipiyo nang Katarungang Panlipunan din nagmula ang prinsipyo nang Katarungan Maawin (Compassionate Justice),kung saan pag-nagkamali ang isang mangagagawa, hindi agad agad na bibigyan sya nang mataas na parusa kahit na ito pa ang nakasulat sa kanilang napirmahan kontrata. Dapat bigyan sila nang kaawaan, na pag-maaring pababain ang parusa para sa kanila, dapat babaan ito. Pero dapat tignan maigi ang pangkalahatang pangyayari, kung bakit niya yun nagawa, kasama na din kung gaano na siya kataggal sa kompanyang pinagtatrabahoan. Tandaan lamang na hindi agad agad na babaaan ang parusa sa mga manggagawa, kasi may mga pagkakamali ang mga manggagawa na hindi na dapat kaawaan. Ang mga karapat dapat na manggagawa lamang ang kinaawaan, kasi kung garapal naman, dapat siyang maparusahan nang naayon sa kanyang ginawa.
        Sa istorya ni Mang Serapio, mahihahandtulad lang natin ito sa ating kapaligiran, hindi man sa literal na kahulugan kundi sa mga reyalidad na nagyayari sa ating bansa ngayong mga panahon. Masasabi nating si Mang Serapio ay ang taong bayan at ang kanyang mga leader ay ang Gobyerno ng ating bansa. Makikita natin kung paano kasakim ang utak ng mga tao na may nakakataas na posisyon kung pera na ang pag-uusapan. Makikita rin natin na kaya rin nilang paikotin at baguhin ang istorya para lang hindi maakusahan sa kanilang mga nagawang kasalanan. At ang pinakamakabuluhan sa istoryng ito ay ang Extrajudicial Killing kung saan masasabi natin na may mga tao ang hindi man lang nabigyan ng pagkakataon upang ipagtanggol ang sarili laban sa mga ipinaparatang sa kanila. Ayon sa isang kasabihan na, “stand up for what is right, even if you are just standing alone.” Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na kung ano ang tama dapat ito ay ating ipaglaban, hindi para sa pera o para sa posisyon kundi para sa Katotohanan at Hustisya.

https://frankgomendoza.wordpress.com/2013/08/12/ang-paglilitis-ni-mang-serapio-by-paul-dumol-play/
http://news.abs-cbn.com/focus/06/29/17/over-3000-killed-thousands-collared-shabu-supply-scarce-prices-soaring
Affairs, GMA News and Public. “Ang lumalalang mga kaso ng umano'y extrajudicial killings, tatalakayin sa 'Brigada'.” GMA News Online


-Marie France A. Gumahin











BIONOTE: Cristina Magalang Bering

Cristina Magalang Bering Sikap at Pursige Bionote ni Cristina Magalang Bering Isang babae na simbolo ng tunay na pagsisikap, pagp...